Chapter 32

137 2 0
                                    

AYEESHA's POV

"Babe" tawag sa akin ni Daylan, nandito kami ngayon sa condo niya.

"Yes?"

"Why so ugly?" Tanong niya at sabay tawa ng malakas. Anak ng tokwang Boy friend ito o!

Binigyan ko siya ng matalim na tingin, feeling ko nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Sino ba kasing gustong masabihan ng pangit? Lalo na sa taong mahal mo pa nanggaling. Nakakapikon diba? Tapos ayan, tuwang-tuwa pa siya sa sinabi niya sa akin.

"Wow. Thanks ha!" I gave him a fake smile at tumayo na ako. "I think I should go now" sabi ko sakanya at naglakad na ako papunta sa pintuan.

"Hey! I'm just kidding, you know!" Sigaw niya. Pero hindi ko parin siya pinansin at tumuloy lang ako sa paglabas sa condo unit niya. Isinara ko ng malakas ang pinto, gawa na rin siguro ng inis na nararamdaman ko.

Narinig ko ang pagbukas muli ng pinto at naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa akin mula sa likod ko. "Daylan, wala ako sa mood"

"Nakikipag-biruan lang naman ako e" sabi niya at iniharap niya ako sakanyan, hhinawi niya ang mga buhok ko na nakaharang sa mukha ko, ngumiti siya at hinawakan niya ang dalawang pisngi ko "Babe, you are the most beautiful girl I've ever met. Para sa akin ikaw ang pinaka magandang creature na ginawa ng diyos" he paused for a second and he kissed me on my forehead.
"Kaya huwag ka ng magalit diyan, kadarating lang natin tapos aalis kana agad, huwag ganun. Ayokong mamiss ka"

Gosh. Am I the luckiest girl here on earth? Kinikilig ako. Tumalikod ako sakanya dahil naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko. Ayokong makita niya na namumula ako, nakakahiya kasi. "Hey" tawag niya sa akin at sinundot niya ako sa tagiliran.

"Hey your face! Sabi mo pangit ako e"

"Binabawi ko na. Joke lang yun babe" sabi niya at niyakap niya ako mula sa likod ko. Humarap ako sakanya at binigyan ko siya ng nagdududang tingin. "So para san yang mukhang yan, pinagdududahan mo ba ako?" tanong niya at tinaas ko ang isang kilay ko.

Binitawan niya ako at tumalikod siya sa akin. Nakakatawa ang boy friend, feeling ko pareho kaming may sayad ngayon. "Hey.Handsome, I love you so much!" nakangiting sigaw ko sakanya at humarap ulit siya sa akin. Nakangiti siya na abot hanggang tenga.

"Anong sinabi mo misis?" Naglakad siya papalapit sa akin.

"Sabi ko mahal kita mister" niyakap niya ako ng napaka  higpit.

"Mas mahal kita misis"

"Hindi mas mahal kaya kita Daylan"

"Ayeesha, heto ang tandaan mo. Mas mahal na mahal kita. Dapat mas nangingibabaw lagi ang pagmamahal ko sayo. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko"

"Sus. Ang corny mo na mister"

"Panira ka naman ng moment e"

"Pero kailangan kong sulitin to, minsan ka lang maging sweet e"

"Dapat lang, tara pasok na tayo. Baka.sabihin nila PDA na tayo"

"Wala akong pake, ang mahalaga tayo"

Tinawanan niya lang ako at inakbayan. Naglakad kami papasok ng condo niya at papasok na sana kami ng may tumawag kay Daylan.

"Dy!" Pareho kaming napalingon sa babaeng tumawag sakanya, at hindi ako makapaniwala sa nakita ko dahil nandito Loraine at puno ng luha ang mukha niya.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon