Chapter 11

290 5 0
                                    

AYEESHA's POV

"Nay Lucy! Una na po ako"  Sabi ko kay nay lucy habang pababa ako ng hagdan.

"Hindi kana ba kakain?"

"Sa school napo, late napo kasi ako" sabi ko at nanakbo na ako sa kotse ko. Ya. Late na ako at sa tingin ko kakayanin ko ng magdrive. Wala na akong time para mag hintay pa ng taxi. Sucks! Bakit kase hindi ako agad bumangin. Tss

Pagdating ko sa school ay nag park na ako ng kotse ko at nanakbo na ako. Thank you Lord, dahil sakto lang po ang dating ko sa school.

BOOGSH!

Kapag minamalas ka nga naman o! Natisod ako sa isang malaking harang na paa at isa pang malaking buwiset dahil ang may ari ng malaking paa na iyon ay walang iba kundi si Daylan Montinegro. Leche talaga itong lalaki na to. Ginagalit niya talaga ako e!

"Tanga ka ba? O sadyang nananadya lang?"  Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Yung nananadya ako yun pero yung tanga ikaw yun" He said and he smirked again. Ugh

"BUWISIT KA!" Sabi ko at inirapan ko siya. Tumayo na ako at maglalakad na sana ako papuntang room pero hirnaangan niya ang dinadaanan ko.

"Huwag ka ngang malaking harang diyan!" Sigaw ko sakanya! Umagang umaga sinisira niya ang araw ko.

"Tara? Samahan mo ako, wala akong kasama e"

"Late na ako, humanap ka nalang diyan" Inip na inip na sabi ko, nilagpasan ko siya at nagsimula na ulit akong maglakad papuntang classroom.

"AYEESHA!" Ang kulit din ng lahit neto! Haharap na sana ako sakanya ng biglang may naramdaman akong yumakap mula sa likuran ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Paasok ka ng klasi mo ng hindi man lang ako niyayakap" Malambing na sabi ni Daylan. Ugh. Ano nanaman ba ito Daylan? Hindi ako nakasagot sa sasabihin ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Umayos ka, Loraine is watching us" bulong niya sa akin. Kaya naman pala naging sweet siya dahil nandito na naman si Loraine. Tama ba itong ginagawa niya? Makakatulong ba ito na mapabalik sakanya si Loraine? Biglang kumirot ang puso ko, naisip ko kase na parang ginagamit nalang talaga ako ni Daylan. Parang kapag may gusto lang siyang kalaro doon niya ako tatawagan. Hayy

Ng mapansin kong wala na si Loraine ay bigla na akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Daylan at nanakbo na ako papuntang classroom. Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumakit yung loob ko kay Daylan.

DAYLAN's POV

Nandito ako sa hallway ngayon para hintayin si Ayeesha. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na siyang paparating at mukhang nagmamadali siya.

1 2 3

BOOGSH!

Sarap talagang pagtripan ng babaeng 'to. Tinisod ko siya gamit ang kanang paa ko at dahil tatanga tanga siya hindi niya ito napansin at ito ang dahilan kung bakit siya nadapa at dahil sa ginawa ko ay binigyan niya ako ng matalim na tingin.

"Tanga ka ba? O sadyang nananadya lang?" Iritadang tanong niya sa akin.

"Yung nananadya ako yun pero yung tanga ikaw yun" Wooah. Ang sarap niya talagang asarin.

"BUWISIT KA!" Sigaw niya at tumayo na siya at naglakad na siya. Hindi pa siya nakakalayo ng harangan ko ang dinadaanan niya.

"Huwag ka ngang malaking harang diyan!"

"Tara? Samahan mo ako, wala akong kasama e" Aya ko sakanya, hindi pa kasi ako nakakapag breakfast.

"Late na ako, humanap ka nalang diyan" sabi niya at naglakad na siya muli. Hahayaan ko nalang sana siya kaso nakita ko si Lory na nakangisi kasama nung hinayupak na college student na manliligaw niya. Hindi ko alam na pinapanuod pala nila kami ni Ayeesha. Baka malaman niya na nagpapanggap lang kami. Tss Agad akong gumawa ng paraan.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon