AYEESHA's POV
Ngayong araw kami pupunta sa beach house nila Luke. Naka-upo ako sa couch sa tabi ng main door namin habang hinihintay ko silang dumating.
Di nagtagal ay may narinig na akong malakas na busina sa tapat ng bahay namin.Agad naman akong lumabas at nakita ko ang puting van na nakaparada sa tapat ng gate namin. Niluwa ng puting van si bae at Karisama na naka-ngiting kumakaway sa akin, I smiled back and kumaway din ako.
Pumasok ulit ako sa loob para kunin na ang mga gamit ko. I'm just wearing a simple white dress na hanggang taas ng tuhod ko.
Paglabas ko ng bahay namin ay nakita ko sina Kian, Renz, Luke and Shiena na nakababa na rin sa sasakyan.
"Good Morning" bati ko sakanila.
Agad naman lumapit sa akin si Renz para kunin ang bitbit kong bag.
"You look so beautiful, Ayeesha" bulong niya sa akin at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
Marahan ko siyang hinampas sa balikat at ngumiti ako "Renzo, tigil-tigilan mo nga ako sa mga pambobola mong iyan"
"I'm just stating the fact" magkasalubong ang makakapal niyang kilay.
"Hoy! Mamaya na kayo mag harutan, mahaba pa ang byahe natin" masungit namang sabi ni Kian.
"Sus. Inggit ka lang!" sabi ni Karisma sakanya at inirapan niyo ito.
"Ako maiinggit? Ang gwapong to? Sus. Kung alam mo lang, sawang-sawa na ako sa mga ganyan" sagot naman ni Kian.
"Ang yabang mo talaga. Manahimik kana nga!'
"Alam mo Karisma, pakiramdam ko gusto mo ako e. Huwag ka ng mag deny, sanay na ako. Wala nalang sa akin iyang mga 'yan!"
"Tangina mo pala e!" naasar na sabi ni Karisma at pumasok na siya sa van.
Napangiti nalang ako sa asaran ng dalawa at pumasok narin ako sa loob ng van.
Si Luke ang nag da-drive at si Shiena naman ang na passenger seat. Sa first row ay sina Bae, Kasrisma at Kian and sa second row naman kami umupo ni Renz.
"Hi Ayeesha!" Bati sakin ni Shiena na abot tenga ang ngiti at kumaway kaway pa ito.
"Ibang klase talagang bumati ang inlove" sabi ko sakanya at nginitian ko siya. Nakita ko naman ang pag smile ni Luke at hinawakan niya ang kamay ni Shiena. Siguro ang saya ng pakiramdam nila, naranasan ko narin kasi ang mag mahal at mahalin, kasoa gad din nawala. Panandaliang saya lang kung baga.
"Sus. Inggit ka lang" sabi naman ni Shiena sa akin.
"Hindi 'yan, meron naman siyang Renz" sabi ni Luke sabay tawa nilang lahat. Pinaandar na ni Luke ang makina ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...