DAYLAN's POV
Ilang araw na ang lumipas simula noong nagkita kami ni Ayeesha sa amusement park, kasama ko si Lory that time and kasama naman ni Ayeesha ang best friend ko na si Renz. Sa tuwing nakikita kong magkasama si Ayeesha at si Renz may nararamdaman akong galit kay Renz, feeling ko inaagaw niya ang lahat sa akin.
Hindi ko alam pero feeling ko nasaktan ko si Ayeesha, ilang araw na niya akong iniiwasa at sa tuwing inaaya ko siyang lumabas tumatanggi siya at minsan naman ay sinasabi niyang busy daw siya. Nagalit siguro siya kasi hindi ako sumulpot sa lakad namin noong isang araw.
Ang dami na din kumalat na iba't ibang news sa school about sa amin ni Loraine. They were spreading news na si Lory daw at ako ay nagkabalikan na. Hindi totoo yun, hindi pa kami nagkabalikan. Sinamahan ko lang siya sa amusement park noon dahil gusto ko siyang tulungan, she's lost that time. Marami siyang pinagdadaanan kaya mas pinili ko siyang samahan kesa kay Ayeesha. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako nakokonsensya sa ginawa ko, feeling ko ang laki ng kasalanan ko kay Ayeesha.
Nasa tapat ako ng classroom nila ngayon at malapit na silang palabasin ng last teacher nila. Gusto ko siyang maka-usap.
Hindi nagtagal, isa-isa ng naglabasan ang mga kaklase niya, ganun din ang teacher nila. Pumasok ako sa classroom nila at nadatnan kong nag uusap sina Karisma, Bae, Chiena and Ayeesha. Nakatalikod si Ayeesha kaya hindi niya ako nakita, pero si Bae ay nagulat nung makita niya ako.
"Nakakainis. Hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko, basta mahal ko siya pero ayoko muna siyang kausapin ngayon" narinig kong sabi ni Ayeesha.
"Sinong mahal mo?" Bigla kong singit sa usapan nila ng makalapit ako sakanila, nagulat si Ayeesha kaya muntikan na siyang matumba, mabuti nalang at nasalo ko siya agad. Napayakap siya sa akin at marahan niya akong tinitigan sa mata. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng ilang sakanya. Tumayo siya ng maayos at pinagpagan ang damit niya.
"Na--andy-an ka pa---la" nauutal niyang sabi.
"Hindi picture ko lang to" Pamimilosopo ko sakanya.
Inirapan niya lang ako at dinampot ang mga gamit niya at sinabing "Let's go guys" hindi pa siya nakakalayo at hinila ko na siya pabalik sa akin. "Problema mo?"
"Problema ko? Ikaw nga tong tinotopak tapos tatanungin moko kung anong problema ko ha?" naiinis na sabi ko sakanya, nakakainis na kasi e. Bumabalik na naman siya sa dati, bumabalik na naman siya sa pagiging masungit niya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito!" Naluluha niyang sabi.
"Guys. I think we should go now. Mag usap kayo at liwanagin niyo ang lahat ng mga namamagitan sa inyo" sabat ni Bae. Tumango lang ako at nagkasalubong lang ang kilay ni Ayeesha. Lumabas na ng classroom yung tatlo kaya kaming dalawa nalang ni Ayeesha sa loob. Umupo ako sa teacher's table at nanatili lang siyang nakatayo.
"Ano? Tatahimik ka nalang ba diyan?" sabi ko sakanya. Hindi niya ako pinansin at umupo siya sa isa sa mga arm chair na malapit sakanya. "Ano ba talaga ang inaarte mo diyan? Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko?"
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" Sa wakas at nagsalita na siya. Tumayo ako at lumapit ako sakanya.
"Ano nga ba?"
"Daylan, manhid kaba o tanga lang? Ayoko na ng issues, gusto na kitang iwasan"
"Ano bang pinagsasabi mo ha? May boy friend kana ba? May magagalit naba ha? "
"Daylan, please ayoko na" sabi niya at tumakbo siya papalabas ng classroom. Kada hakbang na ginagawa niya parang binabaksakan ng mga mabibigat na bato ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...