DAYLAN's POV
"Nasan ba tayo?" Mahinahong tanong ni Ayeesha. Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na ako ng sasakyan. Dumeretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Ang init kasi sa labas e.
Dinala ko si Ayeesha sa tambayan naming magbabarkada. Ok lang naman siguro kung idala ko siya dito. Makalat ngayon dahil nag inuman kami kagabe.
Nakapag palit na ako ng damit at umupo ako sa kama ko. Nakita ko sa side table ang picture namin ni Loraine na nakayakap ako sa kanya at pareho kaming nakangiti, kinuha ko ito at pinunasan.
"Hi My princess" Madalas kong gawin to, kinakausap ko ang mga litrato namin o yung mga litrato niya na meron ako. "Kamusta kana? Sana ok ka lang, sana masaya ka at sana hanggang ngayon ay mahal mo pa din ako" pinilit kong ngumiti kahit na nasasaktan na ako "Namimiss na kita Lory, alam mo ba yung pakiramdam na kahit gusto kitang lapitan pero hindi ko magawa dahil nandiyan ang asungot mong manliligaw. Bakit ba napakadali lang sayo ang lahat ng mga nangyari ha? Hindi mo ba ako minahal?" Naramdaman ko na naman ang mga milyong-milyon na karayom na tumusok sa puso ko. "Maghihintay ako Lory, hihintayin ko ang pagbabalik mo" Hindi ko namalayan na may luha na naman pala na tumulo mula sa mga mata ko. Sabi nila ang mga lalaki ay hindi marunong umiyak at masaktan, diyan sila nagkakamali. Kung nasasaktan ang mga babaeng mahal namin mas doble ang sakit na nararamdaman namin. Hindi kami basta-baasta nalang na iiyak sa harap ng maraming tao, dahil ayaw namin ipakita na mahina kami. Noon akala ko kapag mahal mo ang isang tao at mahal ka din nito ay magiging madali lang ang lahat, pero mali pala iyon, hinding-hindi mawawala ang mga struggles, tanggap ko naman na kakambal ng pagmamahal ang nasasaktan, pero bakit parang malala yung sakit na nararamdaman ko. Namimiss ko na si Loraine. Kaya Ayeesha kailangan mo kong tulungan na ibalik si Loraine sa buhay ko dahil kung hindi malilintikan ka. Speaking of Ayeesha! Putcha! Sinama ko nga pala siya dito! Naku! Baka kung ano na ang nakita nun!
Agad akong lumabas sa kwarto ko at hinanap si Ayeesha. Nakita ko siyang nakaupo sa couch sa may living room at kasama na niya si Renz. Tss Sobranng lapit nila sa isa't-isa. Ang landi talaga ni Renz, lahat nalang pinapatulan.
"Ehem! Ehem!" Nagpeke ako ng ubo para naman mapansin nila na nandito ako.
"O pare!" Tumayo si Renz at tinapik niya ako sa likod.
"Kanina kapa ba nandyan?" Tanong ni Ayeesha.
"E ano ngayon?!" sabi ko at padabog akong umupo sa upuan. Inirapan niya lang ako at uminom siya ng juice. Binuksan ko ang TV at after 5 minutes bumaba na si Kian kasama niya na naman babae niya. Tong lalaking to! Paiba-iba ang idinadala dito, wala na akong matandaan na pangalan ng mga babae niya. Tss
"Hey! You're here!" Sabi ni Renz at niyakap niya si Ayeesha.
"G*go ka Kian! Layuan mo si Ayeesha!" Hinila ni Renz si Kian papalayo kay Ayeesha.
"Grabe! Nakikipag kaibigan lang ako" sabi ni Kian at ngimiti ng nakakaloko
"Ow wait! baka gusto niyang sumunod?"
"Bastos ka!" sigaw ni Ayeesha.
"ARAAAAY!" Sigaw naman ni Kian, paano kasi piningot siya ni Ayeesha. Napaka sadista niya talaga.
"Hey! Stop it!" pigil naman ng maarteng babae. Inirapan lang siya ni Ayeesha at umupo na siya ng maayos.
"Hatid ko lang siya " paalam ni Kian na hinihimas himas pa ang tenga niya "Babalikan kita" Pahabol niya at tinuro niya si Ayeesha.
"Sige balikan moko para sa isa pang pingot mo!" Ang taong walang kinakatakuta, si Ayeesha yan. Hindi ba siya nag-iisip na baka isunod nga siya ni Kian sa mga kalokohan nito?
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomansaWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...