AYEESHA's POV
"Ayeesha kain na" sabi sa akin ni Bae at inabot niya ang plato sa akin. Natutulala na naman ako at nawawalan na naman ng ganang kumain.
Nandito kami sa bahay ngayon, dinalaw ako ng mga kaibigan ko. Tinawagan daw sila ni Manang Lucy at sinabing hindi daw ako kumakain ng maayos simula kahapon at lagi daw niya akong nakikitang tulala.
Masama ba talagang mag mahal? Bakit ang malas ko pagdating sa pag ibig, palagi nalang ako yung umiiyak at nasasaktan. Wala ba akong karapatan sumaya?
"Hindi ka kakain? Teka nasan na nga ang Cellphone mo at tawagin ko na sina Tita isusumbong ko yang katangahan na ginagawa mo" Kinuha ni Chiena ang phone na nakapatong sa mesa at inagaw ko sakanya ito.
"Chiena please huwag. Alam niyo naman kung anonng kayang gawin nila daddy" Ayokong mapahamak si Daylan, wala siyang kasalanan. Takot akong malaman ng mga magulang ko ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Alam ko kung anong maari nilang gawin sa mga taong nanakit sa akin at hindi ako makakapayag na may mangyarin masama sa taong mahal ko.
"O kumain ka muna" sabi ni Karisma.
Pinilit kong kumain, pinilit kong lunukin ang mga kanin na sinusubo ko. Ngayon ko lang naramdaman ito, ang sakit at pait ng pinagdadaanan ko. Hindi ko alam kung kelan matatapos to, namimiss ko na si Daylan. Gusto ko na siyang mayakap, maka-usap at makita.
"Grabi naman. Marunong ka na palang umiyak ng walang dahilan ngayon" Pinunasan ni Bae ang mga luha sa pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako, ang OA ko kasi ako na nga mismo ang umiwas ako pa itong nasasaktan ng sobra "Tama na Ayeesha, nagmumukha ka ng tanga sa ginagawa mo"
"Ang sakit dito e" turo ko sa puso ko "Ang sakit lang, wala ba akong karapatan sumaya? Mahirap ba akong mahalin?"
Umiling-iling si Bae at sinabing "May mga bagay talaga sa mundo na hindi nilaan ng Diyos para sa atin, magtiwala ka lang. Darating din ang taong karapat dapat sayo"
Tumayo sina Karisma at Chiena, lumapit sila akin at niyakap nila ako.
"Huwag ka ng umiyak, pati kami nadadamay sayo e" sabi ni Chiena na kanina pa naiiyak.
"Ang mabuti pa, maligo ka at mag ayos" request sa akin ni Karisma.
"Ayoko"
"Ang pangit mo na girl, baka sabihin ni Daylan patay na patay ka sakanya"
"Karisma pwede ba"
"Magpaganda ka na nga kasi"
"Wala ng dahilan para magpaganda pa ako"
Binatukan nila ko isa-isa.
"Buwisit talaga kayo e. Heto na nga at maliligo na"
Tumayo na ako at pumunta naa sa kwarto ko para maligo. Ugh kainis.
Daylan's POV
Papunta ako ngayon sa tambayan namin. Ayokong mag isa dahil baka mabaliw lang ako kakaisip kay Ayeesha. Hindi ko kasi maisip kung bakit ginagawa niya sa akin to, kung kelan maliwanag na ang lahat sa akin. Ayoko na siyang mag panggap na girl friend ko dahil gusto ko ng totohanin ang lahat ng mga namamagitan sa aming dalawa. Oo, mahal ko na nga si Ayeesha pero may natitira parin para kay Loraine. Ang gulo, oo sobrang magulo.
Nandito na ako sa tapat ng bahay namin ng mga kaibigan ko ipinarada ko ang kotse ko at paglabas ko ay nakita ko si Renz at napaka dilim ng aura niya.
"Damn you Montinegro!" Sinuntok niya ako ng malakas sa pisngi. Anong nangyayari sa kumag nato? Sinuntok ko siya pabalik, hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...