AYEESHA's POV
"Renz" Matigas na sabi niya at nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sasama ako kay Daylan o hindi, natatakot din kase ako na baka may gawin na naman siyang masama sa akin at gusto ko naman sumama dahil gusto ko ng ipa-alam sakanya ang plano kong itigil na ang mga kalokohan namin.
"Nathan" sagot naman ni Renz na seryosong nakatingin kay Daylan.
Nangangamoy away dito ah. Tss. Akala ko bang mag kaibigan ang dalawang mokong nato.
"Renz, please" pagmamaka-awa ni Daylan sa kaibigan niya at tumingin naman si Renz sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot sa tingin niya.
"Ok fine, pero lalayo lang ako ng konti at hihintayin ko kayong matapos mag usap"
Nagulat ako at natuwa sa inasal ni Renz. Nagulat dahil hindi ko inaasahan na ganito pala siya kaprotective and natuwa dahil alam kong nandiyan lang siya para sa akin. Feeling ko tuloy crush ko na siya. Hahaha Ang landi ko grabe.
Lumayo kami ng konti ni Daylan kay Renz at naupo sa isang Bench.
Pareho lang kaming tahimik, nakatingin lang ako sa ground kase feeling ko ang awkward kapag titignan ko siya sa mata. Sa konting oras ng katahimikan ang daming pumapasok sa utak ko. Hindi naman ako galit kay Daylan, kung titimbangin ko ang pain and anger ay mangingibabaw parin ang pain na nararamdaman ko, nasasaktan ako dahil ibang-iba ang trato niya sa akin, nasasaktan ako dahil nagagalit siya. Tss Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Teka, wala ba siyang balak mag salita.
"Daylan"
"Ayeesha"
Sabay naming sabi, tss. Awkward tuloy, hindi namin alam kung sinong unang magsasalita. Ok. Mag gi-give way na ako.
"Sige una kana" Sabi ko sakanya at I gave him a fake smile.
"I'm sorry"Sabi niya at napatingin nalang ako sakanya. Nakita ko naman sa mga mata niya ang sincerity. He held my hand using his right hand. Hindi ko naman tinabig ito, hinayaan ko nalang siya. Nagsmile nalang ako ulit.
"You don't have to say sorry, katulad nga ng sinabi mo, it's all my fault"
"No, it's not that Ayeeaha, masyado akong nagpadala sa galit ko"
"Ok. Don't mind that anymore. Naiintindihan ko naman e, mahal mo lang si Loraine kaya mo nagawa yun" Totoo naman diba? Kapag mahal mo ang isang tao lahat ng gagawin niya para sayo ay tama.
"Basta, pasensya kana kung nasaktan kita" Niyakap niya akong bigla at hinagod hagod ang likod. Sa sobrang higpit ng yakap niya parang hindi na ako makahinga.
"Daylan"
"Uhm" Ito na siguro ang tamang oras para sabihin ko sakanya ang plano ko.
"About the deal" sabi ko at napakalas nalang siyang bigla sa pagkakayakap.
"O ano?" Inip na inip niyang tanong. Atat lang ? Tss
"Suko na ako Daylan" napayuko nalang ako at pinaglaruan ang mga kamay ko. Tss.
Bakit ba kasi ako kinakabahan ng sobra e.
"AYEESHA, ANG USAPAN AY USAPAN!" Sigaw niya, wow. Kaka sorry niya lang niyan ha! Akala niya siguro nakalimutan ko na agad ang mga ginawa niya sa akin.
"Pero Daylan, ayoko ng mag panggap na girl friend mo and about dun sa laptop, ikaw na ang bahala kung anong gustong gawin mo dun"
"SO NGAYON IIWAN MO NALANG AKO SA ERE?!" Sigaw niya ulet at napalapit naman agad si Renz.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...