AYEESHA's POV
"Ok class, that's all for today" sabi ni Ms. Tizon, iniligpit na niya ang mga gamit niya at umalis na siya ng classroom.
"Mukhang ang saya natin ah?" Bae
"Laging naka smile" Karisma
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, inlove ang kaibigan natin" Chiena.
Isa-isa silang lumapit sa harapan ko. Masyado naba akong obvious? Naku.
"Tigilan niyo ako" sabi ko sakanila at inayos ko na ang mga gamit ko na nakakalat sa table ko.
"Naging ganyan ka lang noon, noong naging kayo nung ex mong si Ivan" Natatandaan niya pa pala si Ivan, well hindi na ako bitter ngayon. Dati kasi kapag naririnig ko ang pangalan ni Ivan naiinis ako na naiiyak. Kaya simula noon hindi nila binabanggit ang panglan nito, ngayon lang nila binanggit ulet.
"Oo na sige na" pagsuko ko sakanila at nagtawanan kami. Hindi ko na kasi matago talaga ang kasiyahan na nararamdan ko e.
Lumabas na kami ng classroom. Nagtataka lang ako, bakit kaya wala si Daylan? Busy ba siya? Wala naman silang training ng basketball ngayon e, pero sabagay hindi naman pwedeng araw-arawin niya ang pagsundo niya sa akin.
Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko ay nagtatawanan kami. Mga kalokohan kasi ni Chiena sobrang mabenta. Ang dami niya pinagtitripan, lahat nalang ng makita niya.
"Guys may knock knock ako sa inyo" sabi niya at ngumiti pa na abot tenga.
"Naku. Siguraduhin mong havey yan Chiena, masasapok talaga kita" sabi ni Karisma sakanya, minsan kasi yung mga jokes niya walang kwenta e.
"Karisma ang OA mo talaga" sabay irap ni Chiena kay Karisma, ang dalawang to parang aso't pusa talaga.
"Ano na yung knock knock mo Chiena?" Naiinip na tanong ni Bae.
"Oo nga, parinig naman kami niyan" excited na tanong ko sakanya at ngumiti ako kaya napangiti din si Chiena.
"Ok. Knock! knock!"
"Who's there?" Sabay sabay namin tanong sakanya.
"Shanghai"
"Shanghai who?"
"Shanghai like a diamond, shanghai like a diamond" NAKU TALAGA KAHIT KELAN CHIENA. Nagtinginan lang kami nila Bae at Karisma at umiling-iling, habang si Chiena naman ay tawang tawa sa sariling joke.
Nasa parking lot kami, iniwan namin si Chiena na tumatawa. Parang nababaliw na sa sariling kalokohan yun e.
"Bae, oo nga pala. Pwede ba akong sumabay sayo?" Tanong ko kay Bae, hindi ko kasi nadala yung kotse ko e. Sinundo kasi ako ng boy friend ko kaninang umaga.
"Ya. Sure" Matipid na sagot niya.
"Hoy bakit niyo ako iniwan?!" Sigaw ni Chiena sa amin.
"Napaka walang kwenta kasi ng joke mo" sagot ni Karisma sakanya.
"Anong walang kwenta ang pinagsasabi mo diyan Karisma? Pinag isipan nga yung joke na yun e" Sagot naman ni Chiena. Magsisimula na naman sila, nagtinginan nalang kami ni Bae at iniwan na silang dalawa doon.
Naglalakad kami papunta sa kotse ni Bae ng biglang may nakakuha ng atensyon ko. Isang pamilyar na likod ng lalaki at isang babae na sexy at maganda ang kausap niya.
"Bae, wait! parang kilala ko kasi itong nakatalikod na lalaki e" Hinawakan ko si Bae sa kamay para mag stop din siya sa paglalakad. Sinuot niya ang eye glass niya at tinignan ng maayos yung lalaki.
"Naku Ayeesha, parang si Daylan yan e"
"Oi. Hindi, busy yun"
"Ayeesha siya nga" sabi ni Bae. Nag side view kasi siya kaya namukhaan na niya ito ng maayos. Totoo nga na si Daylan ang lalaki na nakikipag usap sa isang maganda at sexy na babae. Aba. Tuwang tuwa pa ang loko, nag-iinit ang dugo ko at nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Parang gusto kong pumatay ng tao, de joke lang hindi ko magagawa yun.
Nagsalubong ang mga kilay ko at tinignan ko sila ng masama. Kaya pala hindi mo ako sinundo sa classroom kasi busy kang makipag landian diyan ha. Sige tignan natin ngayon.
Naglakad ako papalapit sakanila, pinipigilan pa nga ako ni Bae kaso hindi talaga ako nagpapigil. Ng makalapit ako sakanila ay agad akong kumapit sa balikat ni Daylan.
"Hi babe, nandito ka lang pala" sabi ko at nakita ko ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Daylan pero ngumiti din siya agad sa akin. Huwag mokong makuha-kuha sa pag ngiti mo na yan, maguusap pa tayo mamaya "Ow you're with someone else pala" sabi ko at bumitaw ako sa pagkaka-kapit sa balikat niya. "Hi I'm Ayeesha Nathalie Baltazar. Daylan's GIRL FRIEND" Sabi ko, tinigasan ko talaga ang pagbigkas ko ng GIRL FRIEND para naman maintindihan niya. Nakakainis kasi, may girl friend na nga nilalandi pa. Nagtawanan yung dalawa at tinignan ko ng masama si Daylan. "Okay. I think I should go know, sana mag enjoy nalang kayo sa lakad niyo" naiiritang sabi ko sakanila. Nakakainis kasi, naiintindihan nila ang isa't isa. Hindi ko alam kung anong pinagtatawanan nila.
Naglakad na ako pero hindi pa ako nakakalayo ng tawagan ng girl na kausap ni Daylan ang pangalan ko "Hey Ayeesha" sigaw niya at humarap naman ako.
"Ano? May problema ka?" Naiiritang tanong ko sakanya.
Ngumiti lang yung girl at lumapit sa akin. Nang makalapit na siya, iniabot niya ang kamay niya sa akin para makipag shake hands ata? Problema neto? Tinignan ko lang ang kamay niya.
"I'm Wendy Nichole Montinegro. Daylan's sister" Nagulat ako sa sinabi niya. Sister? What?! Napatingin ako sa mukha nung girl at pinagmasdan ang mga features niya. Sht. Ang tanga ko, sa kapatid pa ng boy friend ko doon pa ako nagselos. Ugh. "Nangangawit ako" nakangiting sabi niya sa akin, napabalik ako sa realidad ng sinabi niya iyon kaya agad akong kumilos at nakipag shake hands sakanya. Im still speechless, wala akong masabi. Nakakagulat lang kasi.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Daylan sa amin, umakbay siya sa akin at nginitian ako ng nakakaloko.
"Ang selosa kong girl friend" sabi niya at umiling-iling pa siya at hinalikan niya ako sa forehead.
Natatawa ako sa sarili ko, parang tanga lang ako. Hayy.
AN: I'm sorry po kung hindi ako nakapag update last week. Busy kasi ako noong nagdaan na mga araw, prelims kase e. Sorry po talaga.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...