AYEESHA's POV
"Ayeesha Nathalie Baltazar. Hindi kita mahal" napayuko ako sa sinabi ni Daylan, nadismaya ako dahil hinalikan niya ako tapos sasabihin niya di niya ako mahal. Naglolokohan ba kami dito ha? Ini-angat niyang muli ang ulo ko at nagtagpo ang mga mata namin "DAHIL MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA" Natuwa ako sa ginawa ng moking nato. Nayakap ko tuloy siya ng dahil sa sobrang saya ko.
"Mahal na mahal din kita" bulong ko sakanya habang magkayakap kami.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko "Ano hindi ko narinig. Paki-ulit nga"
"Mahal kita"
"Ha? Pasensya di ko talaga marinig"
"Sabi ko, I LOVE YOU SO MUCH DAYLAN MONTINEGRO" Sigaw ko, alam ko naman na pinagtitripan lang ako nito e.
"Ha?" Aba matinde! Gusto paulit-ulit?
"Ge ayoko na" sabi ko at maglalakad na sana ako pababa ng hagdan pero bigla niya akong hinila at niyakap.
"Tampo ka naman agad" sabi niya.
"Ehem! Ehem!" Pagpepekeng ubo nila Karisma, Bae and Chiena. Oo nga pala, nandito pa sila. Humiwalay ako kay Daylan dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga kaibigan ko.
"Tapos na ang palabas. Maari na ba kaming umuwi?" Sabi ni Karisma na may hand gesture pa.
"Kanina ko pa nga hinihintay na umalis kayo e" Pabirong sagot ni Daylan kaya siniko ko siya.
"Ayeesha, pigilan moko"Sabi naman ni Chiena.
"Sige lang friend, hindi kita pipigilan" Sorry Daylan, pero ikaw naman ang pagtitripan ko ngayon.
"Ganyanan?" Humarap siya sa akin at kiniliti niya ako
"Haha--Ano--Ba--Haha"
"Sige uwi na kame, bye"
Umalis na sila pero hindi parin ako tinatantanan ni Daylan. Grabe lang ang lalaking to.
"Daylan please tama na" napaupo na ako sa hagdan, nawalan ako ng energy sa ginawa ng lalaking to. Iniabot niya ang kamay niya sa akin para makatayo ako, tinulungan niya akong tumayo at bumaba na kami ng hagdan. Umupo kami sa sofa na magkatabi.
Ipinatong ni Daylan ang ulo niya sa balikat ko at pinaglaruan niya ang mga kamay ko.
"Hindi ako sigurado kung mag wowork ang relasyon natin, pero isa lang ang nasisiguro ko, mahal na mahal kita" Sabi ko sakanya at hinalikan niya ako sa forehead.
"Stop being negative. Everything about us will work out"
"Sana nga" sabi ko sakanya at nginitian ko siya.
Makakatulog ako ngayon na may matamis na ngiti sa aking labi. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya. Ang tagal din ng panahon bago ko binuksan muli ang puso ko at sana this time makabuo ako ng mga nemories na masasaya na kasama ang taing mahal ko at sana hindi puro sakit.
****
Kinubukasan ay gumising ako ng maaga para makapag prepare na ako for school. Naligo na ako at nag ayos, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ibang iba ang ngiti na meron ako ngayon at ibang iba ang Ayeesha na nakikita ko sa salamin. Ang nakikita ko ay ang version ni Ayeesha na sobrang saya.
Bumaba na ako at dumeretso sa dining table. Nadatnan ko si Manang doon.
"Good Morning Nay Lucy!" masayang bati ko sakanya at niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...