AYEESHA's POV
Tahimik lang ako habang nasa loob ng kotse, hinayaan ko nalang na ipag drive ako ni Renz pauwi ng bahay dahil hindi ko na rin kayang mag drive pa.
Sa tuwing natatahimik ako naalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Daylan yung huling araw na nagkasama kami sa condo niya, ang saya namin noon, ang sweet niya sa akin. Sobrang saya ko noong araw na iyon at masasabi kong were perfect lovers. Pero hindi ko inaasahan na yun na yung huling araw na makakasama ko siya, hindi ko inaasahan na mapapalitan ng sobrang sakit ang lahat ng kasiyahan namin noong araw na iyon.
Daylan, paano mo nagawa sa akin to? Ano ba ang nga pagkukulang ko sa relasyon natin? Hindi ka ba masaya?
Ang sakit, di ako makahinga ng maayos. Sobrang nasasaktan ako, sobra akong pinaparusahan. Sobra ba akong naging masama sa iba?
"Ayeesha, nandito na tayo" Basag ni Renz sa katahimikan.
Napatingin ako sa labas, nandito na pala kami sa tapat ng bahay ko.
"Maraming salamat" Malamig na tugon ko rito.
Hinawakan niya ang braso ko at napaharap ako sakanya, nagsmile siya sa akin ngunit mahahalata mo ang kalungkutan sa mukha niya "Ayokong nakikita kang ganyan, dobleng sakit ang nararamdaman ko. Kaya please, huwag mo naman akong pahirapan Ayeesha" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan niya ang mga luha ko.
"Renz, ang sakit. Sobrang nasasaktan nato" sabay turo ko sa puso ko. "Hindi ko alam kung kakayanin pa nito, sobrang nanghihina na, nawawalan na ako ng pag-asa" ayan na naman ang luha ko, bumuhos na naman.
Lumapit si Renz at niyakap niya ako "Tara na sa loob ng bahay mo, magpahinga kana"
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at lumabas na siya sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya din akong makalabas dito.
Hanggang makapasok kami sa bahay ko ay naka-kapit lang ako sa braso niya, feeling ko mawawalan ako ng balanse sa oras na bumitaw ako kay Renz, feeling ko matutumba ako.
Buti nalang wala sila Nay Lucy sa loob ng bahay, ayoko din naman na mag alala sila, dinala ako ni Renz sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko at ganun din ang ginawa ni Renz, umupo siya sa tabi ko.
"Ayeesha, gusto mo bang kumain?" tanong niya sa akin at umiling lang ako.
"Anong gusto mo? Gusto mo ba ng pizza? Burger? Ice cream?Bibili ako sa labas o kaya mag papa-deliver nalang tayo""Renz, ang sakit pala ng ganito no?" alam ko malayo ang sagot ko sa mga tanong niya, wala talaga akong ganang kumain ngayon. "Ang sakit, parang unti-unting natutunaw ang katawan ko, feeling ko may nag-uunahang mga karayom ang tumutusok sa puso ko. Sobra akong nahihirapan" basag na ang boses ko sa kaka-iyak ngunit pinipilit ko parin magsalita "Renz, mahal ko siya, mahal na mahal ko si Daylan, ayokong iwan niya ako, Renz ayoko" Tumingin ako sakanya at umiling-iling. "Please tulungan mo ako, hindi ko kakayanin" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit "Please Renz, tulungan mo naman ako"
"Ssh. Ayeesha" Hinagod niya ang likod ko. "Kumalma ka lang please, alam kong mahal mo siya, pero kung paulit-ulit ka nalang masasaktan sa piling niya, hindi ako makakapayag na magkabalikan pa kayo. Ayeehsa, please wake up"
"Renz, handa akong masaktan. Handa akong mag take ng risk, please help me to get him back"
"Ssssh, tumahan kana muna diyan"
**************
Umaga na pala, nahihirapan akong imulat ang mga mata ko, sobrang bigat nila at sobrang mahapdi. Tatayo na sana ako ng napansin ko ang isang lalaki na nakapatong ang ulo sa gilid ng kama ko at natutulog siya, napasmile ako, hindi talaga ako iniwan ni Renz.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...