Chapter 08

343 6 0
                                    

AYEESHA's POV

"Yey. Gising may bisita ka" Ang aga eh! Sarurday ngayon so dapat rest day. Tss

"Sabihin mo Nay Lucy balik nalang siya" Ugh. Naninira ng tulog e.

"Yey" Tawag ulit ni nay Lucy, inalog-alog niya pa ako. Ang kulit din ng lahi ni manang e.

"5 minutes pa po'

"May importante ata siyang kailangan sayo"

"Manang please" Binalot ko ang sarili ko sa kumot ko at isinusob ko ang mukha ko sa unan ko. Naninira ng tulog e. Pipikit na sana ako ng may humila ng kumot ko.

"Nay Lucy naman e" Umupo ako sa kama ko habang naka pikit. Kinusot ko pa ang mga mata ko at ng imulat ko na ang mga ito hindi ko inaasahan ang nakita ko .

"Hey! What are you doing here?!" Sigaw ko. Putcha lang talaga tong taong to. Hinila ko nalang ulit ang kumot ko at binalot ko ang sarili ko. Naka short lang and sando kasi ako e. Hindi ko namalayan na iniwan na pala kami ni nanay Lucy.

"Tumayo kana diyan, may pupuntahan tayo"

"Pwede ba Montinegro, sabado ngayon. Lubayan mo muna ako please!" Ya, si Daylan nga ang maagang nambubulabog.

"Ayeesha" He called me in a warning tone. Hindi moko makukuha sa mga ganyan.

"Sabado ngayon at rest day. Kaya please lang" Sabi ko at  humiga ulit ako sa kama ko.

Hindi na siya sumagot at nabigla nalang ako dahil may bigla akong naramdaman na humiga sa kama ko kaya napatingin ako sa kabilang side ko.

"What do you think you're doing Daylan ha?!" Paano kase humiga siya sa kama ko at nakapikit pa ang loko.

"Sabi mo rest day ngayon, so magpapahinga din ako" Sira ulo't kalahati nga naman ang taong to. Sarap ipalapa sa aso e.

Tumayo nalang ako at baka kung ano pang magawa ko sa katabi ko. Oh! Yung utak niyo. Baka mapatay ko lang naman sa inis ko.

"Fine! Maliligo na ako!" Padabog akong tumayo.

Kumuha muna ako ng damit at chaka na pumasok sa CR. Ugh. Sarap pa naman matulog ngayon.

Kung hindi ka nga naman minamalas, may limang araw na sa isang linggo na nakikita ko ang kumag nato tapos ngayon sabado na nga at wala ng pasok akala ko magkakaroon na akong payapang mundo tuwing weekends, heto siya! Nambunulabog! Nasaan po ang hustisya? Buti sana kung si Renz pa ang humiga sa kama ko, baka may chance pa na yakapin ko siya at ipagpapatuloy ang nasirang tulog ko e. Holy shit! Erase! Erase! Ang aga aga ang landi ko na naman!

Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng CR. Nadatnan ko si Daylan na nanunuod na ng TV at sarap na sarap na nakahiga sa kama ko.

"Tagal mo" aba! Siya pa ang may ganang magreklamo ngayon? Sino ba siya sa tingin niya ha? Hindi ko nalang siya sinagot at inirapan ko nalang siya.

Tinali ko ang buhok ko na kahit basa pa and then inayos ko na ang sarili ko. After kong maayos ang lahat ay nilugay ko ulit ang buhok ko at naging curly na siya ngayon, medyo tuyo nadin naman siya kaya maganda ang pagbagsak niya. Simple Jeans and Tshirt lang suot ko. Hindi ko na kailangan mag dress, sigurado naman ako na hindi party ang pupuntahan namin.

"O ano ba? hihiga ka nalang ba diyan ha?" Sabi ko na naka pameywang pa.

"Tss" Tumayo na siya at nauna ng lumabas ng room ko. Pektusan ko kaya to? May sayad ata siya e. Pinatay ko nalang ang TV at lumabas na din.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon