AN: This chapter is dedicated to REGINA DE JESUS, pinilit niya po akong mag update. HAHAHA :D
AYEESHA's POV
"Class, pass your papers forward" Sigaw ng teacher namin. Hayy. Nakakapagod simula kaninang umaga puro activity and quiz na ang ginagawa namin. Hindi pa naman ako nakapag review ng maayos dahil hindi ako makapag concentrate kagabi.
"Maaga ko kayong papalabasin ngayon, tutal naman maaga tayong natapos sa quiz niyo" Nakangiting sabi ni Ms. Alesandra, math teacher namin siya at heto na ang last subject namin.
"YEHEY!"Sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko.
"Good day class"
"Good day Ms. Alesandra"
Nang maka-alis na si Ms. ay nag unahan ang mga classmate kong lalake na lumabas ng classroom, mga excited mag dota ang mga yun, kanina ko pa sila naririnig na may laban daw sila. Wapakels. Magagalit nanaman ang mga girl friend nila niyan. Habang inaayos ko ang gamit ko ay nilapitan ako ng mga kaibigan ko.
"Ok kana ba?" Tanong ni Bae na umupo sa tabihan ko, naikwento ko kasi kanila ang lahat kaninang lunch break at pati sila ay nainis sa inasal ni Daylan.
Tumango ako at sinabing "Yes, I'm ok"
"Sure kana ba na bitiwan ang deal?" Tanong ni Sheina, napag isipan ko na din kase na sumuko na sa deal namin ni Daylan. Na ayoko na, bahala na siya kung anong gawin niya sa laptop. Hindi nadin masyadong importante ang mga nadun e.
"Oo, ayoko na. Natatakot ako baka sa susunod hindi lang yun yung magawa niya" Hanggang ngayon hindi ko padin alam ang reason niya kung bakit niya nagawa yun.
Nang matapos na akong magligpit ng mga gamit ko e tumayo na kami at naglakad papalabas ng classroom.
"Pero Yeesha aminin mo masarap yung kiss mo?" Pabirong tanong ni Bae, inirapan ko lang siya. Baliw to, nakakainis nga e! Sobra! Parang nababoy nadin ako sa ginawa niya.
"So san tayo pupunta ngayon? Don't tell me uuwi na kayo?" Sabi ni Karisma.
"Basta wag sa mall" Sabi ko, tinatamad kasi akong mag mall ngayon.
"Sa garden nalang ng school?" Nice idea Karisma! Masarap kasing tumambay dun, mahangin at napaka peaceful.
Naglakad na kami papunta dun, habang naglalakad kame ay patuloy padin sa pagdadaldal ang mga kaibigan ko. Ang dami nilang baon na chismis ngayon, lalo na si Sheina.
Naisip ko bigla si Daylan, akala ko kasi talaga mabait siya at may respeto sa mga babae , pero dahil sa ipinakita niya kahapon ay nagbago bigla ang tingin ko sakanya. Ilang oras din ako nag isip kagabe at pilit na inaalala ang mga nangyari buong araw kahapon, at wala naman akong nakitang rason na ika-gagalit niya.
BOOOGSH!
Ouch! Nabangga ako sa isang matangkad na nilalang. Maashakeeet! Hinimas himas kopa ang ulo ko.
"Hi Nathalie!" Nakangiting sabi nito.
"Ano ba! Hindi mo ba ako nakikita?!" Pasigaw na sabi ko sakanya.
"So ganyan moko pasalamatan? " Tanong ni Renz na nagpout pa. So feeling close na agad? Ay naku kung hindi ka lang talaga cute. Tss
"Omo! Im sorry" Sabi ko at nag peace sign pa.
"Hindi mo ba ako ipapa-kilala sa mga kaibigan mo?"
"Ah yea. Guys, siya nga pala si Renz" Sabay turo ko kay Renz na ang lapad ng ngiti "And Renz, they are my friends. Heto si, Bae, Sheina and Karisma" At tinuro ko sila isa-isa at kinamayan naman nila ni Renz "At ako nga pala si Ayeesha Nathalie Baltazar" Sabay abot ko ng kamay sa kanya, kumunot lang noo niya at nagtawanan ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...