Chapter 36

168 2 0
                                    

AYEESHA's POV

"Umiiyak ka na naman" hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga butil ng mga luha mula sa mga mata ko, ganun parin ang epekto niya sa akin, sobrang nasasaktan parin ako.

"Renz" tinignan niya lang ako at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Renz, hindi ko na kayang makita silang ganyan, hindi ko na kinakakaya ang mga oras na nakikita ko silang magkasama, sobrang masakit na"

Hinagod ni Renz ang likod ko "Shhhh, stop saying those bullshit things, kaya mo yan Ayeesha"

"Renz" umiling-iling ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Ayeesha, tumingin ka sakin" ini-angat ko ang ulo ko at hinawakan niya ako sa pisngi. "Nandito lang ako para sayo, kahit anong mangyari hindi kita iiwan" niyakap niya ako ng mahigpit at nag- unahan na naman ang mga luha ko.

**********************

"Luke! Nasan na yung babaeng ipinag mamayabang mo sakin nung isang araw?" Tanong ni Kian kay Luke habang may babaeng naka-kandong sakanya, ang lalaking to ay wala parin talagang pinagbago.

"Loko ka Kian! Nagbago na to" sabi ni Luke sabay turo sa sarili niya.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Kian, he invited me to go here to celebrate his birthday, kami narin ang nagdecorate ng garden nila kaninang umaga. Medyo marami din siyang bisita, nandito ang mga relatives niya at mga pinsan niya.

Maraming tables at may disco lights, halatang pinag handaan ang birthday party na ito. Habang ang lahat ay busy sa pakikipag kwentuhan at pakikipag sayawan sa may dance floor. Ako naman ay busy sa panonood sa ginagawa ng lahat.

Nasa iisang table kami nina Luke, Renz Kian at nung babaeng kasama ni Kian.

"Grabe. Ngayon ko lang napansin ang sexy mo pala Ayeesha!" sabi ni Kian sabay kindat sa akin "Aray!" sigaw ni Kian at hinimas-himas niya ang batok niya.Isa't kalahating loko ka kasi Kian. "Bakit kaba nambabatok Renzo!" reklamo nito.

"You deserve that! Pervert!" masungit  na sagot nito kay Kian.

"Umarte ka diyan parang boy friend ka niya"

"Wala kang pake"

"Kian! Mas sexy pa kaya ako diyan" sabat nung babaeng katabi niya. Wow ha? Ate cleavage lang ang lamang mo sakin.

"I know babe, wala ng mas sesexy pa sayo" sabi ni Kian at hinalikan niya yung babae.

"Rated SPG!" sabi ni Renz at tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kamay niya, natawa akong bigla.

"Grabe ka naman, over protective na! Gusto kong makita e!" Pagbibiro ko sakanya at tumawa ng malakas.

"Ayeesha, grabe ka" kumento naman ni Luke sabay tawa ng malakas.

Inalis ni Renz ang kamay niya at napa-iling nalang. Grabe, anong meron sa lalaking ito ngayon? Bakit ba napaka sungit niya ngayon?

"Hoy Renzo"

"What?"

"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" tanong ko sakanya sabay kapit sa balikat niya.

"Ang bastos kasi ni Kian e"

"Sus. Nasabihan lang ako ng sexy, hindi ba totoo?" sabay pout ko sakanya habang nakayakap parin ako sa braso niya, parang magkapatid ang turingan namin ni Renz, kaya comfortable akong gawin ang

mga bagay na gusto kong gawin sakanya.

Tinignan niya lang ako at pinisil niya ng ilong ko "Huwag ka ng mag pacute diyan, baka halikan kita diyan"

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon