AYEESHA's POV
From: Renz
I hope you'll be happy with the decision you made. Mahal mo talaga siya no? Don't worry I'll be fine. So I guess this is not a good bye for us, I'll be back and if that time comes I will assure you na isang kaibigan nalang ang tingin ko sayo. Mahal na mahal kita.
Biglang tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko, kanina ko pang umaga paulit-ulit na binabasa ito. Luke texted me na ngayong gabi na ang flight ni Renz. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko, ayoko siyang puntahan dahil alam kong mag iiyakan lang kami at pareho lang kaming mahihirapan.
"Hoy. Pakawalan mo na yung isa para ok na" sabi ni Shiena at hinampas niya ako ng napaka lakas sa braso ko.
Napatawa nalang ako ng mapait at pinunasan ko ang luha ko.
"Kaibigan ko si Renz at alam niyo kung gaano ako napalapit sa tao. I just can't imagine myself without him. Nasanay ako na lagi siyang nandito sa tabi ko" bigla na naman nag unahan ang mga luha ko.
"Why don't you go to his house? I am sure Daylan will understand you" Bae suggested.
"Oo nga and besides nagkabalikan na din naman kay and he has nothing to worry about" singit naman ni Karisma.
They are right, I should go to Renz. Gusto kong magpasalamat, gusto kong malaman niya kung gaano ko siya mamimiss. Hayyyy
Bakit kaya hindi nalang pwede na masaya kaming lahat? Bakit sa tuwing may isang taong nagiging masaya meron din nalulungkot?
******
Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse ko, hindi na ako sinamahan nila Bae para daw makapag usap kami ng maayos ni Renz bago pa man siya umalis ng bansa.
Nasa tapat na ako ng malaking mansyon nila at hanggang ngayon ay hindi ako nakaka baba sa kotse ko dahil sobrang kinakabahan ako.
Ilang mura na ang kumabas sa bibig, anong mukha ang ihaharap ko sakanya? Sinaktan ko siya at pinag mukhang tanga.
Inuntog ko ang ulo ko sa manibela ng kotse ko.
Ilang sandali pa ay bumaba na ako sa kotse ko at nag doorbell na.
May lumabas na guard at binati niya ako.
"Good Morning Ma'am kayo po pala" nakangiting sabi niya sa akin.
"Good Morning po Manong. Pwede ko po bang makausap kahit saglit si Renz?" Tanong ko saknaya.
"Ah sige po ma'am, nasa pool side po aiya nag mimeryenda" sabi jiya sa akin at binuksan niya ang gate ng mas maluwang para makapasok ako.
Kinakabahan man pero kailangan ko siyang makausap.
Naglakad ako papunta sa pool area nila. Natanaw ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo habang may malalim na iniisip.
Gusto ko lang titigan siya, gusto ko lang na yakapin siya ngayon. Gusto ko lang kabisaduhin ang mukha niya at ang amot niya. Alam kong matagal pa bago pa siya makakablik dito sa Pilipinas, doon na siya mag eenroll. Mamimiss ko itong lalaking ito.
Maglalakad na sana ako papalapit sakanya nang bigla siyang napalingon at napatingin kami sa mata ng isa't isa. Shocked and hurt was written all over his face. We stared to each other for almost 10 seconds pero agad din siyang nag iwas ng tingin.
"Ah--Hi" nauutal kong bati sakanya. Hindi siya sumagot at umupo lang siya sa may upuan na malapit sa pool.
This is it, kailangan kong sabihin ito sakanya. Ayokong pagsisihan na hindi ko nasabi sakanya ito, ito na yung pagkakataon ko.
"Why are you here?" He asked me without even giving me a glare.
"I just wanna say thank you for everything before you leave" I told me in low voice.
Naramdaman ko ang pag buntong hininga niya, tumayo ako at humarap sakanya. Nararamdaman ko na ang pag init ng gilid ng mga mata ko at parang may bagay na bumabara sa lalamunan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinili ang mga titig niya.
Ngumiti ako ng mapait sakanya "Look, I'm sorry for hurting your feelings. I'm sorry for what I did, for letting you enter my life. Hindi ko pinagsisihan na pinapasok kita sa buhay ko ang pinagsisihan ko ay ang hayaan kang mahulog ng tuluyan sa akin" Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pang nag babadyang tumulo.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito, bakit sa tuwing nagiging masaya ako ay may laging kapalit na lungkot. Renz, paano na ako? Iiwan mo na ako" Nag iwas lang siya ng tingin sa akin at naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa kamay ko.
"Hindi ko din alam Ayeesha kung bakit you chose Daylan over me? You had me in my best but you had him in his worst. Siguro ganun talaga ang pag ibig, maraming tao ang nabubulag" Tumayo siya, binitawa niya ang kamay ko at tumalikod sa akin. "I guess this is not a good bye for us, babalik ako dito na buo at yung dating Renz na palaban na nakilala mo and if that time comes sisiguraduhin kong hindi na ako masasaktan sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Daylan" tinignan niya ako ako at nginitian niya ako ng mapait. Tuluyan na siyang naglakad papalayo sa akin at iniwan niya ako.
"I love you Renz" bulong ko at tuluyan na akong napaupo sa damo at umiyak ng umiyak.
Hindi sa lahat ng oras ay iintindihin tayo ng ma taong nagmamahal sa atin at hindi sa lahat ng oras nandiyan sila para sa atin. May mga taong aalis nalang bigla kasi pagod na silang mag mahal at umintindi sa atin. Masakit man pero kailangan natin silang palayain para mabawasan na ang mga sakit na nararamdaman nila.
Masysadong taksil ang pag-ibig, sobrang maraming tao ang nalululong rito pero sobrang marami din ang nasasaktan at mga natatakot na umibig pang muli.
" 'Till we see each other agin Renz"
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...