Chapter 25

201 3 0
                                    

AYEESHA's POV

"OMG. RK pala talaga ang Fafa mo ayeesha" bulong sa akin ni Chiena.

Naka-kapit siya sa mga braso ko ngayon at dumeretso naman sa kwarto si Daylan. Problema nun? Hay bahala nga siya.

Napatingin ako kay Chiena "Anong RK naman?"

"Rich Kid" pangunguna ni Karisma kay Chiena.

"Ikaw ba ang tinanong?" Tinaasan pa ng kilay ni Chiena si Karisma. Magsisinula nanaman po sila.

"Napaka walang kwenta kasi ng mga sinasabi mo"

"Inggit ka lang" sabay belat niya kay Karisma.

"Ok guys, I think that's enough" pagpuputol ni ate Wendy sa pag-aaway nila. "Let's go to the dining table na, everything is prepared" masaganang sabi nito.

"Yipie!" masayang sabi ni Chiena na pumapalakpak pa.

"Nakakagutom" sabi naman ni karisma.

"Guys umayos nga kayo" pagsusuway ni bae sakanila,kahit kelan talaga napaka matured ni Bae, yun yung hindi mo mababago sakanya.

Nasa dining table na kami at lahat nakaupo na.

"Ay wait! Nasan naba yung kapatid kong pasaway?" tanong ni ate Wendy.

"Nagpaalam siya kanina na magpapalamig lang daw muna siya sa room niya" Sagot ko sakanya.

"Ayeesha can I ask you a favor? "

"Ah yea sure ate Wendy, what is it?" naka-kunot  noo kong tinanong sakanya.

"Can you please go to his room and tell him na kakain na tayo?" nakangiting sabi nito.

I have no choice but to say yes. Ayoko naman tumanggi baka akala niya nag iinarte ako, ayokong masira ang image ko sa kapatid ng boy friend ko and beside natarayan ko din siya kanina. Kailangan kong bumawi.

"Pero di ko alam ang room niya,sa laki ba naman ng bahay niyo"

"3rd floor, yung first room sa right side" sagot ni ate Wendy.

Tumango nalang ako at papaalis na ako ng biglang humirit si Chiena "Ayeesha! Ayoko pang maging ninang!" sigaw niya. Naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko, ugh!Kahit kelan talaga itong si Chiena.

"Uuy namumula" pagbibiro ni Karisma.

"Gusto ko ng magka pamangkin" hala pati ba naman si Ate Wendy? ugh. Parang naiilang na tuloy akong puntahan si Daylan sa room niya.

"Kung ano-ano naman ang nasa utak niyo" sabi ko sakanila.

"Puntahan mo na siya baka lumamig na ang pagkain" nakangiting tugon ni Ate Wendy.

Tumango nalang ako at naglakad na papunta sa kwarto ni Daylan. Habang patungo ako sa silid nito ay marami akong naiisip,marami ang tumatakbo sa isip ko. Paano kung bigla nalang akong hilain nun at ikulong sa kwarto niya,ay grabe!Hindi pwede yun, umiling-iling ako.

Pano kaya kung biglang maging isang vampire si Daylan tapos bigla niya akong kakagatin sa leeg, hayy! Ayokong mamatay.

BOOGSH! Putek nabangga ako, nabangga ako sa "DAYLAN" bigkas ko sa pangalan ng taong nabangga ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng kwarto niya.

"What the heck are you doing? Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" naiiritang tanong niya, aba! Siya pa tong nagagalit ngayon? siya pa itong may ganang mag sungit?

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon