Ayeesha's POV
"Ang baho ng kili kili mo" reklamo ko kay Daylan na kanina pa ako sinisiksik sa kili kili niya, ewan ko ba kung anong meron doon at kung bakit gustong gusto niya akong isiksik doon.
"Naku, yung ibang babae nga sobra makasiksik dito tapos ikaw rereklamo ka"
Tinignan ko siya ng masama at tumayo. "Gusto mo naman, edi doon ka" sabi ko sakanya at akmang maglalakad na ako nang hatakin niya ako at napaupo sa lap niya.
"Agad naman magtatampo si Misis, syempre hindi ako pupunta doon. Mas pipiliin kong manatili sa tabi mo" sabi niya at tinaas baba niya pa ang mga kilay niya. Ganyan yung ugali niya, matapos niya akong asarin maglalambing naman siya.
"Alam ko yang mga paraan mo na iyan Daylan Montinegro. Di na uubra sa akin yan" mataray na sabi ko sakanya.
Hinalikan niya ako sa leeg kaya napatuwid ako ng upo. "Ok lang yun misis, hwag kang mag alala sainyo parin naman ako uuwi"
"Hayy naku, ewan ko sayo" natatawa kong sabi sakanya, napaka pilyo niya kasi.
Nandito kami ngayon sa unit niya at as usual wala kaming ginagawa kung hindi mag asaran. Palagi naman siyang napipikon kapag ako ang bumanat sakanya.
"Dy, kapag umalis ako huwag kang iiyak ha?" seryosong sabi ko sakanya, biglang napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi at mas lalo niya hinigpitan ang kapit niya sa bewang ko.
"Di nakakatuwa" he told me seriously.
"Nagtatanong lang naman ako e, paano isnag araw bigla nalang akong mawawala?"
"Hahanapin kita" seryoso niyang sabi sa akin.
"Paano kung sobrang malayo ako at mahirap hanapin?"
"Hahanapin kita kahit saan ka magpunta, hindi ako magsasawang mag antay sayo dito sa condo ko. Alam ko naman na babalik ka, dahil isa lang ang pinanghahawak ko sa buhay ko. Mahal kita at mahal mo ako. Kaya't may tiwala ako sayo na hinding-hindi mo ako iiwan" deretso niyang sabi sa akin at napansin ko ang pamumula ng mata niya.
Napangiti ako at pinunasan ang mga tumulong luha sa pisngi ko. Nginitian ko siya at hinawakan sa pisngi "I promise you that I will never going to leave. Mananatili ako sa tabi mo" I told him and the last thing I know is that we were kissing like we never met for years.
*****
"Daylan tigilan moko sa kaartehan mo!" sigaw ko sakanya, paano kasi kanina ko pa siya pinipilit na mag suot ng damit, nasasanay na siyang ilantad ang katawan niya sa harapan ko which is not right.
"Sus, ilang beses mo na nga akong nakitang nakaganito tapos magrereklamo ka pa. Halika nga dito, pa hug ako" sabi niya, sabay lakad niya papalapit sa akin kaso tumakbo ako papalayo sakanya.
"Diyan ka lang, kapag lumapit ka sakin sasapakin kita" banta ko sakanya.
"Bakit ba ayaw mo? Natatakot kaba na baka hindi ka makapag pigil?"Nakangisi niyang tanong sa akin na agad naman na ikinalaki ng mga mata ko.
"You are insane Daylan!" Sigaw ko sakanya, parang baliw kasi e.
"O Babe, I'm coming!" sigaw niya sabay takbo papalapit sa akin at mabilis na hinapit niya ako sa bewang.
"Hey, let go of me!" Natatawang sigaw ko sakanya, may mga panahon talaga na nag uumapaw ang kakulitan ng lalaking ito.
Hinalikan niya ako sa leeg, sunod sa braso at inangkin niya ang mga labi ko. Parang may sariling utak ang mga labi ko dahil mabilis nitong tinugon ang mga mapupusok na halik ni Daylan.
His hands was traveling in my whole body. He pressed one of my mountains that made me shiver.
Shit. Hindi ito tama!!
Bigla akong tumigil.
"I'm sorry" Daylan said habang humihungal pa. Pinagdikit niya pa ang mga noo namin.
Bigla niya akong niyakap ng napaka higpit. Ilang beses narin nangyari yun, pero hindi ko alam kung bakit lagi akong uma-ayaw, alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para mangyari yun.
"I'm sorry, I'm still not ready" naluluha kong saad sakanya.
"Ssh. It's not your fault sweetheart. I shouldn't do that"
Matagal din kaming nanatili sa ganoong posisyon, pinapakiramdaman lang namin ang isa't iaa.
"Let's go downstaire Misis, kain tayo" sabi niya in a normal tone na para bang walang nangyari.
Tumango lang ako at hinayaan siyang hatakin ako papalabas ng unit niya.
Pumunta kami sa isang kilalang kainan na malapit sa condo unit niya, walking distance lang ito.
Siya na ang nagprisinta na mag order at inantay ko nalang siya sa table na napili namin.
Habang hinihintay ko siya I saw a familiar face na papasok sa loob ng kainan. Ang kainan pala ay air conditioned and well organized yung loob.
Napatayo ako sa inuupuan ko nang makompirna ko kung sino ang lalaking paparating.
"Renz"
********
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...