Ayeesha's POV
Ilang araw na ang lumipas simula noong nag usap kami ni Daylan sa park, sobrang sakit ang naramdaman ko, sobrang tanga ko kasi hindi ko na muna inalam ang lahat. Naka-usap ko na sina Kian about sa lahat ng nangyari, naikwento naman nila sa akin ang lahat.
---Flashback---
"Ayeesha, may mga bisita ka sa baba" sabi ni Bae sa akin, nandito silang tatlo, si Bae, Karisma at Chiena. Hindi nila ako iniwan dahil alam nila na kailangan ko sila ngayon.
"Tell them na wala ako" Nandito ako sa kwarto ko at ilang araw na din akong hindi lumalabas.
"Ayeesha, please wake up. Hindi naman pwede na habang buhay kang magiging ganyan" sigaw ni Chiena.
"Oo nga, ilang araw ka ng walang maayos na tulog, ilang araw kana din na hindi maayos kumain. Huwag mo naman parusahan ang sarili mo"Sermon sa akin ni Bae.
"Guys, I deserve this"
"You deserve what? Are you out of your mind? Go to you rest room and dress up, they are waiting for you down stairs." Utos naman sa akin ni Karisma, napa-iling nalang ako at tumayo, hindi ko na kailangan na magbihis pa ng kung ano-ano, I don't care kung anong itsura ko ngayon. Tinignan lang ako ng mga kaibigan ko at wala na akong narinig ng kung ano mang sermon sakanila.
Pagbaba ko ng hagdanan ay nagulat ang mga bisita ko na sinasabi nila Chiena kanina, hindi siguro nila inaasahan na makikita nila akong ganito.
"A-yeesha" nauutal na sabi ni Kian.
"What the hell happened to you?" Tanong naman ni Luke.
"What do you want?" walang ganang tanong ko sakanila at umupo sa sofa.
They were just staring and walang words na lumalabas sa bibig nila.
"Kung wala kayong sasabihin aakyat na ako sa kwarto ko, masakit ang pakiramdam ko"Tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Luke "Ayeesha no! Kailangan ka namin maka-usap"
"Tungkol na naman ba ito sa amin ni Daylan?" Tumango silang pareho "Guys, tapos na kami. Naghiwalay kami ng dahil sa katangahan ko, please wala na tayong dapat pang pag-usapan, ayoko naman siyang pahirapan"
"Ayeesha please, just listen to us" nagmamaka-awang sabi ni Kian..
"Guys. You don't need to explain everything to me, alam ko na ang lahat" tumigil ako saglit at ngumiti ng pilit sakanila "I feel stupid, hindi ko man lang pinakinggan ang side niya at nasasaktan ako kasi bakit niya pa ko kailangan hiwalayin kung hindi naman pala talaga sakanya yung batang dinadala ni Loraine diba?" Hindi ko nanaman maiwasan di umiyak, fresh pa ang lahat sa akin.
Tumayo si Luke at lumapit siya sa akin,hinawakan niya ako sa magkabilang braso, "Hey, kaya nga kami nandito para sabihin sayo ang lahat, ayaw na namin pa kayong makitang nahihirapan pareho at sobra kaming nalulungkot sa nangyari sa inyong dalawa"
"Ayeesha, please let us finish first. We wanted you to know everything"
"Bakit ko pa kailangan malaman ang lahat kung wala na kami? Kung pinalaya na namin ang isa't isa" malungkot na saad ko sa mga ito.
"I told you not to speak, just listen to us first, kay?" paki-usap sa akin ni Luke at tumango nalang ako. "Ok Kian, I'll start" sabi ni Luke at tumango lang si Kian "Ayeesha ganito kasi yun, everything was set up by Loraine, nalaman lang namin ito sa isang source namin ni Kian, she got pregnant at ang nakabuntis sakanya ay yung boy friend niya and hindi si Daylan. Noong una akala namin ang ama ng batang kanyang dinadala ay si Daylan, pero hindi nagtagal ay nalaman namin na bina-blackmail pala ni Loraine si Daylan" Tumigil si Luke at tumingin kay Kian.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...