**Andro POV**
I was so shocked from what I learned from my sister.. Nakakainis talaga ang kadaldalan nito.. Dumadagdag pa itong si Evelyn.. Bigla ba namang sabihing nakapasok na siya sa aking studio..
"It's not big deal, right?" sabi ni Evelyn..
"Of course, it is!" ani Alex.. "Walang pinapapasok na kahit na sino si Alejandro sa kanyang studio.. Even Mom and Dad.. Paano ka nakapasok?.. No wait.. Kailan ka nakapunta dito without my knowledge?.."
Tahimik lang na nakatingin si Evelyn kay Alex.. Napasulyap pa siya kay Xeira na parang walang alam sa mga nangyayari..
"Ahm.. It was long long before.. Nung hiniram ko noon ang phone ni Alejandro ay nakalimutan kong ibalik nung dismissal na.. Nakauwi na noon ang kapatid mo nang maalala kong nasa akin ang phone niya.. Since alam ko ang subdivision niyo ay nagkusa akong pumunta dito at nagtanong-tanong kung nasaan ang bahay niyo.." paliwanag ni Evelyn..
"That's it?.. Nang dahil lang sa cellphone?.."
"Oh, I forgot.. Tumawag na din pala ang mama niyo noon at ako ang nakausap niya na sinasabing matatagalan sila sa Batangas kaya mas lalo akong nakonsensiya kaya inihatid ko dito ang cellphone ni Alejandro.."
"Stop calling him Alejandro when you can't call me by my full name.. So paano ka nakapasok sa studio ni Andro.." Medyo may bahid na ng galit ang boses ni Alex..
"Nang tinawag siya ng iyong katulong para sabihing nandito ako ay ayaw daw ni Androng magpakita.. Kaya ako na ang pumunta sa kanyang studio.. Wait, are you angry?"
"Of course I am.."
"Nang dahil lang doon.."
"That's enough.." Putol ko sa kanila nang magsimula na silang mag-away.. Sa tingin ko ay ganun din sana ang gagawin ni Xeira.. "Evelyn, tara na sa taas.. We're not yet done on our project.."
Sabay kaming tumayo ni Evelyn at iniwan sina Xeira at Alex sa kusina..
"I'm sorry about my brother.." sabi ko sa kanya pagkapasok namin sa aking kuwarto..
"Nah.. It's ok.. Wala lang yun sa akin.." Nakangiti na naman siya.. "Teka, anong gagawin natin dito.. Di ba tapos na tayo.."
Napakamot ako ng ulo.. Of course we're done.. Inilayo ko lang naman siya kay Alex dahil ang akala ko ay mag-aaway na sila..
"Uhm.. Maybe we can do anything we like.. Maaga pa naman eh.."
Saglit na nag-isip si Evelyn bago tumingin sa akin.. "Manood na lang tayo.."
"But Alex and Xeira might see us if we go to the entertainment room.."
"I mean, manood tayo sa laptop mo.."
"I never tried that before.. Pero walang movies diyan.."
"Youtube can work.."
Napatango na lang ako.. Siya na ang kusang nag-operate ng laptop.. At naghanap ng papanoorin namin... We set the laptop at naupo kami sa aking kama..
Sinimulan na rin naming papakin ang mga junk foods na binili niya.. I also started liking this kind of food..
Marami ng kalat sa aking room.. Maraming balat ng chichirya ang nagkalat.. Bottles and caps of sofdrinks scattered too.. Even my bed is a mess.. But i don't care.. Marami na rin kasi akong natutunan kay Evelyn sa araw na ito..
First, I started eating junk foods.. Then liking softdrinks... Watching movies using my laptop.. Appreciating Indian/Bollywood movies... Learning to laugh on stupid movies... And messing my room for fun...
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
