Clue 6

1.4K 81 0
                                        

"Salvosa!"

Napaangat ang tingin ni Evelyn nang bigla siyang tawagin ni Kuya gov sa kanyang apelyido. "Why?"

"You're not listening and yet you asked why."

Ewan niya. Hindi niya naman alam na may sinasabi ito. She had been so busy with her phone kaya nawala sa class meeting nila ang concentration niya. Katext niya sa pagkakataong iyon ang boyfriend niya.

Lumingon siya sa bago niyang kaibigan. "Oy Tristan, anong sinasabi niya?"

"Marami actually." Nakangiting sabi ni Tristan.

Pagkatapos kasi ng election of officers kanina ay nagmeeting na rin sila about class rules and regulations. Nabore siya kaya inilabas niya ang phone niya.

Nginitian niya na lang si Kuya Alejandro ng napakatamis. "I'm super sorry. May emergency kasi kaya hindi ko napigilang magtext. Nawala sa meeting ang concentration ko. Pasensiya na."

"Noted. And for that, I include 'No cellphone' policy during meetings."

Most of her girl classmates groaned. Ang mga lalake naman ay sumang-ayon kaagad.

"Ikaw naman kuya. Don't be so harsh paano kung may emergency talaga. Hindi naman puwedeng ipagliban iyon."

Tumawa lang ang mga kaklase nila. While Andro is very disgusted. "I doubt if that's really an emergency. You are giggling a while ago while you are in your phone. That will never be an indication of an emergency matter."

"Tingnan niyo si kuya oh, nakabusangot ang mukha." resbak ni Evelyn para ibahin ang topic. "Papayag ba kayong masungit at hindi ngumingiti ang governor natin. Baka mahawaan niya tayo."

"No way!" Sunod-sunod na sabi ng kanilang mga classmates. Nagpalakpakan pa ang iba.

John Alejandro suddenly smiled and boy! He is so gorgeous. Natahimik ang boung klase. Ang mga babae ay nakanganga na. This Alejandro boy is really something.

Kakainlove haha. But no way, hinding-hindi ko ipagpapalit ang kakambal niya sa kanya. Alex is way better.

"Kitam?. Nagmukha kang tao tuloy." biro ko ni Evelyn. She will never accept defeat.

Muling nagseryoso si kuya. "I want you to write there another rule. 'Respect your officers especially the governor."

"Ahy. Tapos na kuya. Kahit waley ay nasulat ko na." Ngumiti siya dito. "Gusto ko ring i-suggest ang rule na 'Filipino' o 'Tagalog' ang medium kapag may meetings."

Muling natawa ang kanilang mga kaklase at nag-thumbs up sa akin. 'Wag ako ang sinusubukan niya. Clever yata 'to.

Tuluyan nang namula ang mukha ni John Alejandro sa pinipigilang galit. Nagmistula itong bulkan na nagbabantang sumabog.

"I agree if you teach me how."

"Huh?" Ano daw?

Tuluyan nang nag-ingay ang klase. Gosh! Tinutukso kami ng kakambal ng bf ko. This is not right!

"Bagay kayo!"

"May contestants na tayo kaagad sa Mr. And Ms. Stevenson."

"Bagong love team ng section A."

"Gov at sec? Ayy bongga!"

"Bet na bet."

"Teka lang! Teka lang!" Itinaas ni Evelyn ang kanyang mga kamay. "Hey wait!"

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon