**Evelyn POV**
"Hoy Chantal! Erika!"
Tinawag ko ang aking mga kaibigan. Parehong hindi maipinta ang mukha ng mga ito habang papasok sa gym kasama ng iba pang mga estudyante. Dali-dali akong lumapit sa kanila.
"Anong nangyayari dito?" Itinuro ko ang mga estudyanteng papasok sa gym. "Late akong nagising kaya kararating ko lang. Pagdating ko sa aming classroom ay wala namang katao-tao."
"May pakulo ang SSG, may programa daw diyan sa loob para sa buwan ng mga puso." Matabang na wika ni Chantal.
"Kung ganun, bakit ganyan ang mga mukha niyo?"
Humugot si Erika ng napakalalim na buntong-hininga. "Yun na nga eh, buwan ng mga puso ngayon but Yael is nowhere to be found. Wait, bakit pati ikaw Chantal ay tila malungkot ngayon? Wala ka namang boyfriend ah."
Actually, napansin ko din iyon.
"Huwag nga kayo. Wag niyo akong pansinin."sabi ni Chantal at nagpauna.
"Weird!"
Sa entrance ng gym ay pinasulat sa isang maliit na piraso ng papel ang aming pangalan at inihulog sa isang hugis pusong box.
"Good morning Stevenson!"sigaw ng nasa platform. Sinabi nito kung parasaan ang programa. Tama nga si Chantal, Valentine's celebration.
Humanap kami ng bakante sa mga bleachers at doon naupo. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng gym. Hindi ko mahagilap kung nasaan si Alejandro. Pati sina Alexander, Yael, at Tristan ay hindi ko makita.
"Nasaan kaya sina Alejandro? Patis ina Yael ay hindi ko makita."
"Sabikosaiyo eh." chorus nina Erika at Chantal. Sabay pang sumimangotangmgaito.Napailingnalang ako at itinutok ang atensiyon sa nagsasalita sa harap.
"We are going to have an exciting gameshow today. "Namatay ang mga ilaw at may konting liwanag na nanggaling sa mga projectors sa loob. Iniluwa ng mga iyon ang mga naglalakihang 'Date or No date' sa white portion ng wall sa gym.
Napuno ang gym ng bulungan nang makapagsalita ang emcee."The mechanics of this game is the same as Deal or No deal in television. The only difference is that our 21 brief cases do not contain money but gentlemen's names. Stevenson's hottest gentlemen!"
Napasigaw at napatiliang mga estudyante. Pati kami ng mga kasama ko ay nagkainteres. Baka nandiyan ang hinahanap nina Erika at Chantal. Napangiti ako sa aking naisip.
"We are going to draw the player from the names we collected in the gym entrance."Ipinagpatuloy ng host ang pagpapaliwanag sa gagawing laro. Dahil sa dami ng sinasabi nito ay nawalan kami ng interes.
"Nandiyan kaya si Yael ko?"
"Hoy! Huwag kang assuming. Bakit handsome at hot ba ang boyfriend mo?"
"Hoy Chantal! Mas guwapo nga siya sa kapatid mo noh? Inggit ka lang dahil wala kang boyfriend."
"Bakit? May Tristan Lagman naman ako ah?"
"Tristan Lagman? Why? Napansin na ba niya ang pagpapacute mo sa kanya?"
"Evelyn Salvosa!"
Napatigil sa pagtatalo sina Erika at Chantal nang maiannounce ang pangalan ko. Pareho kaming napatingin sa platform.
"I'm Evelyn! Yes!"
Sabay-sabay naming napadako ang aming tingin sababaeng tuwang-tuwang nagtatatalon at papunta sa harap.
"Walang-hiya!" Poot na wika ni Erika. "Bakit hindi mo pigilan ang impostorang iyan?"
Napailing na lang ako. Maya-maya ay nabigla kami sa nangyari. Napansin kasi ng emcee na iba ang pangalan sa ID ng babae. Binasa nito ang pangalan. Napahiya ang babae at bumalik sa upuan nito. Maya-maya ay muling hinanap kung sino si Evelyn Salvosa.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Подростковая литератураGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...