After two weeks..
"Tristan" nakingiti wika ni Evelyn sa katabi niya. "Siguro naman wala kang lakad ngayon."
Alanganin itong ngumiti. Hay!
May lakad na naman ito sigurado siya sa ngiti ng lalaki. Wala kasing teacher sa dalawa nilang subjects. Wala naman kasi siyang pupuntahan at isa pa wala naman siyang kasama kasi may klase si Alexander at mamayang hapon naman mawawalan ng teacher ang mga ito."Sorry Precious." Tristan said apologetically. "Promise, sasama na ako sa iyo sa susunod."
Nagliwanag ang kanyang mga mata. "Sure ka na talaga diyan hah?"
"Yeah. Sisingilin mo ako pag hindi ko 'yun sinunod."
Tumayo si Evelyn at tuwang-tuwang niyakap ang kaibigan. Kahit napakamisteryoso nito ay napakagaan pa rin ng pakiramdam niya kapag kasama niya ito. Parang nakatatandang kapatid niya na rin ito. At isa pa, bukod sa kanya ay wala na yata siyang kakilalang ibang ka-close ni Tristan Lagman.
Inalapit nito ang mukha sa kanyang tainga at saka bumulong. "Enough. Masama ang tingin sa atin ng kuya gov mo."
Bumitaw naman si Evelyn para lingunin si Alejandro pero palabas na ito ng pintuan.
"Well, I must go." nangigiting sabi ni Tristan. "Ingat ka hah?"
Tingnan niyo, 'di ba parang siya na nga ang kuya ko. "Ikaw din."
Lumabas na ito ng classroom. Bumalik naman siya sa pagkakaupo para lamang mabigla nang mapansing siya lang ang natira sa loob.
Kinuha niya ang kanyang mga gamit at lumabas ng classroom.
Naglakad-lakad siya sa hallway at iniisip kong saan pupunta. Nahihiya kasi siyang sumama kina Cas. Masyadong matanong ang mga iyon baka kung anu-ano pa ang gustong malaman ng mga ito mula sa kanya.
Kung saan-saan siya napadpad hanggang sa marating niya ang library. Naisipan niya na ding pumasok.
Well, hindi ko nga 'to pinasok mula nang magsimula ang klase.
Pagkatapak ng mga paa niya sa loob ay biglang nairita ang tainga niya sa nakakabinging katahimikan.
Dumiretso siya sa fiction library at naghanap ng puwedeng basahin.
Iginala niya ang paningin sa boung library para maghanap ng magandang puwesto. Sakto namang nahagip ng paningin niya si Alejandro sa isang tabi na nakasubsob sa pagbabasa ng Physics textbook. He's too serious on what he was doing. Napakapayapa nito at walang pakialam sa mga babaeng nagpapacute sa tabi. Hindi mapigilan ni Evelyn ang mapangiti nang makita niyang malapit nang bumigay ang mga nagpapacute sa lalaki.
"Hi Alejandro" nakangiti niyang bati habang palapit sa kinaroroonan nito. Tiningnan siya lamang nito ng walang kaemo-emosyon at itinuloy ang pagbabasa. Ang mga babae namang nagpapacute sa dito ay nagdadabog na lumayo. Napagalitan tuloy ang mga ng librarian.
Hmmm. Serves them right.
"Ang busy natin ah." Umupo siya paharap sa lalaki. Nag-'psssshh' lang ito at hindi pa rin siya pinansin.
Evelyn sighed and started to open the book that she borrowed. Napansin na na lang niya si Alejandro na napatingin sa book saka tumingin sa kanya.
"Why?"
Napailing lang ito at itinuloy ang pagbabasa. Hindi pa niyanasimulan ang pagbabasa ay muli niyang napansing nakatingin ito ulit sa kanya na tila may gustong iparating.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...