Maraming nangyari sa mga nakalipas na araw at buwan. Ang kapatid ni Evelyn na si Bryll at ang kasintahan nitong si Alexa ay tuluyan na ring ikinasal sa simbahan.
Sina Xeira at John Alexander ay nagpaplano na ring magpakasal. Sa araw na umalis si Alejandro at sumakay sa ferry ay nagkita sina Alexander at Xeira sa Hacienda Montana. They stayed there and settled their differences. Saktong matagpuan sila ni Alejandro sa isla ay siya namang pagbabalik ng dalawa sa Maynila. Walang kaalam-alam ang mga ito sa kanilang sinapit ni Alejandro.
Mula kay Chantal ay nalaman ni Evelyn na humingi sina Alexander at Xeira ng kapatawaran kay Alejandro. Wala naman daw kailangang ihingi ng tawad dahil nagmamahalan lamang ang mga ito.
Everything is going the way they used to be. Maliban lamang sa kanya. Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanyang buhay.
Pagkagaling nila mula sa isla na napag-alaman niyang sa baybayin ng Pasipiko at malapit sa lalawigan ng Aurora ay nagbalik kaagad siya sa kanyang trabaho. Sa pagmanage ng kanyang photo stations business.
Lahat ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan ay nabigla nang malaman ng mga ito ang kanilang sinapit ni Alejandro. Pareho daw kasi silang nagpaalam sa mga ito na magbakasyon kaya walang nag-aakalang may sinapit silang trahedya. Laking pasasalamat ng mga ito ng makauwi silang ligtas.
At heto siya ngayon sa kanyang opisina at nagsisimula namang uminit ang kanyang ulo na hindi niya malaman ang dahilan. Erase that, mainit na naman ang kanyang ulo dahil sa kaiisip kay Alejandro.
Isinusumpa niya na sana ay hindi na niya muling makita ang lintik na lalaki. Pagkagaling nila ni Alejandro mula sa isla at ihatid siya sa kanilang bahay ay hindi na sila muling nagkita.
Araw-araw siyang naghihintay sa kanyang opisina na sana ay dalawin siya ni Alejandro. Umasa siya na isang araw ay lalapit ito sa kanyang pintuan. But that never happened. Ang araw na paghihintay niya ay naging linggo, hanggang sa maging buwan. At hanggang ngayon, umaasa pa rin siya. Ang tanging pagkikita nilang dalawa ay ang araw ng kasal ng kanyang kapatid but they never had the chance to smile nor talk with each other.
Nobody knew what really happened to them in that island. Si Chantal na palagi siyang inuusisa ay walang nakuha sa kanyang sagot. Gusto niyang ibaon na lang ang lahat sa limot.
Ano ba kasing ginawa niya at biglang ayaw ng magpakita sa kanya si Alejandro. Wala naman siyang kasalanan. Ang buong akala niya ay ok na sila bago pa sila umalis ng isla pero anong nangyayari?
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Maya-maya ay hindi na niya napigilan ang susunod na nangyari. Tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha.
*****
"Hey bro."
Mula sa mga binabasang dokumento ay napaangat ng tingin si Alejandro. Nakita niya ang kanyang kakambal na nakasungaw ang ulo sa pintuan ng kanyang opisina.
"Can I come in?"
Hindi pa man siya sumasang-ayon ay nakapasok na ito sa loob. He made himself welcomed and found his way to the couch inside. Napahiga ito doon. He stretched his legs and crossed them, overlapping from the end of the couch.
"What do you need?" tanong niya na hindi tumitingin dito.
"Mom is super worried about you." sagot nito habang komportable pa ring nakahiga.
"Why? I am not into something that she should worry about."
"Natatakot siya sa ginagawa mo sa iyong sarili. You do not want to rest. Palagi kang nakatutok sa trabaho. You made sure to make yourself to be very busy kahit na hindi naman gaano karami ang iyong trabaho."
"I'm doing this for the company."
"For Pete's sake! Why can't you stop? Mamanahin mo rin naman itong kumpanya na ito pag nagretiro si Daddy. This company is all yours."
Wala siyang narinig na kahit na anumang inggit o hinanakit sa boses ng kanyang kapatid. Totoo ang sinabi nito. Siya ang nakatakdang maging chairman of the board once their father retired dahil iyon ang tradisyon.
Ang kanilang uncle at ama ni Chantal na si Jefferson ay namana ang Veneracion Prime Holdings mula sa kanilang lolo bilang panganay. Ang kanilang ama naman ay siyang nagmana ng Hacienda Montana although ang mansion doon ay ancestral home para sa buong angkan nila.
Sariling itinayo ng kanilang ama ang Veneracion Tech na lumago at isa na sa pinakamalaking technology companies sa bansa. Bilang panganay sa kanilang magkapatid ay siya ang magmamana ng lahat ng kompanya ng kanilang ama.
"You know that. This company is all yours Andro."
"You have the hacienda to inherit Alex. Alam kong sa iyo ibibigay ng Daddy iyon."
"So what's the point of working too hard na tila pa naghahabol ka ng promotion eh, iyong iyo naman ang kompanyang ito. Natanong ko si Daddy, wala naman daw kayong mabigat na trabaho ngayon. Gosh, Alejandro, have a life."
"This is my life Alex and stop commenting na tila ba marami kang alam."
"Nag-aalala lang ako dear brother. Mother missed you so much. Kung bibisita ako sa bahay ay lagi ka niyang hinahanap na tila ba responsibilidad kita na madala doon."
Nagulat siya sa sinabi ng kanyang kapatid. Bakit kasalanan na ba ngayon ang pagigibg workaholic? He shook his head and did not utter any word.
"Si Evelyn ba ang dahilan ng lahat? Mula ng dumating kayo mula sa isla na iyon ay naging ganan ka na. That was months ago Alejandro."
"I don't know what you are talking about."
Ang babaeng iyon! Tumiim ang kanyang bagang nang maalala si Evelyn. Muntik na siyang tumayo at suntukin ang kanyang kapatid sa pagpapaalala sa kanya sa sinapit niya kay Evelyn.
Nagkibit ng balikat si John Alexander. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya. Alexander tapped his back. "Kung anuman iyang problema mo, you know who to call. Maghihintay kami nina Mommy sa bahay mamayang gabi. Maghahanda daw siya ang hapunan. Nandoon din si Xeira."
Yun lang at tumalikod na ito. Muli siya nitong nilingon nang marating nito ang pintuan. "And I don't want my best man to look like a beast during my wedding."
Tuluyan na siyang napangiti sa sinabi ng kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...