"Why don't you ask him?" Chantal laughingly urged Evelyn."No way!" Evelyn protested. Tumingin pa ito kay Alejandro.
Mamaya ay nagyaya na ang mga itong kumain. Inilabas ni Alejandro at ni Xeira ang kanilang mga lunch boxes at nagkapalitan. Ganoon din ang ginawa nina Alexander at Evelyn. Natatawang tumayo sina Chantal at Erika para bumili ng pagkain ng mga ito.
"Hindi maikakailang magkakambal nga kayo." tukso ni Chantal pagkalapag nito sa mesa ang binili nitong pagkain. "Pati sa sweetness niyo sa inyong mga girlfriends ay parehong pareho kayo ng stunts."
Siniko lang ni Erika ang babae. "Don't mind them. Kumain na lang tayo. Gusto kong i-internalize kung gaano kasarap ang nilibre mo."
"Don't be so calm. Hindi bukal 'yan sa aking kalooban."
"Sabi ko nga, ang kuripot mo talaga. Kailangan mo na ring magdyowa para may kapalitan ka ng lunch box at i-convince ko rin si boyfie na magganun din kami."
"Weh? Asa ka pang gawin sa iyo ng boyfriend mo ang ganun. Baka masuka 'yun nang wala sa oras. Ang alam ko allergic siya sa salitang sweet."
"Hoy! Wala kang alam. Natutunan naman niyang maging sweet ah."
"Grabe hah? Kailangan pa niyang matutunan iyon? Kawawa ka naman."
"Well, atleast mahal niya ako. Ikaw, may nagmamahal sa iyo?"
Patuloy lang sa pagtatalo sina Chantal at Erika. Tahimik lang ang apat na kumakain habang nakikinig sa dalawa.
"Of course! Anong akala mo sa akin. Meron naman ang dalawang kambal na mga 'yan."
Hindi ko mapigilan ni Alejandro ang pagtaas ng kanyang kilay sa sinabi ni Chantal. Maging si Alex ay umungol, senyales ng pagtutol. Napatawa tuloy si Erika.
"That' not what I mean. Tingnan mo nga rin at tumutol sila."
"Hmp! Kung ayaw nila sa akin, ayaw ko din sa kanila. Nandiyan naman sina Papa, Mom, at si Kuya Paris."
"Palaging 'yan ang depensa mo. Alam mong hindi 'yan ang ibig kong sabihin."
"Sige, hindi na kita ililibre next time."
"Sabi ko nga, maganda ka at maraming nagkakagusto sa iyo."
"Ay, diyan tayo nagkakasundo."
Tumawa ang mga ito. Ang babaw! Girls are really unexplainable. Kung anu-ano ang pinag-uusapan at tinatawanan ng mga ito.
"Ahy. Natatawa talaga ako kay Chantal." sabi ni Erika nang matapos silang kumain. "I can't believe it, na-elect ba namang sergeant-at-arms."
"Hoy! Kung hindi mo ba naman ako ninominate eh hindi sana ako naging ganun. Sinira mo ang pananahimik ko sa isang tabi."
"Pasalamat ka at nakilala ka. Hmp! Bakit ba kasi napunta tayo dun sa liblib na section na iyon? Tayo lang ang magkakilala."
Nasa section E kasi ang mga ito. Ang panghuling section ng mga seniors. According to some rumors, tambakan daw iyon ng may mga mabababa ang mga grado.
"Why don't you ask yourself?" Hindi mapigilang tanong ni Alejandro. "Ano bang grades niyo last school year?"
"John Alejandro! Nakatop 1 ka lang last school year, ang yabang mo na." reklamo ni Chantal. "Eh, bakit itong si Evelyn, mabababa ang grades niyan, bakit napunta sa section A?"
"Oy! Oy! Nananahimik ako dito." depensa ni Evelyn. "At saka nakaline of 9 naman ako sa music ah."
"Kami din naman sa P.E." singit ni Erika. "Tara Chantal sa Administrator, magreklamo tayo."

BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...