Clue 53: Paliwanagan

1K 33 0
                                    


Si Alejandro ay isang duwag! Iyon ang nasa isip ni Evelyn habang papunta siya sa opisina ng binata. Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Yael noong isang araw ay hindi na siya natahimik. At kailangan niyang malaman ang panig ni Alejandro.


"Good morning miss." nakangiting bati sa kanya ng sekretarya ni Andro. "How may I help you?"


"Gusto kong makausap kay Alejandro."


"May appointment ka ba sa kanya Maam."


Biglang uminit ang kanyang ulo. "The hell with appointments!" Nagulat ang babae sa pagtaas niya ng boses. "Basta kailangan ko siyang makausap. It's emergency and I would die If I won't be able to talk to him right now."


"Maam. Sorry po, pero busy po kasi si Alejandro ngayon."


Hindi niya ito pinakinggan. Nilagpasan niya ito at itinulak ang pintuan ng opisina ni Alejandro sa kabila ng pagpigil sa kanya ng sekretarya. Alam niyang masosorpresa sa Alejandro sa pagdalaw niyang iyon. Pero pagpasok niya ay siya ang nasorpresa. Ang tinamaan na magaling na lalaki, ayun at may babaeng kahalikan sa loob!


Biglang sumiklab ang galit sa kanyang dibdib. Ilang lakas ng loob ang kanyang inipon para dalawin si Alejandro pero ganitong eksena ang kanyang aabutan.


"Mga walanghiya!" malakas na sigas niya. Lumapit siya sa mga ito at hinila ang babae pahiwalay kay Alejandro. Parehong nagulat ang mga ito sa kanyang ginawa. Ihinarang niya ang katawan kay Alejandro nang subukan ng babaeng bumalik pa sa paghalik nito sa kanyang lalaki.


"Who the thell are you?" galit na tanong sa kanya ng babae.


"My name is Evelyn. And who the hell are you too?"


"Wala akong pakialam." Aba at may attitude ang babae. "Umalis ka na dito at iwan kami ni Alejandro."


"Duh? Kung sinuman ang dapat na umalis dito ay ikaw. Akin lamang si Alejandro at ayokong may sisingit pang iba na kagaya mo."


"Andro?" maarteng sumbong ng babae sa binata. "Who is she? And what is she doing here?"


"I'm sorry Sherrie." sagot ni Alejandro. "Umalis ka muna. I will talk to you later."


"I hate you both!" tungayaw ng babae at padabog na lumbas. Ibinalibag nito ang door pagkalabas.


Nang harapin niya si Alejandro ay naka pokerface ito. Walang anumang expressiong mabasa sa napakaguwapo nitong mukha.


"Nagtatampo na ako sa iyo Alejandro. Hindi mo ako kinakausap ng mahigit dalawang buwan para lamang mahuli kitang may kahalikang babae."


Wala pa ring nabago sa mukha nito. Imbes na sagutin siya ay naglakad ito papunta sa swivel chair nito at naupo. Para tuloy business matter ang kanilang pag-uusapan.

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon