Clue 15

1K 73 3
                                        

Bigla nagising si Alejandro na may kakaibang kalungkutang nararamdaman. Pilit niyang inisip kung anong mga nangyari sa nakaraang araw.

But, he failed to internalize the cause of his sudden sadness. He tried again to think. Bigla siyang natilihan nang biglang nagflash sa memory niya ang nakangiting mukha ni Evelyn. Sa gulat niya ay mabilis niyang inalis sa isipan ang bagay na iyon.

But he failed again. Muling lumitaw sa sarili niyang balintataw ang mukha ng babae.

This is not happening!

Bumangon na lang siya mula sa pagkakahiga para makapag-ayos para sa school.

Pagkaligo ay dumiretso siya sa baba para sa kanilang agahan.

"Good morning." bati sa kanya ng Dad nila nang mapadaan siya sa sala. As usual nagbabasa naman ito ng daily paper.

"Good morning Dad."

Ibinaba nito ang binabasang newspaper. "We're about to eat. Go and join your mom at the table. I will go first and check on your sister."

Kasabay nang pagpanhik ng Daddy nila sa hagdanan ay siya namang pagbaba ni Alexander. Nagpalitan ang mga ito ng umagang pagbati sa isa't-isa.

"Good morning Ku-". Alexander immediately closed his mouth when Alejandro glared at him.

"Fine." anitong natatawa. "Ang init talaga ng dugo mo sa akin."

"It's your fault." he replied at nagpatiunang pumunta sa dining room.

"Good morning!" marahang bati sa kanila ng mommy nila. "Bakit parang nag-aaway na naman kayo?"

"Nuh-uh." Alexander answered. Alejandro noticed that glint of amusement from his voice.

"Ok. Mabuti kung ganun."

"Gooood Morrrrning!" malakas na bungad ni Alyana nang makapasok ito sa kusina. Agad na tinakpan ni Alejandro ang mga tainga niya. How he hated his sister's very iritating shriek.

"Dad, can I take a sleepover at my classmate's house tonight?" mamaya ay paalam ni Alex sa kalagitnaan ng pagkain.

"Ask your mom. Walang problema sa akin."

Tumingin si Alexander sa mommy nila.

"Sure, you may." Tumingin sa kanya ang mommy nila. "Ikaw Alejandro? Wala ka din bang makikitulugan mamaya?"

Umiling lang siya. Magkaiba kasi sila ng teacher ni Alex sa Music. May pinapagawa ang teacher ng mga ito na kailangan ng overnight. Xeira told him everything kaya alam niya ang sleepover na iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay humanda na silang magkapatid sa pagpasok.

"Puwede bang magtaxi muna kayo ngayon?" hiling ng ama nila. "May maaga akong appointment. And your mom is going to attend the PTCA meeting at your sister's school."

"Ok lang dad." sagot ni John Alejandro.

"Bakit hindi niyo na kasi kami bilhan ng sarili naming sasakyan?" biro ni Alexander.

"Alam mo na ang sagot diyan Alex." pabiro ring sagot ng Daddy nila. Kailangan daw nilang paghirapan ang lahat bago sila bigyan ng mga mahahalagang mga bagay. "I'll be going. Keep up your good works."

"Yes Dad." sagot nilang dalawa ni Alexander.

*****

Mas lalong tumindi ang unexplainable sadness na nararamdaman ni Andro habang papalapit sila ni Alex sa school.

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon