"Kumusta ka na hija?" nakangiting tanong ni Yzabel sa kanya habang nasa hapag-kainan na sila. Hindi niya alam kung sasagutin ba o hindi ang tanong na iyon ng ina ni Alejandro.
"Ok lang naman po ako T-Tita." she answered politely. Sinulyapan niya ang kinaroroonan ni Alejandro. She saw him staring at her with a blank expression on his face. Nag-iwas siya kaagad ng tingin.
"Well, you're growing prettier and prettier each day."
Napangiti siya sa sinabi ng ginang. "Hindi naman po."
"Nacurious lang ako, hija. May nobyo ka na ba? Pasensiya ka na sa tanong ko hah?"
Napansin niya na natigilan ang lahat sa pagkain. At lahat ay napatingin sa kanila. Even Alex and Xeira na may mga sariling mundo kanina ay nabaling sa kanya ang atensiyon ng mga ito."
"Mom!" narinig niyang sita ni Alejandro sa ina nito. Nabigla siya sa susunod na sinabi nito. "Of course, may boyfriend na yang si Evelyn. Baka matagal na nga eh."
She smiled sa kabila ng ngitngit na nararamdaman niya. "Ah, your son is not right. Wala pa po akong boyfriend."
"Mommy kasi." Alexander uttered. Sumali na rin ito sa usapan. "Kung anu-anong tinatanong niyo. Malamang sa ganda ni Evelyn ay maraming nagkakagusto diyan. Kung wala siyang boyfriend ay sigurado akong maraming nanliligaw sa kanya. Di ba kuya?"
"Shut up Alex. I'm not your 'kuya'."
"At tingnan mo yang si Ku-, i mean Alejandro, don't talk when your mouth is full."
"Whatever."
Ikinumpas ni Yzabel Veneracion ang mga kamay nito para pigilan sina Alex at Andro. "Stop that children. Malalaki na kayo'y hindi pa kayo tumitigil sa pagbabangayan. Balik tayo kay Evelyn, anyway, bata ka pa naman hija. You have all the time in the world to enjoy your singlehood."
"I heard that." Alejandro intervened. "My, Evelyn and I are on the same age, maybe you could allow me to enjoy my singlehood too. Hindi iyong pinagtutulakan akong mag-asawa na."
"Tumahimik ka diyan Alejandro. Kaya kita pinagtutulakang makapag-asawa ay dahil sa kakapabaya mo sa sarili mo. Masyado kang nakatutok sa mga trabaho mo na tila wala ng bukas."
"Your mom's right." segunda ni Bryner sa asawa nito. "At hindi ko rin alam kung bakit ka nagkaganyan magmula ng bumalik kayo ni Evelyn mula sa isla na iyon."
"Dad?!" reklamo ni Alejandro. "That's not true."
"And Evelyn too. She'd been very busy after she returned." si Chantal. Pinandilatan niya ito pero hindi siya pinansin ng kanyang kaibigan. "Kaya feeling ko, may nangyaring kababalaghan sa isla na iyon."
Bigla siyang napayuko sa narinig. She did not expect Chantal to say that.
"Are you ok hija?"
Nag-angat siya ng tingin to check if Bryner was referring to her. At tama siya, siya ang tinatanong nito. Sa ngayon ay nakangiti na ang mag-asawa sa kanya.
"Ok lang po ako." magalang niyang sagot. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung bakit siya nandoon at nakikisali sa isang pampamilyang dinner.
"We asked Chantal to invite you here because we wanted to talk to you." maya-maya ay wika ni Yzabel sa gitna ng meal. Lahat ay napatingin dito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bigla-bigla ay tila nagkaroon ng interest sa kanya ang mga magulang ni John Alejandro.
Yzabel Veneracion smiled. She is still very beautiful despite the age. "Pero mamaya na yun."
Nawalan na siya ng concentration sa pagakain. Nakatutok ang kanyang isip sa kung anumang sasabihin ng mag-asawang Veneracion sa kanya.
Pagkakain nila ay nagpaalam muna ang mag-asawa na pupunta sa library. Pero laking gulat ni Evelyn nang tawagin siya ng mga ito.
Chantal pressed her hand and nodded at her. May alam ang kanyang kaibigan na hindi niya alam. Sinundan niya ang mag-asawa sa library.
"Maupo ka muna hija." Bryner said with full authority in his voice though in a friendly tone.
Sinunod niya ito. Umupo siya sa single couch doon paharap sa mag-asawa.
"Huwag mo sanang mamasamain ang pagtawag naming ito sa iyo." simula ni Yzabel. "Gusto ka naming makausap tungkol sa anak namin."
Tumango lang siya bagaman naguguluhan. Anong meron kay Alejandro at pati siya ay gusto ng mga itong makausap. Hinayaan niya lamang ang itong magpatuloy.
"Hindi namin alam kung ano talaga ang nangyayari kay Alejandro. When you returned from that island, ok lang naman siya. Bigla na lang siyang nag-iba pagkaraan ng ilang araw. At ayun nagtuloy-tuloy na."
Napansin niya ang lungkot sa mukha ng ginang. Ayaw niyang magsalita dahil tila wala siyang masabi. At wala talaga siyang alam tungkol kay Alejandro. "Sorry ho pero wala po akong alam sa mga sinasabi niyo Tita. Mula pa ho nang magbalik kami ni Alejandro ay hindi pa po kami nagkikita. Ngayon lang ho uli."
Bigla niyang nakita ang kalituhan ng mag-asawa. Hindi niya talaga alam kung ano ang nagyayari.
"Hija, ang ibig mo bang sabihin ay wala kayong relasyon ng anak ko?" tanong sa kanya ni Yzabel na parang gulat na gulat. And Bryner is all ears at tila naghihintay ng kanyang sagot.
This time siya naman ang nagulat. Paano nasabi iyon ng mag-asawa? She smiled faintly. "Hindi po. Paano niyo po nasabi iyon? Pero ang alam ko po ay wala naman pong girlfriend so Alejandro ngayon."
Yzabel smiled and turned to her husband. "Honey, ang flash drive."
May dinukot si Bryner mula sa bulsa nito. Itinaas nito iyon sa ere at awtomatikong sinundan niya iyon ng tingin. Laking gulat niya nang mamukhaan niya ang lumang flash drive. Kung hindi siya nagkakamali ay sa kanya iyon.
"Noong isang araw ay nakita ko ang aking anak na nakatutok sa kanyang laptop habang napapangiti mag-isa." wika ni Bryner habang palapit sa kanya. "Hindi ko lang siya pinansin dahil iyon ang unang beses ko siyang napangiti. Nang muli akong napadaan sa kanyang opisina ay napansin kong nakatulog na siya. I approached him para gisingin at pauwiin to rest but I saw a video playing on his laptop. Nakialam na ako. Without his knowledge, I got this from him. See what's inside hija para malaman mo ang kanyang pinapanood."
Inabot niya ang flash drive. Tinitigan niya iyon ng maigi. And she was not mistaken. The flash drive was hers.
![](https://img.wattpad.com/cover/19449529-288-k229615.jpg)
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Ficção AdolescenteGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...