Nasa dulo na sila ng hagdanan nang biglang huminto si Alejandro. Saka napansin ni Evelyn na nakahinto rin sina Alex at Xeira. Parehong nasa gitna ng hagdan ang mga ito.
"Hello kids." tawag ng isang lively voice. Napatingin siya sa baba at nakita niya ang isang napakagandang babae at napakaguwapong lalaki na sa tingin niya ay kasing edad ng mga parents niya. May kasama ring batang babae ang mga ito na may pagkahawig kina Alex at Andro.
"Hindi ko alam na may iniuwi pala ang dalawa kong kambal." Patuloy na wika ng babae na halatang tuwang-tuwa. Pari yung lalaki ay mapapansin ang amusement sa mga mata nito.
"Come down." anang lalaki. Ang boses nito ay tila musika sa pandinig ni Evelyn. "Boys, lead your girlfriends and join us in the living room."
Naunang sumunod sina Alex at Xeira. Nang ihakbang na ni Alejandro ang mga paa ay hinuli niya ang kamay nito. To her surprise, he clasped his hand to hers and they held their hands together.
Tiningala niya ito pero iritasyon ang napansin niya sa mukha nito.
Nang makarating sila sa sala ay bigla siyang natauhan sa pagkakahawak-kamay nila ni Alejandro. Nang bawiin niya ang kamay ay huli na dahil nakita na sila nung dalawang taong dumating. Parehong ngumiti ang mga ito. Napansin ni Evelyn na nawala ang batang kasama ng mga ito kanina.
Tuloy-tuloy sila sa pag-upo paharap sa mag-asawa. Si Alejandro ang katabi niya habang sina Xeira naman at Alexander ang magkatabi.
"So, wala ba kayong balak na ipakilala sa amin ang mga magagandang kasama niyo ngayon?" turan ng babae nang wala pang nagsasalita kina Andro at Alex.
Pakiramdam niya ay nasa hot seat. Ready to entertain controversial questions.
Ngumiti ang may edad na lalaki. Iba ang epekto ng ngiti nito kay Evelyn. Para siyang kinilig to think na ama ito nina Alex at Andro.
"Dad." saway ni Alex. Parang alam nito ang ibig sabihin ng ngiting pinakawalan ng ama nito. "I thought whole day ang lakad niyo."
Tumawa ang mag-asawa. Punong-puno ng kapilyuhan ang tawa ng mga ito.
"I thought so too Alexander." wika pa ng babae saka nakipagtinginan sa asawa nito at muling natawa.
Nakakatuwang panoorin ang mga ito.
"By the way, I'm Yzabel. And this ever handsome man is Bryner, my husband. We are the parents." Ininguso nito sina Andro at Alex. "You can call us Tita and Tito. Or Mommy and Daddy. Whatever suit you."
Alejandro groaned. Si Alex naman ay tahimik lang at tila walang narinig.
"Since my sons are too ashamed to introduce you. Let us have the honor to know our son's girlfriends personally." Si Dad-, ay este Tito Bryner ang nagsalita. "Let's begin with Alexander's girlfriend. Ikaw muna hija." tukoy nito kay Xeira.
Xeira blushed and cleared her throat silently before speaking. "Uhm. Ako po si Xeira Navarro. Ahm. H-hindi po ako ang girlfriend ni Alexander." Nag-alangan pa ito sa pagsabi ng boung pangalan ni Alex. "But, I'm Andro's girlfriend."
Tila tumigil ang lahat sa paligid. It suddenly became silently awkward. Pagtataka ang nasa mukha ng mag-asawa.
"But." sabi ni Tita Ysabel at napatingin sa kanila ni Alejandro.
Bago pa pa nito naituloy ang sasabihin ay nagsalita na si Alejandro.
"Mom, Dad. This is Evelyn, Alex's girlfriend. She's my classmate. Xeira and Alex are also classmates. May ginagawa kaming project ni Evelyn kaya kami ang magkasama. It is the same as Alex and Xeira's case."
Tumango-tango ang mag-asawa.
"I see." Tumingin si Tita Yzabel kay Xeira. "You mentioned that you are a Navarro earlier. Then you must be Rafael's daughter. Malaki ang pagkakahawig niyo."
Napa-oh sina Evelyn at Alex. Si Alejandro naman ay tahimik lang. Halatang alam na nito iyon.
"Yes po." Xeira agreed shyly.
"Paeng is a good friend of mine. Sobrang busy lang kami sa trabaho kaya minsan lang kami nagkikita." Tito Bryner said. "Ikumusta mo nga ako sa kanya when you see him."
"Sige po."
"And Evelyn, right?"
"Yes po."
"Ano naman ang apelyido mo?"
"Salvosa po."
Parehong namilog ang mga mata nina Tita Yzabel at Tito Bryner.
"Salvosa. You are the Australian-raised daughter of Immanuel and Chelsea?"
Napatawa siya sa pagbanggit ni Tito Bryner ng Australia-raised. "Opo."
"We had an early lunch with your father. Siya ang isa sa nakameeting namin kanina."
"Wait." singit ni Alex. "Anak ka nina Tita Chelsea at Tito Immanuel?" tanong nito kay Evelyn.
"Whoah. You should have known it Alexander." sermon ni Tita Yzabel dito.
"Sorry po. Wala kasing nabanggit sa akin si Evelyn. But it was my mistake, I never asked."
"That's bad Alex. Dapat alam mo ang lahat tungkol sa girlfriend mo."
"I'm sorry." Tumingin si Alex kay Andro. "Bakit hindi ka nagulat?"
"Tsss. Ialready knew it."
"What?" Sabay na bulalas ng mag-inang Alex at Yzabel. Tumahimik lang si Andro at hindi na nagsalita pa.
"Anyway, it's lunch already. Nakapagtake out na kami ng pananghalian niyo." saabi ni Tito Bryner. "Kayo muna ang bahala dito at lalabas kami ng mommy niyo. We just dropped your sister here. Para magdate naman kami ni mommy ng kami lang."
Piningot lang ni Tita Yzabel sa tainga si Tito Bryner sa sinabi nito. Umalis na rin ang mga ito pagkatapos magpaalam. Dumiretso naman sila sa kusina to take their lunch.
*****
"Hellloooooo!"
Nabitin ang pagsubo ni Evelyn ng kanin nang nang biglang dumating sa kusina si Alyana, ang nakababatang kapatid nina Alex at Andro. Nakilala na nila ito kanina bago pa lang sila magstart kumain.
"Yana! Stop screaming!" sermon dito ni Alejandro.
"Ate." tawag nito kay Xeira. "Talaga po bang si Kuya Andro ang boyfriend mo? At kay kuya Alex naman si Ate Evelyn?"
"Yup. Bakit?"
"Kasi I saw your pictures in Kuya Alex's phone."
Lahat kami ay napatingin kay Alex. Hindi ito mapakali at parang hindi nito alam ang gagawin.
"T-that's not true. Huwag kayong maniwala sa bata." Nauutal na sabi ni Alex.
"But I saw it. And I saw also Kuya Andro painting Ate Evelyn."
Kay Andro naman natutok ang kanilang atensiyon.
"Yana!" Matigas na sabi ni Alejandro sa kapatid. "Masama ang magbintang."
"But, its true. Mom saw it too because we entered your studio once and we saw your works. The other painting I saw is you kissing a girl." Natutop nito ang bibig pagkasabi ng huling pangungusap.
"Lagot ako dito kay mommy." Malakas na bulong ni Yana sapat para marinig nilang lahat.
"Yana! Stop lying. Wala akong nagawang tulad ng mga sinasabi mo. And one more thing, I never let anyone enter my studio. Ako lang ang nakakapasok nun."
"Oh, I entered once."
Biglang napatingin sa kanya sina Alex at Xeira. Nakatingin din ng what-are-you-saying look kay Evelyn si Alejandro.
"You did?" gulat na tanong ni Alex sa akin. "When?"
"Yana. Go to your room first." Andro said in a hard tone. "We need to discuss something that's not right for kid's ears."
Agad na tumalima ang bata.

BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...