Alam mo 'yung feeling na basta mo na lang nararamdamang masaya ka pero hindi mo naman maintindihan kung ano ang dahilan? That moment na para kang kinikilig but you don't know why? Ganyan si Evelyn ngayon. Para siyang timang na biglang ngumingiti ng walang dahilan. Na pilit pinagsasalubong ang mga ngipin. Na hindi mapakali, animo'y may epilepsy sa paraan ng paggalaw.
Napapakanta at napapasayaw ng Happy ni Pharell Williams sa kahabaan ng pasilyo sa school. Nanggigil at gustong kagatin ang sinumang makakasalubong. Gustong isigaw ang nararamdamang kasiyahan pero matawag na 'baliw' ng mga epal na estudyante.
Lumabas ng school campus. Nginitian ang guard sa gate at nagsabi ng 'goodbye' words na ikinagulat nito. Na napapatalon sa paglalakad habang nag-ha-hum ng kung anu-anong kanta na hindi mo naman alam ang lyrics. Na napapatingin ang mga tao sa iyong dinadaraanan at waring sila pa ang napahiya sa iyong pinaggagagawa.
At bigla kang napatigil nang maramdaman ang tila galit na galit na bagay sa iyong bulsa na sige sa pagvibrate. Saka mo lang narealize na mali pala ang daang iyong tinahak. Na imbes na sa kaliwa ay sa kanan ka napunta. Pabalik ka sana nang maalala ang nagvivibrate na bagay. At nang ilabas iyon ni Evelyn ay bigla siyang napasigaw.
"Ang cellphone ni Alejandro!"
Biglang napawi ang lahat ng kasiyahang nadarama niya. Ano na ang gagawin ko dito? Hindi kasi kinuha kanina ni Alejandro. Buti na rin sana kung naalala niyang ibalik. Hay! Ang tanga tanga ko talaga.
Napatingin siya sa nakailaw na screen at nabasa ang "1 missed call". Bigla na namang nagvibrate. Nang makita niya ang caller ID ay 'Mom' ang nakarehistro. Hindi na siya nagdalawang isip at sinagot ang tawag.
"Hello po."
Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya.
Pagkuway, "Who is this?" anang malamyos na boses ng caller.
"Uhm, Sorry po maam, classmate po ako ni Alejandro. Hiniram ko lang po kasi ang phone niya kanina at nakalimutan ko pong ibalik. Papunta na po ako sa bahay niyo ngayon para ibalik ito."
"You just called my son 'Alejandro'.At tinawag mo akong mom."
"Po?" naibulalas niya nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya maalalang tinawag niyo itong 'mom'.
"Nothing hija." masiglang sagot nito. "Anong pangalan mo?"\
"Evelyn po."
"Nice name. Ganito kasi 'yun Evelyn, pasabi nga sa anak ko na nasa Batangas kami at bukas na kami makakabalik ng Manila."
"Sige po."
"Ok. Salamat hija. Mag-iingat ka." anitong natatawa bago nawala sa kabilang linya.
Matagal siyang napatigil sa kanyang kinatatayuan bago pumara ng masasakyan at nagpahatid sa bahay nina Alejandro.

BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Novela JuvenilGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...