"Honey, saan ba tayo pupunta?" naguguluhang tanong ni Evelyn sa kanyang asawa. "Marami pang naiwang trabaho sa restaurant.""Don't worry about your restaurant honey. Meron ka namang manager to manage the affairs. Hindi ikakabagsak ng restaurant kung lumiban ka muna ngayon."
Hanggang sa makasakay sila sa kotse ng kanyang asawa ay hindi pa rin siya nito sinasagot. Nang tumigil sila kompanya ng asawa ay muli niyang itong kinulit. At hindi rin siya sinagot ng kanyang asawa.
Inalalayan siya nito hanggang sa makasakay sila ng elevator. Alejandro pressed the last floor. Tumahimik na lang siya. Wala rin siyang mapapala sa kakadakdak niya.
Nang marating nila ang last floor ay nagulat si Evelyn dahil sa hagdanan siya idineretso ng asawa. "Anong gagawin natin sa rooftop?"
Hindi pa rin ito sumagot. Nagulat na lang siya nang mapansin ang chopper na naghihintay sa kanila. "Honey, saan tayo pupunta?"
"It's a surprise honey." May inilabas itong piring at ipinalibot sa kanyang mga mata. Nasa loob na sila ng chopper at papalipad na sila sa ere. "Use that honey para masurprise ka. And you can sleep first para hindi ka mainip."
Pero hindi siya natulog. Pilit niyang pinakiramdaman ang paligid. Pagkalipas ng mahabang sandali ay naramdaman niyang tumigil ang chopper. Naramdaman niyang tinanggal ng asawa ang suot niyang sapatos. She felt her husband lifting her until her bare feet touched something soft like beach sand. Then she heard the rustling of waves. "Nasa beach ba tayo honey?"
Tumawa ang kanyang asawa. "Yes honey."
"Anong ginagawa natin dito." Kating-kati na siyang tanggalin ang piring niya. Then she heard those heavenly giggles. Papalapit sa kanila.
"Mommy!"
"Daddy!"
Oh her boys. Anong ginagawa ng mga ito dito?
"Ok boys, remove your mom's cover."
"Yes Dad."
"Mommy, bend down. We can't reach you."
She smiled and knelt down. Naramdaman niya ang dalawang maliliit na mga kamay ng kanyang mga anak sa kanyang ulo. Narinig niya ang pagbilang ni Alejandro bago matanggal ang kanyang piring sa mata.
"Surprise!" her boys and husband shouted.
Bigla siyang naluha sa nakita. She was kneeling down with her boys on her side and her husband in front of her, kneeling down too in a very beautiful place which is very familiar to her.
"Hello mommy." magkasabay na bati ng kanyang mga kambal.
"This place is ours sabi ni Daddy." excited na pahayag ni Gabriel, namumula ang mukha nito dahil sa sinag ng araw.
"Is that true Mommy?" tanong naman ni Miguel. Katulad ng kakambal nito may namumula na ring pisngi. Nay itinuro ito sa gitnang banda ng isla. "And that house is ours too, Daddy told us so."
Nakangiti niyang binalingan ang asawa. Tumango si Alejandro. "I bought this place from the government."
Tumayo ito at inalalayan siya. Sina Gabriel at Miguel ay muling naghabulan sa dalampasigan. "Boys, don't go to the water!"
"Yes mommy!"
Nakangiti niyang binalingan ang asawa. "You're so full of surprises."
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Maganda pa rin ang isla. Iyon yung pinagdalhan sa kanila noon ng Diyos nang lumubog ang sinasakyan nilang ferry boat.
Bukod sa villa at ang semented pathway paakyat doon ay wala ng ibang nabago sa isla. Well, there's the tiny port too na may nakaparadang dalawang motorboats.
Inakbayan siya ng kanyang asawa at sinundan ang napakakulit nilang mga kambal. Their sons returned to them hurriedly.
"Mommy, we almost forgot." hinihingal na wika ni Miguel.
"Happy Anniversary with you and Dad." sabay na sigaw ng dalawang kambal.
Saka niya naalala na anniversary pala nila. Her tears began to fall again. Alejandro gently wiped them with his thumb. "Happy Anniversary." He bent down and kissed her so sweetly.
"They're kissing again Miggy."
"Let's leave them. They're grown-ups Gabby. Let's go there, I saw some tortoises there!"
"They're turtles not tortoises!"
"What's the difference anyway? They're still adorable."
Pinakawalan ni Alejandro ang kanyang mga labi pero hindi siya nito binitiwan. Pareho nilang hinarap at pinanood ang kanilang nga boys na naglalaro sa dalampasigan.
"I love you."
"I love you."
Then Alejandro claimed her lips once more. They will never get enough of each other.
The End! Marami pong salamat sa pagbabasa. Abangan din po ang kuwento nina Miguel at Gabriel in the near future. Maraming salamat sa lahat ng bomoto, nagcomment, at nagbasa. I love you all! God bless!
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...