Clue 4

1.8K 97 1
                                    


Kinabukasan, umaga pa lamang ay sinundo si Evelyn ng boyfriend niya para sa kanilang date. Lumabas sila at namasyal sa kung saan-saan.

Mag-a-alas onse na nang yayain siya ng lalaki na pumunta sa bahay ng mga ito dahil may ibibigay daw sa kanya at nang mapakilala daw siya nito sa kapatid. Pumayag na lang siya. Isa pa, dapat na ding makilala FORMALLY ang kapatid nito.

"Wait for me here." sabi ng lalaki kay Evelyn nang makarating sila sa bahay ng mga ito. Pinaupo siya at may tinawag na magdala ng meryenda. "May kukunin lang ako sa taas."

Tumango lang siya. Nagmamadali itong umalis at naiwan siya doon na tumi-tingin-tingin sa paligid habang sinisimsim ang juice na binigay sa kanya.

Maya-maya lamang ay nakarinig siya ng napakagandang boses na kumakanta.

"When you feel my heat..Look into my eyes..It's where my demons hide..It's where my demons hide.."

It was Demons by Imagine Dragons.. Napalingon si Evelyn sa pinanggalingan ng boses at muntik na siyang malaglag sa kanyang kinauupuan..

Somebody is dancing and singing and going towards her direction.

And that guy is naked! Except that cute boxers he wore. Napansin niyang may hawak itong baso ng orange juice. Itinaas nito iyon. Habang ang isang kamay ay nakapaloob sa boxers na suot at parang may kinakamot. Normally, Evelyn should be disgusted at the sight. Hindi niya lang alam kung bakit natatawa na lang siya.

"Don't get too close..It's dark inside.." patuloy nito habang gumiling-giling. Dapat lang na I won't get close.. Dark nga yung ginagawa niya eh..

Saglit pa siyang napanganga nang mapalapit ito sa kanya ng husto. For a teenager like him, he possesed a very nice body! At naku.. Bigla nitong tinanggal ang kamay na nakapaloob sa boxers.

Napalunok si Evelyn. Nakapikit kasi yung lalaki kaya wala itong kamalay-malay na may kasama ito sa loob at nanonood sa sarili nitong palabas.

"It's where my demons hide... It's where my demons hide..."

Bigla itong napadilat at ibinaba ang baso sa center table. Saka lang nito napansin ang presensiya ni Evelyn. Alanganin siyang ngumiti.

"What?..." bulalas nito. Ang pagkabigla sa mukha nito ay napalitan ng inis ng mapagsino kung sino ang kaharap.

"You!" he shouted saka tumalikod at may tinawag.

Pumasok sa sala ang isang may katandaang babae na tinawag.. "Bakit anak?'

"Nanay Lupe.. Sino itong taong pinapasok niyo?" It was the first time she heard him speak in Filipino and she found it cute.

"Huminahon ka anak.." sabi ng tinawag na Nanay Lupe. "Girlfriend siya ni Alex at magkasama silang pumunta dito.."

"What? How did it happen? .." Muling bulalas ng lalaki.

Natawa lang ang matanda.. " Hay naku! Itong batang 'to talaga at inenglis na naman ako.." Bumaling ito kay Evelyn. "Pasensiya ka na hija.. Nabigla lang itong si Andro." Tama sino ba namang hindi mabibigla kung bigla mong makikita sa bahay niyo ang taong paulit-ulit mong nakasabayan kahapon sa hindi magandang pagkakataon. "Hala, maiwan ko muna kayo.."

At iniwan na nga sila ni Aling Lupe.

Napatingin si Evelyn sa lalaki at nahuli niya nitong nakatingin sa kanya. Ni hindi man lang ito nag-iwas ng tingin.

Mula sa mukha ng lalaki ay bumaba ang paningin ni Evelyn sa sexy abs...pababa..pababa...pababa... STOP!

Bigla siyang napahiya sa kanyang ginawa kaya muling bumalik sa mukha nito ang tingin niya. Napansin niyang nagdilim ang mukha nito. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ngayon lang kasi nagsink-in sa kanyang utak na Spongebob ang boxers ni kuya.

"What are you grinning at?" he snapped.

"Tingnan mo kaya ang sarili mo bago ka humarap sa akin.."

Sa aking sinabi ay waring natauhan ang kumag.. Saglit lang ang nakita kong pagkailang sa kanyang mukha dahil agad na ding dumilim iyon muli..

"If you are my brother's girlfriend, that means, you already know me..even before yesterday?"

"Of course!"

"I can't believe this! And I'm wondering.. Buti pala at hindi mo ako napagkamalang boyfriend mo.."

Muli akong napangiti... "And thanks for talking to me in Tagalog for the first time...Of course, I will not ever mistaken Alex for you.. Magkaibang-magkaiba kaya kayo.."

"You got it exactly! We are different because I will not ever have someone like you as my girlfriend.."

The nerve of this man! "Talaga lang.. Akala mo ba gusto rin kitang maging boyfriend? Mas guwapo nga sa iyo si Alex eh.."

"Hahaha!" he mocked me. "How could you say that? We're exactly the same... in physical attributes.."

Oo nga naman.. But who cares? Basta, mas pogi si Alex ko.

"What's happening here?" sabi ni Alex na palapit sa amin. Nagulat ito nang mapansin ang itsura ng kapatid.. " Hoy! Kuya! Bakit ka nakahubad?"

Muling dumilim ang mukha ni Andro.. Nakakatuwa pang isiping 'kuya' ang tawag sa kanya ni Alex.

"I told you not to call me with that! And one more thing, bakit ka nagdadala ng kung sinu-sino sa bahay.."

Medyo nakaramdam ako ng inis sa Alejandrong ito.. Anong akala niya sa sarili niya? Macho?

Evelyn, macho naman talaga, kitang-kita mo naman di ba? sabi sa akin ng aking isipan.. Ahhh! I don't care mas macho naman si Alex ko..

Weh? Nakita mo? Hindi.. Malamang parehong macho ang mga 'yan twins nga di ba? Oo nga noh?

Hala.. Para akong timang dito na kumakausap sa aking sarili.. Sa harap pa ng kambal na 'to.. Haist!

"Evelyn is not 'kung sinu-sino'." tanggol sa akin ng aking boyfriend. "She's my girlfriend. At bago ka magsalita muli, go and fix yourself first Alejandro! Ang laswa mo."

"Look who's talking! Kung sino ang mas malaswa sa atin, ikaw 'yun? Don't ever forget, you are the one who roamed this house with your own briefs."

"Mas malaswa ka kuya." katwiran ni Alex. "I saw you kissing your class secretary last March."

"What?" gulat na tanong ni Andro. Napapailing na lang ako at natatawa sa bangayan ng dalawang kambal.. "That's not considered as malaswa she is my girlfriend. Ikaw ang mas malaswa, you watched porn with your basketball buddies.."

What? Alex is watching a porn? Imbes na maturn off ako ay natagpuan ko pang 'cute' ang nalaman ko.. I'm being weird..

"What??" mas malaking gulat ang rumehistro sa mukha ni Alex. "You have a girlfriend and you never told me? Since when?"

"Don't accuse me of not telling you about my girlfriend.. You have a girlfriend too and yet you did not also tell me.. We're even Alex. And by the way, Xeira and I had been together since January."

"January?" muling bulalas ni Alex. "That long?"

"Why? What's wrong?" Bumaling sa akin si Andro. "Tell me, when did you start being together.."

Natigilan ako sa tanong niya. "A-ahm... J-january.."

"See. We're even Alex.." sabi ni Andro. Kumunot ang noo niya nang makita ang librong hawak ni Alex.

"You are going to give that to her.. I doubt if she will accept it.. She already bought similar book as that."

"Ano? Nagkita ba kayo kahapon?"

Imbes na sumagot ay tumalikod si Andro at umalis.. Bigla naman akong nauhaw.. Dinampot ko ang baso ng juice sa lamesa at nilagok ang laman niyon.. Huli na nang malaman kong maling baso ang aking nakuha.. It was Alejandro's glass..

Sinagot ko na rin ang tanong ni Alex. Tawa ito ng tawa nang maikuwento ko kung ano ang nangyari kahapon..

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon