Alejandro has an appointment dinner with a client in an exclusive restaurant. Pagkatapos pag-usapan ang mga detalye ng kanya meeting with his client ay nagpaalam na rin ang kanyang kameeting.
Minabuti niyang magpaiwan muna. Gusto niya kasi ang kape ng naturang restaurant kaya nagpakuha pa siya. May epekto kasi ang coffee sa kanya na kakaiba. Nakakawala ng stress.
While he is having his coffee, he saw a pair entering the restaurant. Nabigla siya sapagkat sina Xeira at Alexander ang magkahawak kamay na pumasok sa restaurant.
Nagtataka siya sapagkat wala pa rin siyang maramdamang kakaiba. Tila siya nakakita lamang ng isang ordinaryong eksena. Minabuti niyang inubos ang kanyang kape at nagmamadaling umalis ng restaurant bago pa siya mapansin ng mga ito.
Dahil maaga pa ay napagdesisyunan niyang pumunta sa kanilang family hacienda sa Batangas. Kailangan niyang mag-isip-isip. Nalaman na niya kung ano ang totoo niyang nararamdaman.
His father was right after all, hindi na nga niya mahal ang kanyang kasintahan. He does not know kung paano nangyari iyon. Isa lang ang kailangan niyang gawin, ang palayain na si Xeira.
Nag-isip siya at nagplano kung ano ang kanyang gagawin. Saka niya naalala na schedule nila ng kanyang kapatid ang bumisita sa asyenda next week. Napaaga lang siya. They are both doing it quarterly. At kailanman ay hindi pa nila sinuway iyon.
Napangiti siya nang may namuong plano sa kanyang isip. Kumuha siya ng mga papel at nagsulat doon. Pagkatapos ay ibinigay niya iyon sa mayordoma ng mansiyon at binilin ito. Nilisan na rin niya ang asyenda nang maisakatuparan niya ang kanyang binabalak.
*****
Nakaupo si Alejandro sa upuan sa deck ng isang ferry boat habang pinapanood ang kalawakan ng karagatan. He requested a leave from his work at pinayagan naman kaagad siya ng kanyang ama. Kailangan niyang magbakasyon para makapag-isip-isip.
Meron silang sariling yate pero pinili niyang sumakay sa isang pampublikong sasakyang pandagat. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bahala na kung saan siya daldalhin ng kanyang mga paa.
Ang kalawakan ng karagatan at ang kaaliwalasan ng langit ay nakakapagbigay ng napakagandang pakiramdam sa kanya. He suddenly felt peaceful.
Bigla niyang naramdaman ang pagod niya mula sa trabaho. Ngayon pa lang kasi siya humingi ng leave. At ngayon na rin siya tuluyang nakapagbakasyon.
Napansin niya ang mga batang naglalaro sa deck ng bangka. Tuwang-tuwa ang mga ito kakitaan ng walang nararamdamang mga problema. Napangiti siya ng maalala ang kanyang kabataan. Parang katulad niya rin ang mga bata na walang mga pinoproblema.
Nasa kalagitnaan siya ng panood sa mga bata nang bigla siyang nakarinig ng malakas na pagsabog. Nagshake ang ferry boat at maya-maya ay nagsigawan ang mga tao at marami na ring nagtatalunan sa tubig. Nakita niya na may nasusunog sa parte ng ferry boat. Kasunod niyon ay ang isa pa muling pagsabog. Bigla na lang naramdaman ni Alejandro ang pagtama ng mabigat na bagay sa kanya. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.
*****
Ilang araw na ang nakalipas mula nang umalis si Evelyn sa condo unit ni Alejandro ay hindi pa rin siya makamove-on sa mga nangyari.
Masyado siyang naapektuhan sa konting panahon na pagganap niya bilang ina ni Troy. Hindi siya makatulog gabi-gabi sa kaiisip kay Alejandro. Para siyang nasanay na matulog katabi ng binata at may bata sa kanilang pagitan.
Ilang beses niya ring tinatanong ang kanyang sarili kung ano ang nangyayari sa kanya pero wala siyang sagot na makuha. Napansin na rin ng kanyang mga magulang ang nangyayari sa kanya. Pero, pati ang mga ito ay hindi maintindihan ang kanyang kalagayan.
Nang pumasok siya minsan sa kanyang opisina ay pinayuan siya ng kanyang mga staffs na magbakasyon muna o kaya'y mag-out of town para kumuha ng mga panibagong mga litrato.
That was then she decided to go far from Manila. Binitbit niya lahat ang kanyang mga kakailanganin sa kanyang biyahe. Palipat-lipat siya ng mga pinuntahan hanggang makapagdesisyon siyang sumakay sa isang ferry boat. Naniniwala siyang, mas malayo, mas madaling makalimot.
Ang pagsakay niya sa ferry boat ay nakapagbigay sa kanya ng kakaibang feeling. Maaliwalas ang langit. Masamyo ang simoy ng hangin at napakagandang pagmasdan ang kalawakan ng asul na asul na karagatan.
She was dreaming while holding the railings of the boat. Napakapayapa ng kanyang damdamin.
Pero saglit lang ang kanyang kapayapaan dahil bigla niyang narinig ang malakas na pagsabog. At ang bangkang kanyang sinasakyan ay biglang nagshake. Nakaramdam siya ng panic. Napansin niya ang mga nagtatakbuhang mga tao habang ang iba ay tumatakbo papunta sa tubig.
Kung anu-anong mga bagay ang lumalabas sa kanyang isip. Paano na lang kung mangyayari ang nangyari sa Titanic? Pero impossible iyon dahil kung siya si Rose, sino naman si Jack?
Ay basta, kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari. Muli siyang nakarinig ng pagsabog. Nagpanic na talaga siya. Patakbo niyang sinalubong ang mga taong nagtatakbuhan. Magtatanong sana siya kung ano ang nangyayari pero bigla siyang nadulas. Tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Ficção AdolescenteGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
