Fifteen minutes bago pa lumapag ang eroplano ay nasa airport na si Alejandro. Araw iyon ng pagbabalik ng kanyang girlfriend na si Xeira mula sa Davao. Her girlfriend works with the DENR. Hindi pa tumatawag ang kanyang girlfriend pero naiintindihan niya iyon.
Baka walang signal sa pinuntahan nito sa Davao. Pumuwesto siya sa waiting area at hinintay ang paglapag ng eroplano galing Davao.
Maya-maya ay lumapag na ang eroplano na kanyang hinintay. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tiningnan ang nilalabasan ng mga pasahero.
Napangiti siya nang makita na ang kanyang hinihintay. Kakaway sana siya sa girlfriend pero nabigla siya nang mapansing may kasama ito.
Nagyakap pa ang dalawa at nakita niya ang mabilisang halikan ng mga ito. Sa kanyang pagkagulat, si Alexander ang lalaking kasama ng kanyang kasintahan.
Minabuti niyang umalis at iniwan ang dalawa sa airport. Ang daan papunta sa kanilang bahay ang napansin niyang binabagtas ng kanyang kotse.
Pumasok siya sa kanilang bahay na sobrang bigat ng kanyang dalahin. Hindi niya alam kung ano ang maari niyang gawin pag nakita niya ang kanyang kapatid.
Alam niyang wala lang ang kanyang nakita pero napansin niya kasing tila totoo ang lahat ng nangyari. Hindi naman naghahalikan sa labi ang mga magkaibigan.
"Napauwi ka Hijo. I'm glad you're here." bungad sa kanya ng kanyang ina na masayang-masaya sa pagkakita sa kanya.
"Namiss ko ang luto niyo mommy. And I suddenly feel na kailangan kong umuwi dito. I don't know why."
"Bakit anak? May problema ka ba? Bakit sobrang mabigat ang tono mo."
He laughed faintly. "Hindi sa ganoon mommy. Wala naman akong problema. Gusto ko lang umuwi dito."
Tuluyan na siyang lumapit sa kanyang ina at yumakap dito.
"Oh, how I missed you." wika ng kanyang ina nang pakawalan niya ito.
"Where's Dad?"
"Nasa entertainment room kasama ni Yana. May bagong movie daw na papanoorin. Samahan mo sila doon. Magluluto lang ako."
"Mamaya na My. Magpapahinga lang ako saglit."
Pumanhik na siya sa kanyang kuwarto at humiga sa kanyang kama. Isa sa kuwarto nila ni Alex ang pinapasalamat nila sa kanilang mga magulang. Kahit namumuhay sila independently at may sariling mga unit na inuuwian ay hindi pinapalitan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga kuwarto. Regular pa ang paglilinis doon.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nag-internalize. Sa totoo lang, nagtataka siya sapagkat hindi siya nagselos sa kanyang nakita kanina. Nagalit siya, oo. Naguluhan siya pero hindi siya nagselos.
Muli niyang ibinukas ang kanyang mga mata at iginala ang kanyang paningin sa loob ng kanyang kuwarto. Larawan pa rin iyon ang kuwarto ng isang teenager. Masyadong marami siyang naalalang mga memories sa kanyang kuwarto.
Pinilit niyang bumangon at lumabas sa kanyang kuwarto. Pinuntahan niya ang kanyang ama at kapatid sa entertainment room. Parehong tumatawa ang mga ito nang pumasok siya.
Tumahimik ang mga ito nang makita siya.
"Kuya!" sigaw na Yana na agad na sinalubong siya ng yakap. "Namiss kita."
Bumalik din ito kaagad sa kinauupuan nito. Tumabi naman siya sa kanyang ama na kinumusta lang siya at sinabing sumali siya sa panonood.
Maya-maya ay tila napansin ng kanyang ama ang pagiging balisa niya. Isang komedya ang palabas pero napakaseryoso ng kanyang mukha at tila wala sa pinapanood ang kanyang atensiyon.
"May problema ka ba hijo?" hindi nakatiis na tanong sa kanya ng kanyang Daddy.
"Wala naman Dad."
Kung ang kanyang ina ay nakumbinsi niyang wala siyang iniisip, ang kanyang ama ay hindi. Inaya siya nito sa library at pinilit na pinaamin kung ano ang kanyang dinadala.
"I know you have something in there. Sabihin mo na hijo."
Alejandro sighed heavily. "I saw my girlfriend and Alex today."
Tahimik lang na pinagmamasdan siya ng kanyang ama. Hinayaan nitong sabihin niya ang lahat.
"Ngayon ang pagbabalik ni Xeira mula sa Davao kung saan siya nadestino. Maaga akong pumunta sa airport para sunduin siya. Then I saw him with Alexander. I saw them hugged and kissed each other."
His father sighed. "What did you feel when you saw them?"
"Nagalit ako Dad. Pero hinayaan ko lang sila. Dumiretso na ako dito. They don't know that I daw them."
"Yun lang? You got angry alright? You did not feel jealous?"
"No Dad. I can't understand. I'm supposed to get jealous right? Dahil ako ang girlfriend ni Xeira. But, I dis not Dad. At kanina lang ay tila wala lang sa akin ang aking nakita."
"Isa lang ang masasabi ko John Alejandro, you do not love your girlfriend."
"Dad?" bulalas niya. Hindi niya akalain na iyon lang ang masasabi ng kanyang ama. At impossible ang sinabi nito.
"That's up to you to find out. Come on, samahan na natin ang kapatid mo sa entertainment room. Gusto yung movieng pinapanood niya.
After an hour, their mother call them for dinner. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang mabulabog sila sa pagdating ni Alex. Medyo nagulat ito ng makita siya doon. Tinanguan niya lang ito.
Muli siyang nabalisa nang wala siyang maramdamang kakaiba sa kanyang kapatid. What if his father is true after all? Paano kung hindi nga niya pala mahal si Xeira. They had been together for how many years at ngayon lang niya pinagdudahan ang kanyang feelings sa kanyang nobya. He needs to do something to prove his feelings.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
