(I decided to switch the story from First Person POV to Third Person POV. Bagong chapters na kasi ang mga susunod sa buhay ng mga bida. They are not highschoolers anymore but are grown-up adults.)
"Hello." mula sa binabasang financial statements ay napaangat ang kanyang tingin sa pintuan ng kanyang opisina. His cousin is calling him. Sa pagkatitig niya sa pintuan ng kanyang opisina ay tila nakatayo doon ang kanyang kausap.
Alam niyang trouble na naman ang dala ng pagtawag na iyon ni Chantal. His cousin would never call him if it is not an important matter or if she has not committed any grievous act.
"What do you need?"
"Andro, c-could you do me a favor, please?"
Sabi nga niya at may ipapagawa na naman ito. May isa pang nakakainis, her cousin's voice is unusual. Parang nakainom ito. At napakaingay ng backround. Nah, it is worse, Chantal is drunk!
"What do you need? Are you drunk?"
"T-tigilan m-mo a-ang E-nglish mo, plish." Nakainom nga ito. "Maari mo ba akong sunduin ngayon? Nahihilo ako and I don't think I can drive my car."
"I'm busy right now Chantal. Call Alex or better yet take a cab."
"B-busy ka dear cousin? Saan ka ba?"
"In my office."
"In the middle of the night?" Mistulang nawala ang kalasingan nito dahil biglang naging tuwid ang boses. "It's already midnight at nagtatrabaho ka pa rin? Lagpas alas onse na Alejandro."
"I don't think you need me there. I have so many things to attend to. I'll call Alex, siya na lang ang magsusundo sa iyo."
"No, he's not in town. Nagpunta siya ng Davao yesterday. Huwag mong sabihing hindi mo alam ang whereabouts ng kapatid mo?"
Natigilan siya sa sinabi ng pinsan. Talagang hindi niya alam na pumunta sa Davao ang kanyang kapatid. Hindi niya alam na nagsimula pala ang mga ito na magconduct ng Feasibility study sa naturang lugar para sa expansion ng kanilang business.
"Then take a cab then. Wala talaga akong panahon ngayon."
"Please Alejandro. Nahihilo na talaga ako."
Napabuntong-hininga siya. Muli niyang tiningnan ang financial statements sa kanyang mesa. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Ok, where are you?"
"Thank you so much couz. Nasa Chiquito ako." She is referring to Chiquito Lounge. Isa iyong bar na gustong-gusto ng mga itong puntahan.
"Ok, wait for me there."
Isang marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. He dropped his phone into his suit's pocket, grabbed his car keys, and went straight to the elevator.
*****
Laking pasasalamat ni Alejandro, wala pang trenta'y minuto ay narating na niya ang Chiquito Lounge. Sa labas ng bar ay marami na ring nakahilata at nagkalat na mga lasing. Though the place is decent, hindi maiiwasan minsan ang mga ganyang pangyayari lalo na sa araw ng biyernes na siyang party night ng mga tao.
Dumiretso siya kaagad sa loob at hinanap ang kanyang pinsan. Nakita niya ito sa isang table na prenteng-prente ang pagkakaupo. Parang hindi naman ito lasing. Napansin niya rin ang kasama nitong nakadikit ang mukha sa lamesa. Lumapit siya sa mga ito.
"Thank God, you're here." bungad sa kanya ng kanyang pinsan. Hindi pa nga ito lasing.
"It seems that you're not drunk. Why did you call me? I can see that you are capable of handling your own self."
"Hindi nga ako lasing. Slight lang ang aking pag-inom." Napatingin ito sa kasamang nakatulog na yata sa lamesa."Siya lang naman ang inaalala ko."
"So? What does it have to do with me?"
"Iuuwi mo sana siya Andro."
Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. Hindi niya inaasahang gawin siyang babysitter ng kanyang pinsan sa kaibigan nitong lasing. "What? No Chantal, I'll better leave."
"Please Alejandro. Hindi ko siya puwedeng iuwi sa bahay ngayon. Kararating lang nina Kuya Paris, nakakahiya kung bubulabugin namin sila."
"You should have thought about that after coming to this bar. Then, bring your friend to her own home."
"Hindi puwede Andro."
"Hmmm."
Napatingin sila ni Chantal sa kabigan ng huli. Umungol kasi ito at unti-unting nag-angat ng mukha.
Itinulos si Alejandro sa kanyang kinatatayuan nang masilayan ang mukha ng babae. Kahit sa mapusyaw na ilaw ng bar na iyon ay hindi naging hadlang para hindi niya makilala ang pamilyar na mukhang iyon.
Marahas siyang napatingin sa kanyang pinsan nang muling isubsob ng babae ang mukha nito sa mesa.
"Please insan, iuwi mo muna si Evelyn ngayon. Nakakahiya kina Tito Immanuel kung dadalhin ko siya sa kanilang bahay ngayon." pakiusap ng kanyang pinsan sa kanya.
"No. You have put in yourself in this situation. Then face the consequences of your actions. If you're ashamed to bring her home, Ipasok mo siya sa hotel."
Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang. Muli niyang narinig ang pagtawag sa kanya ni Chantal.
"Alejandro! Please! May pinagsamahan naman kayo di ba?"
Natigilan siya. Muling lumingon at tinitigan ang lasing na lasing na si Evelyn. Hindi na siya nag-isip pa. Bumalik siya at nilapitan ang natutulog na dalaga. "Fine."
Tuwang-tuwang napatayo si Chantal. "Salamat talaga couz. Babawi rin ako sa iyo next time."
Maingat na binuhat ni Alejandro si Evelyn. Tulog na tulog pa rin ang dalaga.
Ihinatid sila ni Chantal sa parking lot. Agad ding umuwi ang dalaga nang masiguradong safe sa kanya ang kaibigan nito.
Pagkarating sa kanyang condo unit ay muli niyang binuhat si Evelyn at iniakyat sa kanyang pad.
Maingat na inilapag niya ang tulog na tulog na dalaga sa kanyang kama. Ilang taon na ang nakalipas, anim? pito?
Hindi niya rin maalala. This was the first time for him to see again her face. Kahit matalik na kaibigan ito ng kanyang pinsan ay hindi niya ito kailanman nakita sa nakalipas na mga taon.
Umupo siya sa gilid ng kanyang kama at matamang pinagmasdan ang mukha nito. She's still as beautiful as always. Ang kagandahan nito noon ay mas lalong naenhance sa paglipas ng panahon. Maturity became her.
Napabuntong-hininga si Alejandro. Tumayo siya. Pagkatapos kumutan ang dalaga ay lumabas siya sa kanyang kuwarto. Muli siyang napabuntong-hininga siya nang masipat ang oras. It's nearly one A.M. Now he needed rest.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Roman pour AdolescentsGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
