Dahil sa mga nangyari ay naging ka-close ni Evelyn si Alejandro. Pagpasok nila kinabukasan nun ay inulan sila ng maraming mga tanong kung bakit pareho silang absent kahapon.
Evelyn said that she was attacked by abdominal pains. Si Alejandro naman ay sinabing may importante itong inasikaso. Napaniwala naman nila kaagad ang mga kaklase nila. Si Tristan ay tahimik na lang. Ito lang nakakaalam kung bakit sila wala kahapon.
*****
Araw ng Sabado at kailangang mag-meet nina Evelyn at Alejandro. May interclass competition kasi next week. At bilang mga officers, sila ang naatasang mag-isip ng gagawin nila sa competition.
It is the last week of October and in celebration of the United Nations and Cultural month, each class was given the whole week to make their classrooms as exhibit rooms that will present different countries all over the world.
Evelyn grabbed her sling bag and hurried downstairs. Malilate na siya sa usapan nila ni Alejandro. Nadatnan niya ang nanay niya na nanonood sa sala.
"Mom. Lalabas ako. Gagabihin ako sa bahay ng kaklase."
"Ok. Mag-iingat ka. Anyway, bakit hindi mo hintayin ang daddy mo to drop you sa pupuntahan mo."
"Kahit huwag na po mommy. Baka iba ang route niya."
"Bakit saan ba ang lakad mo?" bungad ng ama niya na kabababa lang ng hagdan. Lumapit dito ang mommy niya para ayusin ang neck tie nito.
"Sa Anchor Dad."
"Doon din ang punta ko. May appointment ako doon. Sabag ka na sa akin."
Habang nasa biyahe ay kinukuwentuhan siya ng Dad niya ng mga bagay tungkol sa business nito. Though she is not yet interested, she tried to listen because he is very eager to share with her his success.
She really admires him. He is very humble. Kailanman ay hindi ito nagyabang sa kung anong meron ito. What she loves the most about him is that, he never boasted his richness. Ang ipinagyayabang lang nito ay ang pagkakaroon nito ng napakabuting asawa and loving children. Noong nalaman niyang hindi sila fully na magkapatid ni kuya Bryll ay hindi siya nadismaya. Because their Dad made him an exact replica of himself. Kahit hindi magkamukha ang mga ito ay parehong pareho naman ng values at attitudes.
"Mag-iingat ka." sabi sa kanya ng Daddy niya nang marating nila ang mall.
"Yes Dad.Thank you. Ikaw din." Hinalikan niya ito sa pisngi bago bumaba ng sasakyan.
"I love you Dad."
"I love you too sweetheart."
*****
"You're late." anang matigas na boses pagkarating ni Evelyn sa meeting place nila.
Lumapit pa siya kay Alejandro at binalewala ang galit nitong aura. Kinuha niya ang isa nitong kamay. "Legggggoo!"
Hindi ito natinag at hinila ang kamay mula sa kanyang pagkahawak.
"I said you're late!"
"Alam ko na iyon kaya tara na."
Mas lalong dumilim ang anyo nito. "You supposed to say sorry for stealing my time."
Natigilan siya at napahiya sa narinig. May punto naman kasi talaga ito.
"I'm sorry I'm late." sabi niya. She really meant it.
"Ok." Ito na ang humila sa kamay niya. "Let's go."
She really can't understand him. Napakaunpredictable nitong tao.
Nagpatianod na lang siya. Pumasok sila sa national bookstore at bumili ito ng sketch pad. Pagkatapos nun ay niyaya niya itong pumunta sa department store.
Tahimik na tahimik ito habang itinutulak ang cart. Hindi ito nagrereklamo kahit ano-anong mga bagay ang inilalagay niya.
Puno na ng mga chips, biscuits, cookies, at softdrinks ang cart nang makarating sila sa counter. At ito ang nagbayad ng lahat.
*****
Pagkatapos nilang bilhin ang lahat ng kakailanganin nila sa project ay dumiretso na sila kina Alejandro.
"Wait for me here." anito at akmang aakyat ng hagdanan nang biglang bumukas ang main door.
Iniluwa nun sina Alex at Xeira. May dala ding items ang mga ito kagaya ng mga dala nila.
"What are you doing here?" iritadong bati ni Alejandro.
Ngiti ang isinagot ni Alex. Si Xeira naman ay inignora ang boyfriend at ngumiti sa kanya.
"Gagawa kami ng project." wika ni Alex.
"Evelyn." sabi ni Alejandro nang bumaling sa kanya. "Follow me."
Kinuha ni Evelyn ang lahat ng binili nila at sumunod sa lalaki. Nagsenyasan lang sila nina Alex at Xeira habang pasunod siya kay Alejandro.
"Don't mind him." She silently mouthed. Alex and Xeira just smiled.
"You're so rude." Hindi niya mapigilang sermon kay Alejandro pagkapasok nila sa kuwarto nito.
"I know."
"Bakit ba kasi?"
"It's none of your business."
"Girlfriend at kapatid mo ang mga iyon."
"So?"
"OMG! You're jealous!?"
"Bakit? Ikaw ba hindi?"
Ah. Jelly nga. Napatagalog ng wala sa oras.
"Hindi ako nagseselos. I trust them both. And I believe, they trust us also." sagot niya.
"Me too. I'm just annoyed, ok?"
Ok. Annoyed daw siya. Eh di, oo na lang.
"Bakit annoyed ka na naman?" Hindi niya mapigilang tanungin.
"One more word from you and I will kick you out from this house."
Oh sige. Gawin mo para wala kang katulong sa gagawin natin..
Natatawa na lang niyang inilapag ang mga dala sa niya sahig at napahiga sa kama nito.
"What are you doing?" gulat na tanong nito.
"Duh? Nakahiga. Ano pa?"
"I know." sikmat nito sa kanya. "Who told you to lie down on my bed?"
"Hayaan mo muna ako. I'm tired. Mamaya muna tayo magsimula."
"No." Lumapit ito sa kanya at hinila ang kamay. "Get up."
Of course, hindi siya basta basta magpapahila dito. She withdrew her hand with force. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya tuluyan niya itong nahila at pumaibabaw sa kanya.
"Ouch!" reklamo niya.
He immediately rolled his body at humiga rin sa tabi niya.
Their feet are touching the floor while they are looking at the ceiling. Pareho silanh pagod kaya nanatili sila ganoong posisyon.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Fiksi RemajaGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...