Clue 35: The Alejandro Phenomenom

829 46 0
                                        

"Kumusta ang date niyo ni kuya gov?" nanunuksong bungad sa akin ni Erika nang madatnan ko sila ni Chantal sa paborito naming tambayan sa school canteen. Maging si Chantal ay all ears sa sagot ko sa tanong ng walang hiya naming kaibigan.

"Why do you care?"

"Ay, ang suplada mother. May nangyari na ba?"

"Erika, yang bibig mo!" nanggilalas na wika ni Chantal.

"Bakit may nasabi na naman ba akong nakakasundot ng puri mo? Napapansin ko lang Chantal na madalas na yatang pinoproblema mo itong bibig ko ah."

"We both know very well kung saan ang patutunguhan ng pagtatanong mo kay Evelyn na iyan."

Tahimik akong napaupo at napabuntong-hininga. Napapailing na lang ako sa pagtatalo ng dalawa. Atleast, hindi sarili kong buhay ang kanilang pinag-uusapan.

"At ano naman ngayon ang gusto mong tumbukin? Tinatanong ko lang naman si Evelyn kung ano ang nangyari sa kanilang date ah. Hindi naman siguro malisyoso ang tanong kong iyon."

"Iba ang connotation sa akin ng pagtanong mo kanina."

"Gosh! You're so green Chantal. Ni hindi ka pa nga nagkakaboyfriend."

"Ikaw ang green-minded Erika."

"I'm not. I just want to ask Evelyn if she did it with Alejandro."

Napatutop ako ng aking bibig sa sinabing iyon ni Erika. Nakakadiri talaga kahit kailan ang isang ito.

"Yan na nanggaling na mismo sa sarili mong bibig ang kabastusan mo."

"My God Chantal. What I mean with doing 'it' is doing the date. You're really green."

Kung ibang tao siguro ang nakakarinig sa mga ito ay mapagkakamalan ang mga itong nag-aaway. Well, ganyan naman ang dalawang iyan. Hindi makakapag-usap kung hindi nagsisigawan.

"Huwag mo ng ikaila pa. Hindi naman iyon ang gusto mong tanungin."

Inirapan ni Erika si Chantal at napabaling sa akin. "Ano na Evelyn, may nangyari ba?"

"Nangyaring ano?"Balik tanong ko sa kanya.

"You know what I mean."

"Gaga ka talaga Erika. Mga bata pa tayo sa mga ganyang usapan. At isa pa, friendly date lang naman ang nangyari sa amin. Nanood lang naman kami ng sine at kumain lang sa labas.Si Xeira ang tanungin mo kung may nangyari na ba sa kanila."

"Sayang."hinayang na hinayang si Erika nang mapasandal ito sa kinauupuan nito.

"Anong sayang doon?" muli ay singit ni Chantal.

"Basta, gusto ko lang naman malaman kung malaki si Alejandro."

Napanganga ako sa lumalabas sa bibig ni Erika. She must be really crazy.

"What the hell Erika! Tumigil ka nga."

"Hay naku Chantal. Kahit kailan talaga."

"Ikaw ba Erika ay may pagnanasa sa pinsan kong iyon?"

"Wala. Eww! May Yael na ako noh?"

"Eh, bakit hinayang na hinayang ka dahil walang chance para sa iyong malaman ang size ng uhm, ano ni Andro."

"Wala lang. Para kasing maliit."

"Hoy babae! Malaki ang ano nina Andro at Alex noh?"

"Paano ka nakakasiguro? Nakita mo na ba?"

"They're my cousins.Natural lang na" natigil ito sa pagtalak at napatingin sa akin. "Evelyn, tell her that my cousin has a large-"

Napaangat ako ng tingin at napansing naghihintay ng kasagutan ang mga asungot kong kaibigan. Hindi ko inaasahan ang susunod na lumabas sa aking bibig. "I guess so."

"Oh my God! I told you Chantal, may nangyari na sa kanila."

"Evelyn, is that true?"

"Mga walang kuwenta! Paanong may nangyari sa amin eh hindi naman kami magdyowa. At isa pa ang babata pa natin. Tumigil nga kayo."

Natahimik ang mga ito at napatingin sa isa't-isa.

"Paano mo nalamang malaki ang ano ni Andro?" Hindi pa rin natitinag si Erika sa tanong nito.

"I saw it." Natutop ko ang aking bibig. Nahawa na yata ako sa kabastusan ni Erika.

"What the! Totoo? Paano? Kailan?"

Sunod-sunod na mga tanong ang ibinato sa akin nina Erika at Chantal. Wala na akong nagawa kaya ikinuwento ko sa kanila ang nangyari noong binihisan ko si Alejandro nang magkasakit ito last sem break.

Marami pang tanong ang sumunod na kailangan kong sagutin in details. Na ano daw ang ginagawa ko sa bahay nina Alejandro sa panahong iyon? Bakit daw kami magkasama? Alam daw ba ni Alex ang sekreto naming pagkakasarinlan? Alam din daw ba ni Xeira? At kung anu-ano pang nakakairitang mga tanong. Sinabi ko na lang sa kanila kung ano ang totoo.

*****

"Can I leave you for a while?"

Napaangat ang aking tingin kay Alex. Nakatayo ito habang nakatunghay sa akin. Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga at saka bumulong. "Isasayaw ko lang si Xeira."

Nginitian ko siya at saka tumango. Napansin ko lamang na lumapit siya kina Xeira at Alejandro.

Hinarap nito ang kakambal at nagpaalam kung puwedeng isayaw si Xeira. Tahimik lang na tumango ang kakambal nito.

Naiwan kami ni Alejandro sa aming table. JS Prom pala ngayon. Alexander is my date. Samantalang sina Alejandro at Xeira naman ang magkapareha. Si Yael ang date ni Erika at si Tristan naman ang date ni Chantal.

Ukupado namin lahat ang isang table. Pero sa pagkakataong iyon ay naiwan kami ni Alejandro. Lumabas kasi sina Chantal at Tristan. Sina Yael at Erika na hindi nagkahiwalay mula ng magsimula ang programa ay nasa dance floor pa din.

Tahimik kong sinulyapan si Alejandro. Hindi ko inaaasahang mahuli siyang nakatingin sa akin. Pasimple siyang umiwas ng tingin. Itinoun na lamang niya ang pansin kina Xeira at Alexander na waring mag-asawa sa sobrang pagkakayakap ng mga ito sa isa't-isa.

Nang ibalik ko ang tingin sa kasama ko ay napansin kong nakatingin din siya kina Xeira. Maya-maya ay tumayo ito.

Akala ko ay aalis na siya pero bigla siyang lumapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay. "Let's dance."

Ngumiti ako at tahimik na nagpahila sa kanya. Pagkarating namin sa dance floor ay saktong nagpalit ang tugtog. It was an old country song 'It's your love' sung by the couple Tim Mcgraw and Faith Hill. Kasabay ng pahapit ni Alejandro sa aking baywang ay ang pagpulupot ng aking kamay sa kanyang leeg. Sinimulan naming sumabay sa saliw ng musika.


John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon