Maaliwalas ang paligid. Mataas na ang araw pero ang sinag niyon ay hindi pa masakit sa balat. The white sands are as if shining when kissed by the rays of the sun.
Mangasul-ngasul ang tubig sa karagatan. Marahang hinahalikan ng maliliit na alon ang mga puting buhangin sa dalampasigan. Napakatahimik ng paligid. Tanging ang alon at ang pagaspas ng mabining hangin sa mga dahon ng mga punong malapit sa dalampasigan ang maririinig.
The place is so serene, full of beauty and grandeur. Birhen pa ang isla dahil malayo ito sa mga tao at kailanman ay hindi pa umabot ang mga basura.
Kasabay ng katahimikan at himbing ng paligid ay may katawang nakasadsad sa dalampasigan. Marahang inaanod iyon ng mumunting alon. Gutay gutay ang mga damit nito at ang mukha ay nakasubsob sa buhanginan. Maya-maya ay gumalaw ang katawan.
Tila nagising sa isang mahabang panaginip na napadilat si Evelyn. Nagulat siya sa nasilayang scenery. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganoon kagandang lugar.
Napaupo siya sa buhanginan. Ang kanyang amazement sa lugar ay biglang napalitan ng kaba. Anong ginagawa niya sa gilid ng dagat? Mag-isa siya at ang kanyang mga damit ay tila naging basahan. Basang-basa rin ang buo niyang katawan mula ulo hanggang paa.
Biglang nagflash sa kanyang ala-ala kung ano ang nangyari. Naalala niya ang nangyari sa sinakyan niyang ferry boat. Parang sumabog iyon bago siya nawalan ng malay. Mabuti naman at nakaligtas siya sa aksidente. Pero anong gagawin niya ngayon? Tila mag-isa lang niyang napadpad sa lugar na iyon.
Tumayo siya. Doon niya naramdaman ang sakit ng kanyang katawan na tila siya nabugbog ng todo. Nagsimula siyang maglakad sa dalampasigan. She needs to check kung may kasama siyang napadpad sa lugar na iyon.
Pero lumipas ang isang oras at wala pa rin siyang makitang mga tao. Bigla siyang kinabahan. Ano nang gagawin niya ngayon? Buti pa sana kung may mapadpad na mga rescuers doon. Mapapaiyak yata siya ng wala sa oras. How can she survive now? Nakakaramdam pa naman siya ng uhaw.
Muli siyang naupo at napatingin sa kailangitan. Napakaaliwalas ng panahon. Napakaganda ng langit. Pero, wala siyang time na maamaze sa kagandahan mg paligid. Kailangan niyang magsurvive.
Nang magbaba siya ng tingin ay napansin niya ang tila palutang-lutang sa dalampasigan. Kinakabahan siyang lumapit doon.
To her delight, tao ang kanyang nakita. Pero hindi niya alam kung buhay pa ito o hindi. Dinama niya ang pulso nito. She sighed in relief when she felt his pulse.
Maingat niya itong hinila ito. Hindi na siya nagdalawang-isip na i mouth to mouth resuscitation ito. Nabigla siya. Nang ilapat niya ang kanyangbl bibig sa bibig ng lalaki ay saka niya napansin ang pamilyar na mukha nito. Mas lalo siyang kinabahan.
Muli niyang ineksamin ang mukha nito. Hindi siya nagkamali. Si John Alejandro ang kasama niya sa isla na iyon. Napabuntong-hininga siya. All she wanted to do is to go away to think for herself. At umiwas kay Alejandro. Pero, ang nangyayari ngayon ay hindi niya alam. Bakit, of all people ay si Alejandro ang kasama niya ngayon?
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Novela JuvenilGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...