Clue 24: Nursing Mister Invincible

921 69 0
                                    

**Evelyn POV**

Hay naku! Nakakabagot!

Ilang kilo na naman kaya ang nadagdag sa akin.. Pikit mata kong isunubo ang kahuli-hulihang chicharongnasa aking plato..

Sawa na ako sa mga mamantikang pagkain na halos kaulayaw ko noong nagsimula pa ang sembreak..

Ano naman ba kasi ang gagawin kung hindi kumain, matulog, at manood..

"Dinggin ang awiting nagsasabing bumangon.."

Wow! May tumatawag.. First time..

Awit na para sa mga pusong nadapa..

"Hello.." excited kong sagot.. Once in a blue moon kasi akong tawagin ni Alejandro..

"I'm sick.. Please help.."

Sabi ko na ba at may kailangan na naman ito sa akin kaya napatawag..

Saka ko na lang narinig ang tunog ng pagbagsak.. Doon na ako nagsimulang kinabahan..

"Alejandro.. Alejandro.."paulit-ulit kong tawag sa kanya pero hindi na siya sumasagot..

Agad kong pinutol ang tawag at dumiretso ako sa aking kuwarto..Inayos ko ang aking sarili saka mabilis na lumabas ng bahay para puntahan si Alejandro..

Pagkarating ko sa kanilang subdivision ay patakbo akong pumunta sa kanilang bahay.. Ilang beses akong nagdoorbell pero walang nagbubukas ng door..

Nang subukan kong pihitin ang door knob ay nagtwist iyon.. The door is not locked.. Agad-agad akong pumasok sa loob..

Sumalubong sa akin ang napakatahimik na paligid..

"Alejandro!"

"Kuya gov.."

Ilang beses ko siyang tinawag sa iba't-ibang mga pangalan pero walang sumasagot.. Pati mga katulong ay wala akong makita..

Hinanap ko siya sa kanilang sala... sa kanilang kusina.. But he's no where to find..

Saka na ako dumiretso sa kanyang kuwarto.. At nabigla ako sa aking nasaksihan..

Alejandro is lying on the floor.. Unconcious.. And he's wearing nothing except the piece of towel wrapped around his waist!

Gosh! What am I going to do?.. I don't think I can carry him..

Dahan-dahan kong ihinakbang ang aking mga paa palapit sa kanyang kinaroroonan..

I kneeled before him and tried to wake him up but he is not even responding..

Saka ko naramdaman ang nag-aapoy niyang lagnat.. Gosh!

Muli ko siyang tiningnan at nag-isip ng kung anong puwede kong gawin.. Sa huli, napagdesisyonan kong ilipat siya sa kama..

Pagkatapos kong siguraduhin na mahigpit ang magkakabuhol ng tuwalya sa kanyang baywang ay sinubukan ko siyang itayo..

With all my power, my might, and my strength ay nailipat ko siya sa kama sa loob ng isang milenyo..

Nakahinga ako ng maluwag dahil mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog at ang tuwalya sa kanyang baywang ay hindi natanggal..

I exercised my arms na nangalay sa pagbuhat sa kanya.. Grabe kasi ang bigat niya.. Dugo't pawis ang inialay ko mailipat lang siya sa kanyang kama..

I sat on his bed and rest for a while before starting to take care of him..

Sinubukan ko ulit na bumaba to check kung may puwedeng hingan ng tulong na maglalagay ng damit sa kanya pero wala akong nahagilap.. Talagang mag-isa nga ni Alejandro ngayon..

Muli akong bumalik sa kanyang kuwarto.. Mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog.. Sinubukan ko siyang gisingin para siya na ang kusang magdamit pero hindi pa rin siya nagigising..

I took a deep breathe before looking at him again and decide on my own.. Kailangang ako ang magsuot ng damit sa kanya..

Dahan-dahan akong pumasok sa kanyang walk-in closet.. Hinanap ko ang lalagyan ng kanyang mga underwear.. Nang madatnan ko ay bigla akong natigilan.. Halos wala ng naitatago sa akin ni Alejandro.. I'm invading his privacy!

Muli akong lumabas ng closet na nagbibreathe-in breathe-out.. Napansin kong nanginginig siya at umuungol.. Nilalamig na yata..

Muli akong pumasok ss kanyang closet.. This time, walang ala-alanganin.. Pikit-mata akong dumukot ng isang brief sa mga kinanalalagyan ng mga iyon.. Saka ako kumuha ng isang pares ng kanyang pajama at bumalik na sa kanyang kama..

Nanginginig pa rin siya pero hindi na siya umuungol.. Ch-in-eck ko pa rin ang pagkakabuhol ng kanyang tuwalya saka ko kinuha ang kanyang brief at sinimulang ipasout sa kanya.. White Calvin Klein pa ang napili ko.. Medyo napangiti ako sa aking naisip..

Pikit-mata kong itinaas ang brief mula sa kanyang paa hanggang sa kanyang hita.. Dahan-dahan.. Bigla akong napatigil nang makita ko ang kanyang mukha.. This time he is sleeping soundly.. Ang amu-amo ng kanyang mukha.. Walang trace ng kasungitan dito.. He's very different when he is asleep..

Inilapit ko ang aking mukha sa kanya para mapagmasdan siya ng husto.. Napakagat ako ng labi ng marealize ko kung ano ang aking ginagawa.. Napasigaw ako nang mapansing napataas pala ang aking mga kamay at nasa forbidden spot ang mga iyon.. Mabilis kong inilayo ang aking kamay sa kuwan niya at lumabas ako ng kanyang silid na nagsisisigaw..

Biglang uminit ang boung paligid.. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig.. Ang init-init ng aking pakiramdam na parang ako ang nagkalagnat.. Sunod-sunod kong nilagok ang laman ng baso pero parang mainit pa rin..

Hay..

Muli akong bumalik sa kuwarto ni Alejandro.. Mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog.. Wala siyang kaalam-alam sa krimeng aking nagawa..Hay, ano ba kasing kademonyuhan ang nagawa ng aking mga kamay kanina..

Lumapit ako sa kanya at pilit na itinuloy ang naantalang pagpapasout sa kanya ng damit.. Dali-dali kong itinaas ang kanyang brief at isinunod kaagad ang kanyang pajama.. Kinumutan ko siya bago ako bumaba sa kusina to check kung ano ang puwedeng iluto..

I browse the net on my phone kung ano ang puwedengiluto para sa nilalagnat.. Pagkatapos piliin ang kaya kong iluto ay hinanap ko ang mga kakailanganing sangkap.. Buti naman at kumpleto ang mga iyon.. Nakapagluto ako kaagad.. Bahala na si Alejandrong kumain pag nagising siya..

Saka ko na lang naisip ang oras bigla.. Nang mapatingin ako sa screen ng aking cellphone ay nagulat ako nang makitaang 8:30 na pala ng gabi..

Umupo ako saglit at inisip kung ano ang aking gagawin.. Uuwi pa ba ako? Sino naman ang mag-aasikaso kay Alejandro kung umuwi ako sakali?.. Hay bahala na..

Muli akong bumalik sa kanyang kuwarto.. Lumapit ako sa kanyang kama at umupo sa gilid nun.. Matagal ko ring napagmasdan ang kanyang mukha nang bigla akong antukin..

Maingat akong tumabi sa kanya at nakihiga sa kanyang kama.. Unti-unti ay tinangay ako ng antok at nakitulog na lang kay Alejandro..

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon