Clue 27: Knowing each other deeply

824 64 0
                                        

**Andro POV**

After doing crazy stuffs together, Evelyn invited me at their house. For the second time, we rode a jeepney. Bumaba kami sa labasan ng kanilang subdivision at naglakad.

"Baka naiinis ka na sa akin. I let you walk." wika niya sa akin.

"Hindi naman ako nagrereklamo. And one more thing, I like walking."

"Magkaibang-magkaiba nga kayo ni Alex. He doesn't ride a jeepney and he hates walking."

"Yeah. But he is more patient than me." I told her in my twin's defense.

"Napan—." Natigilan siya dahil biglang bumuhos ang ulan. "Ay shucks!"

We ranto look for a shade. Nang wala kaming mahanapan ay hinayaan na lang naming maglakad sa ilalim ng malakas na ulan. Nagsimula na rin kaming mabasa.

"Dalian mo." Evelyn said grabbing my arm and pulling me to follow her.

"Wait, we're already wet. Why don't we enjoy the rain?"

She let go of my hand and looked at me intently. "Are you sure?"

"Hmmm."

"Mababasa ang cellphones natin."

"No problem. Mine is waterproof."

Tumuwa siya ng mahina. "Oo nga. Pati pala yung akin."

Ilang sandali na lang ay naglalaro na kami sa ulan.

*****

**Evelyn POV**

"Here, use these." Iniabot ko kay kuya gov ang shirt at jersey short ni Kuya Bryll na nakuha ko sa kuwarto nito. Katatapos naming maligo. Nang makarating kasi kami dito sa amin ay pareho kaming basang-basa ng ulan. I let him used my brother's bathroom habang ginamit ko naman ang sarili kong banyo. Laking gulat ko lang kanina nang bumaliksiya sa aking kuwarto na tuwalya lang ang nakatapis sa kanya. Doon na ako lumabas para tumingin ng mga damit ng kuya ko na puwede niyang isout.

"Thanks." mahina niyang usal at inabot ang mga damit. "Doon ka na sa banyo magbihis."

Tahimik siyang tumalima. Que horror naman itong si Alejandro. Palagi ba namang ibinabandera ang magagandang abs niya sa akin. Alam niya sanang hindi pa ako sanay na nakikita siyang nakahubad. Baka makagawa pa ako ng hindi kaaya-aya.

Bumukas ang banyo. Lumabas si Alejandro na nakatapis pa rin ng tuwalya.

"You forgot something." nahihiya niyang sambit.

"What?" Bago pa gumana ang aking isip ay nasabi na niya ang kailangan niya.

"I need b-briefs too. Basa na rin kasi yung sout ko kanina.If you don't mind. Masakit kasi sa ano.. pag diretsong isout yung shorts without any underwear."

Hay naku! Ang morbid naman nitong magsalita. Eh di, sabihin niya lang na kailangan niya ng brief. Hindi iyong marami pa siyang sinasabi. Hindi na tuloy kumportable ang atmosphere.

"Ok, wait here."

Dali-dali akong bumalik sa kuwarto ng aking kapatid. Naghanap ako ng puwedeng maisout ni Alejandro. Ilang sandali na lang ay may nahanap akong medyo bagong Bench na boxer brief. Pagbalik ko sa aking kuwarto ay nadatnan ko siyang nakaupo sa aking kama. Ibinigay ko sa kanya ang boxer brief.

"Pagtiyagahan mo muna iyan. Alam kong hindi Bench ang brand mo."

"What do I wear then?" tanong niya na siyang nagpainit ng aking pakiramdam. Ang blanko nitong expression ay napalitan ng pagkapilyo. May itinatago pala siyang ganoon.

"Duh? As if hindi ko alam,  yours are Calvins."

"How did you know?"punong-puno ng kapilyuhan ang kanyang mga mata.

"Ano bang klaseng tanong iyan? Siyempre ako ang nagbihis sa iyo nung nagkasakitka."

"You inspected and ogled my closet?"

"Hoy, wag kang magbintang! Balik ka na doon sa loob ng banyo at magdamit ka na. Shooo!"

Isang tumataginting na tawa ang naging sagot niya. Such a music to my ears. Silly Alejandro.

Grabe, nakakakonsensiya na to. Halos lahat na lang ng tungkol kay Alejandro ay alam ko. Samantalang ang boyfriend kong si Alexander ay konti lang ang alam ko tungkol dito. I don't even know what sort of underwears he is wearing. I haven't seen him naked in front of me. I haven't played with him in the rain. Haven't rode jeepneys together. Haven't slept with him.

Samantalang kay Alejandro ay nagawa ko na ang lahat ng mga iyon na kung tutuusin ay para sa mga magnobyo. Feeling ko tuloy si Alejandro ang boyfriend ko. Ahhhhhh! Something's wrong with me. Terribly wrong!

*****

"Alejandro, anong nangyayari sa iyo?"tanong ko sa kanya. We are watching Despicable me 2 when he began scratching his body.

Large rashes began to appear on his hands and face.

"They're nothing."sagot niya pero hindi pa rin tumigil sa pagkamot.

"That's impossible!" bulalas ko nang itaas ko ang kanyang shirt. He has many rashes all over his body. At alam kong makati ang mga ito dahil hindi siya tumigil sa pagkamot. "God, Alejandro, ano ang mga iyan?"

"Some sort of allergy."

"Allergy?" Natigilan ako at pilit inisip kung ano ang nakain namin kanina. Biglang nag-appear sa aking utak ang sugpo na kinain namin kanina sa seafood restaurant. "It's the prawn right? Yung sugpo ang allergy mo?"

"Yes."He admitted guiltily.

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Di sana'y hindi ka nagkaganyan."

"This is nothing Evelyn."

"Nothing?"galit kong sikmat sa kanya. Nagsimula na ring lumandas ang mga luha sa aking mga mata. "This is serious Alejandro. Tingnan mo ang nangyayari sa iyo. Paano kong ikamatay mo iyan."

"I'm sorry Evelyn." sabi niya sa mababang boses. "And please stop crying. Mamaya o bukas ay mawawala din ito."

Lumapit siya sa akin at nabigla sa kanyang ginawa. He hugged me tenderly kahit siya ang nagkaallergy.

"Stop crying, will you? Hindi ko ikakamatay ang allergy lang."

"Then, what are we going to do now?" tanong ko habang yakap-yakap niya pa rin ako.

"Sa tingin ko ay wala."He answered in his most tender voice. "The last time I had my allergy, I just slept and the next morning, they're already gone."

"Are you sure? Paano ka makakatulog niyan eh, parang makati naman ang mga iyan."

"Believe me, I can, Ok?"

Nang sumapit nga ang umaga ay nawala na ang mga rashes sa kanyang katawan. Itinuloy pa rin namin ang bakasyon na kasama ang isa't-isa. Marami akong natutunan sa kanya at ewan ko kung may natutunan siya sa akin. Marami rin akong nalamang mga bagay-bagay about him. His favorite fruit's orange. Prawn's his allergy. He has a musical laugh. Marami siyang hindi mabigkas na tagalog words. At marami pang iba. Tanungin ko nga rin siya minsan kung ano ang nalaman niya tungkol sa akin.

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon