Clue 37: Bitter-sweet goodbyes

832 48 5
                                    

"Evelyn, bumaba ka na diyan. Naghihintay na ang daddy mo sa kotse."

"Saglit lang ho."

Muli kong sinipat ang aking sarili sa salamin ng huling beses bago ako lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdanan.

Mom is waiting patiently downstairs."Ano bang nagpatagal sa iyo? Baka malate tayo sa graduation ceremony niyo."

"Mommy naman, alas seis pa. 7:30 magstart ang parade, remember?"

"Oo na." mom said while laughing. Dumiretso na kami sa garahe kung saan naghihintay si Dad sa amin.

Agad kong inilibot ang aking paningin pagdating ko sa school. Pagkaraan lang ng ilang sandali ay nakita ko na ang aking hinahanap.

Sinipat ko ang hawak-hawak kong munting box. It is a graduationgift for Alejandro. Nabigyan ko na lahat ang mga kaibigan namin. Si Alejandro lang ang hindi ko pa nabibigyan. Ang hirap kasing mag-isip kung ano ang ireregalo sa kanya. Yan tuloy, ngayon ko lang ibibigay ito.

Pagkatapos magpaalam sa aking mga magulang ay tahimik akong lumapit sa kinaroroonan ni Alejandro. Kasama nito si Yael at tila may importante ang mga itong pinag-uusapan.

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang aking pangalan.

"What are your plans now?" tanong kay Alejandro ni Yael. "I mean, ano ba talaga si Evelyn sa iyo? Are you feeling something for her?"

Bigla akong kinabahan sa tinutumbok ng kanilang pag-uusap. Gusto kong lumayo sa kanila. Pero may bahagi ng aking pagkatao ang naghihintay ng kasagutan sa tanong na iyon ni Yael. Ipinikit ko ang aking mata at sinunod ang bugso ng aking damdamin.

"I love my girlfriend Xeira."

Parang may kung anong biglang tumusok sa aking dibdib. Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Alejandro. Hindi naman iyon ang sagot sa tanong ni Yael.

"From the beginning, it has always been Xeira. She was the one I love."

Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung bakit masakit na marinig ang mga iyon mula sa bibig ni Alejandro. Mas masakit pa ito kaysa naramdaman kong sakit noong nalaman kong hindi ko boung kapatid si Kuya Bryll.

I was about to step back when I heard my name again.

"Si Evelyn, she has always been a good friend. She's the first different girl I've met. It has always been a challenge for me to be with her."

Tila ako binugbog ng sampung beses sa aking narinig. Isa lang pala akong challenge kay Alejandro. Bigla kong naramdaman na nanunubig na pala ang aking mga mata.

"Evelyn is the exact opposite of my ideal girl. She's annoying, she's loud, she's very immature. And I really hate that about her.Ayoko siyang makasama. Ayoko siyang maging kaibigan. Sinasamahan ko lang naman siya to experience the life of being with her likes."

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Hindi ko na napansin nang malaglag mula sa aking kamay ang hawak-hawak kong regalo. Tumalikod na ako at dumiretso sa pinakamalapit na CR. Pumasok ako sa isang cubicle at ibinuhos ang lahat ng aking damdamin. Lumabas lang ako sa CR nang marinig ang announcement na magsisimula na ang parade of graduates.

I tried to be fine as I can. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng aking mga magulang na tila walang nangyari.

"Where have you been?" nag-aalalang tanong sa akin ni Dad. "Your friends are looking for you. Nauna na sila sa pila."

"Sa CR lang po Dad.Let's go."

Pagkatapos humalik ang Daddy kay Mom ay dumiretso na kaming dalawa sa pila. Pinilit kong ngumiti at bumati sa aking mga kaibigan nang makita ko ang mga ito sa pila. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Sa boung durasyon ng programa ay makakatabi ko si Yael sa kadahilanang letter S magsisimula ang aming mga surnames. Maging ang kambal at si Chantal ay medyo malapit rin sa aking mauupuan.

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon