Clue 14

969 73 0
                                        

"Class, we will be having an argument today in relation to our new topic." panimula ni Mrs. Alipio pagkapasok nito sa klase nila ng values education. "We will be talking about 'love, if it is worth fighting for or not." Napasipol ang mga kalalakihan sa narinig ang mga kababaihan naman ay tila kilig na kilig.


Nahati sila sa dalawang grupo. Ang isa ay sa 'love is not worth fighting for' habang ang kina Evelyn naman ay 'love is worth fighting for'.

Hindi na sana siya magsasalita pero pinatayo siya ng mga kagrupo niya.

"Of course I believe that love is worth fighting for." panimula niya. "First of all, people cannot live without love. Kailangan nilang kumilos para maghanap ng mamahalin. Kung uupo ka lang sa isang tabi at hindi ito hahanapin, ikaw ang mawawalan. You need to find love and fight for it."

Umupo na siya. Sapat na sa kanyang may nasabi siya.

"Ok. Thanks Miss Salvosa." sabi ni Maam Alipio. "Mr. Veneracion, what can you say about what Ms. Salvosa said?"

Napatingin siya kay Alejandro at nabigla siya tumayo pa ito. Hay naku! Kokontra na naman ito.

"I disagree with Ms. Salvosa." sabi nito na tila maling-mali ang sinabi niya. "First of all, people can live without love as long as he has the necessities for survival." Tumawa ang klase sa sinabi nito.

Tumayo siya dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Very technical.

"Of course, human can survive as long as he has all the basic needs. But what about his happiness? Kumpleto nga siya sa lahat, kung walang pagmamahal sa kanya, walang saysay na ang buhay niya. Love gives meaning to our lives. Kailangan ng tao iyon. At kailangan niyang ipaglaban iyon."

"Yes, you're right. People needs love to survive but he doesn't need to fight for it. Let love find him." kontra pa din nito.

"Mali ka pa rin Veneracion." Naramdaman na niya na ang tensiyon sa classroom. Natahimik ang lahat at pilit na nakikinig sa palitan nila ng mga salita ni Alejandro Veneracion. "Ang tao ang siyang gumagawa ng kanyang destiny. Siya ang kumikilos para magwork-out ang love sa buhay niya. Take those arranged marriages as examples. Dahil hindi nila ipinaglaban ang kanilang mga karapatan ay maraming nagreresulta sa hiwalayan. Ang mga broken families, di ba ang dahilan ng mga iyon ay dahil mali sila ng napangasawa. Tayo ang nagdedesisyon at kumikilos para mahanap ang totoong pagmamahal."

"That's a big no. Destiny makes people, It's not the other way around. Why do you need to fight for love when you know that it will lead you to your own destruction. Because of love, many problems arose. It even led to war."

"Love is still worth fighting for. I believe it because even my parents fought for their love. At ngayon, they're living happily and contended with what they have. Kailangan pa rin nating mabuhay at ipaglaban ang nararamdaman natin. Before it's too late. Maraming nagpapakamatay at namamatay because of regrets and loneliness. And that's because, in mu opinion, they did not fight for what they feel."

"I still stand on my ground. Love is not worth fighting for. What happened to Romeo and Juliet? They fought for love and it took their lives away. Cleopatra and Mark Anthony? Love led to their destruction. What about Paris and Helen? They fought for love and what happened? It brought a great war that led to the destruction of Troy. There are more concrete examples in history and in the books that will prove that love is not worth fighting for. My point is that, if you really love someone, wait for the right time for that someone to be with you. Don't fight for love, let love fight for you. As they say, kung kayo, kayo talaga."

For the nth time, hindi naman siya nakasagot. Malay ba niyang supalpalin siya ng history at mga nababasa sa libro.

"Actually," sabi ni Ma'am Alipio. "Depende sa tao kung ano ang kanyang paniniwalaan. In the case of Evelyn, she believes that person makes their own destiny. On the other hand, John Alejandro believes that two people are destined for each other and love works in its own. Lahat tayo ay may iba't-ibang pamantayan sa pag-ibig. Nasa sa atin na kung anong hakbang ang gagawin natin. It is in our nature to move for love and to be moved by it. To gain our genuine happiness, we must remember the magic of love. It works in mysterious ways but sometimes it let us to search for it. In our own journeys, we must remember that for us to move forward, the greatest password is love. It is the greatest gift given to us by our Father from above."

*****

Isang gabi, busyng-busy si Evelyn sa pagtulong sa mommy nila sa kusina nang bigla silang mabulanog sa pagdating ni Kuya Bryll na galit na galit at umiiyak.

She thought it was about Ate Alexa, his girlfriend. Pero maling-mali siya.

Nagulat siya nang tanungin nito ang kanilang mga magulang kung sino ang totoo nitong ama.

Gumuho ang mundo niya nang aminin ng mommy nila magkaiba silang magkapatid ng ama.


Saglit lang na tumahimik si Kuya Bryll bago tumalikod at umalis na bahay.

Nang makaalis ito ay nagsimulang ikuwento sa kanya ng Daddy nila ang lahat. Alam niya na noong una pa na hindi dapat ang mga magulang nila ang ikasal. Pero nagtanan ang mga ito sa gabi bago ikasal ang mommy niya at sa dating boyfriend nito. At buntis na noon ang nanay nila sa mapapangasawa nito dapat. And that child is Bryll.

Gustong sundan ni Evelyn ang kuya para sabihin dito ang lahat. Na mahal na mahal niya pa rin ito. Na ito pa rin ang nag-iisang da best na kuya sa boung mundo. Na biktima lang ang mga magulang nila sa kalupitan ng pag-ibig.

Hindi niya alam kung bakit nakatulog pa siya sa kabila ng mga nalaman niya.

Tanghali na siyang nagising kinabukasan.

"Good morning." bati sa kanya ng mother nila. Nasa loob ito ng kuwarto niya. "Bakit tinanghali ng gising aking prinsesa?" Alam niyang pinipilit nitong maging matatag.

Nginitian niya lamang ito. "Mom, puwede bang mag-absent muna ako ngayon?"

"Ikaw ang bahala anak. Basta bumaba ka na at nang makakain na tayo."

"Sige po. Sunod na lang po ako."

Tinanguan siya nito at saka lumabas ng kuwarto.

Nanatili pa rin siyang nakahiga at iniisip kung kumusta na kaya ang kaptod. Saan ito nagpalipas ng gabi? Kumakain ba ito ng maayos? Tumigil na ba ito sa pag-iyak?

"Sweetheart." Nagtaas siya ng paningin nang marinig ang boses ng daddy niya. Alam niyang mas maraming sakit ang nararamdaman nito. Pinalaki nito ang kuya niya sa sarili nitong paraan pero hindi naging sapat iyon para balewalain ang katotohanang nalaman nito. Kailangan lang ng Daddy nila na magpakatatag para sa kanilang lahat.

"Good morning Dad." bati niya dito.

"Halika na sa baba. Kakain na tayo."


"Dad, Wala po akong gana."


"You need to eat. Your brother would not like it if you don't."

"Is he going to come home?"

"Of course sweetheart. I'm sure about it. Let's just give him some time."

She smiled at him. Nakakagaan talaga ang mga salita nito.


"Baba na at nang makakain ka na."

"But Dad, Puwede bang mag-absent sa school ngayon?"

"OK. But promise to come down and take your breakfast."

"Yes Dad."

Lumapit ito sa kanya and kissed her forehead.

"I love you Dad."

"I love you too sweetheart. You and your brother are both my happiness."

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon