**Andro POV**
"Anong ginagawa mo dito?"bungad sa akin ng aking kapatid pagkarating nito sa aking kinaroroonan. Napalingon ako sa loob ng Watsons. Papaalis na si Evelyn sa counter.
"Looking for something to buy. Ikaw? What are you doing here?"
"Ah, naghahanap rin ng puwedeng bilhin. Can I join you?"
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Napansin yata ni Alex nahindi ako mapakali. Nang muli akong mapalingon sa loob ng Watsons ay nakita ko si Evelyn na pinanlikihan ng mga mata at nakatingin sa amin ng aking kakambal. Sinenyasan ko siyang magtago. Sinundan ni Alex ang aking tinitingnan. Sakto namang nagtago sa stand ng mga eyeglasses si Evelyn kaya hindi siya nakita ng aking kapatid.
"Ahm, I'm afraid you can't join me now. May pupuntahan pa ako.Kita na lang tayo sa bahay." sunod-sunod na wika ko dito at saka tumalikod at nagmamadaling umalis.
Tinawagan ko si Evelyn at sinabihang sumunod sa National Bookstore.
"Nailigaw ba natin siya?" humahangos na sabi sa akin ni Evelyn nang madatnan niya ako National Bookstore.
"I guess not!"Marahan kong itinulak si Evelynsakabilang shelf ng kinatataguan namin. "Alex is standing outside. Stay there."
Kunwari akong humugot ng libro mula sa shelf at nagpretend na hindi ko nakita si Alex.Nang mapatingin ako sa kanya ay naglakad siya papasok.
"What are you doing here? Are you following me?"masungit kong sita dito.
"Nope. Nakita lang kita dito kaya pumasok ako. Sabi ko nga gusto kitang samahan."Mataman niya akong tinitigan at tila inaanalisa ang aking mga galaw."Sige mauna na lang ako."
Saka na lang ako nakahinga ng maluwag nang lumabas ito sa bookstore. Tinawag ko naman si Evelyn at sabay na kaming nilisan ang lugar na iyon.
"Gutom na ako." reklamo ni Evelyn pagkatapos naming libutin ang boung mall. Medyo marami na rin siyang napamili na halos pinabitbit niyang lahat sa akin. "Kumain muna tayo."
"Ok."
"Hoy kuya, kinakabahan na ako sa iyo. Kanina mo pa ako hindi kinokontra. Hindi ako sanay, you know?"
Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi sa halip ay tinanong ko siya kung saan kami kakain?
"Sa Mang Inasal tayo, unli rice."Tuwang-tuwa niyang deklarasyon pagkatapos pag-isipan nang matagal. Hinila niya ako kaagad without asking kung gusto ko ba ang sinabi niyang kainan.
Humanap kami ng magandang puwesto. Ginhawa ang aking naramdaman nang sa wakas ay makaupo na ako. Inilabas ko ang aking wallet at inabutan si Evelyn ng pera. "Ikaw na ang bahalang umorder. This is my first time. I know nothing about their food here."
"Ok." Ngiting-ngiti siyang pumunta sa counter.
"First time mo talaga dito?" tanong sa akin ni Evelyn. We are currently waiting for our food.
"Yup. You know that I'm not an outgoing person. Ngayon lang ako lumalabas."
"And that's because of me."
"Don't flatter yourself too much. Kagustuhan ko rin ang mga paglabas natin."
"Alejandro naman eh? Ikaw naman ang nagfa-flatter sa akin. Anyway, andiyan na ang pagkain natin oh."
Tiningnan ko si Evelyn habang ganang-gana sa pagsubo ng rice at chicken. Nabigla ako kanina nang ipaharap sa amin ang boung chicken thigh ang legs na natusok ng bamboo stick. Hindi ko alam kong paano iyon kainin kaya pinanood ko muna si Evelyn. Idagdag pang wala siyang kinuhang fork at spoon.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Novela JuvenilGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
