Tatlong araw na sa isla sina Alejandro at Evelyn pero wala pa ring senyales na mayroong rescue team na susundo sa kanila. Sa kanilang pagkukuwentuhan ay nalaman ni Evelyn na sa iisang ferry sila sumakay. Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang pipitsuging sasakyang pandagat sumakay ang binata. Kung tutuusin ay mayroon namang yate ang mga ito.
"Bakit ka nga pala nagleave sa trabaho mo at basta na lang sumakay sa ferry na iyon?" tanong ni Evelyn sa binata.
Mula sa pagkakaskas ng dalawang bato ay napatigil si Alejandro at napatingin sa kanya. "Gusto ko lang makapag-isip-isip."
"Bakit kailangan mong gawin iyon?"
Tuluyan ng tumigil ang binata sa ginagawa nito at ikinuwento ang mga napansin tungkol kay Alexander at Xeira. Saludo siya sa ginawa nitong pagsasakripisyo. Ang buong akala niya ay nasasaktan si Alejandro. Ikaw ba naman ang maagawan ng nobya, kakambala mo pa ang gumawa noon?
"I'm not hurt or anything else. I think, that was the best decision I made. Hindi lang si Xeira ang napalaya ko pero ang sarili ko din."
Naguguluhang nakatingin si Evelyn sa kausap. "What do you mean?"
"I thought mahal ko pa si Xeira hanggang ngayon. But I was mistaken. Itinanim ko kasi sa aking isipan that first love never dies. Well, it was that dangerous illusions of youths that the one you love in your young age is already your forever. Well, that seldom happens. That's my case. When I decided to let go of Xeira, I suddenly realized that what I have for her is a friendly affection."
"After all those years? Bigla mo lang narealize na hindi mo siya mahal?" may galit sa boses bi Evelyn. Ang tingin niya kasi sa sinabi ni Alejandro ay napaka-unreasonable.
"Well, I don't know if I had really loved her. Very compatible kasi kami sa isa't-isa. Halos pareho ng ugali, ng mga hobbies, at halos lahat-lahat na. Pero hindi iyon batayan ng pagmamahal. Tingnan mo, Alex is Xeira's exact opposite but what they feel for each other is truly genuine. Saksi ako doon. Matagal ko ng suspetsa na may gusto si Alex kay Xeira, kakaconfirm ko lang yun."
Natahimik si Evelyn. Sabagay may punto naman si Alejandro. Pati kasi ang mga parents niya ay maraming differences sa isa't-isa but those differences made their relationship stronger. Sabagay boring din naman ang relasyon kung pareho kayo ng mga hilig at gusto ng partner mo.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapatayo si Alejandro. Hangang-hanga siya talaga sa katawan nito. Mas lalong tumingkad ang kulay nito epekto ng kanilang pagkakababad sa araw.
Para talaga itong Olympian god. Hindi pa nito ibinubutunes ang polo nito kaya araw-araw na pinagpipiyestahan ng kanyang mga mata ang mala-Adonis nitong katawan. Feeling nga niya, napakarami niyang kasalanan dahil hindi niya maiwasan ang sariling pagnasaan ito.
Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay. "Come, let's go for a swim. Let's enjoy our stay here."
Nagpahila siya dito at patakbo nilang tinungo ang dagat. She did not bother to remove her clothes. Alam niya kasing magiging transparent ang gamit niyang undies pag nabasa.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
