Clue 32: Missing my brother

840 65 0
                                        

**Evelyn POV**

It's Chantal's birthday. We're having a pool party at their house. Umalis lang ako saglit sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan para kausapin si Dad sa cellphone. Kanina pa ito tumatawag.

Pumasok ako sa loob ng bahay ng aking kaibigan. Naupo ako sa isang sofa doon. "Hello Dad."

"Hija, 'wag kang masyadong gabihin sa pag-uwi. Delikado ang pagala-gala sa panahon ngayon."nag-aalalang bilin sa akin ni Dad.

"Yes Dad. Uuwi na rin ako mamaya."

"Ok. Saan ba ang party na 'yan at ako na ang susundo sa iyo?"

"Dad?! Kaya ko na ang sarili ko. Veneracion ang kaibigan kong may birthday. Nasa bahay nila kami ngayon. So, no need to worry Dad."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. Narinig ko pa sa background ang nag-aalalang boses ni Mommy. "Ok, basta itext otawagan mo ako pag pauwi ka."

"Yes Dad."

Nakangiti kong ibinulsa ang aking cellphone. Parents. Sobra talaga ang pagkamaalalahanin ng mga ito.

Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang marealize kung nasaan ako. Nakaupo ako sa isang sofa sa sala nina Chantal. Hindi ko alam na nakaabot na pala ako dito. Napakaaliwalas ng paligid. Their house is very beautiful. Mas maganda pa ito sa amin at sa bahay nina Alex. Ito yata ang pinakamagandang bahay na aking napasok.

Though the house looks sophisticated and intimidating, it is still very homey. Ang sarap sa pakiramdam habang nakaupo ako doon sa couch at tinitingala ang naglalakihang mga paintings at picture frames na nakasabit sa dingding.

Tuluyan na akong napatayo at nilapitan ang divider. Marami kasing nakapatong na mga picture frames doon. Isa-isa kong pinagmasdan ang lahat ng nakapatong doon. Hindi ko napigilan ang pagsinghap nang mapansin ang isang picture na nakasali sa display. Picture iyon ni kuya Paris, Chantal's brother, kasama nito ang aking kapatid na si kuya Bryll, si kuya Jeric, at si kuya Leo.

Maingat kong iniangat ang naturang picture frame. Meron ding kopya si kuya Bryll na ganito pero hindi ko na iyon nakikita. Sa kanilang apat na magkakaibigan, si kuya Paris ang pinakaguwapo para sa akin. Naging crush ko nga ito noong iniuwi ni kuya Bryll sa bahay. But to him, I'm just like a little sister.

Isang ngiti ang aking pinakawalan nang maalala ko ang kulitan ng mga ito noon. They looked very cute when they are having their bonding. Maraming beses na rin akong sumali sa kanilang kalokohan noon.

Unti-unting nabura ang aking pagkangiti nang marealize na ala-ala lang pala iyon. May namumuong luha sa aking mga mata. I missed these guys so much. Lalong-lalo na si kuya Bryll. Mula nang umalis ito papuntang Australia ay hindi na ako kinontak.

"Hija, why are alone in here?"

Nabigla ako sa narinig kong boses. Muntik kong mabitiwan ang hawak-hawak kong picture frame. Nang napalingon ako ay nakita ko si Tito Jefferson na nag-aalalang nakatingin sa akin. "N-napatawag kasi si Dad. Hindi ko namalayang nakapasok pala ako dito habang kinakausap siya. Sorry po Tito kung pinakialaman ko ang mga gamit niyo."

Isang mapang-unawang ngiti ang pinakawalan nito. "Oh, that's nothing, Hija. Wait, are you crying?"

Napansin marahil nito ang mga luha sa aking mga mata. Sa kanyang sinabi ay bigla kong ibinuhos ang aking nararamdaman. Napaiyak ako ng wala sa oras.

"Tell me, hija. May nanakit ba sa iyo? Kaya ba iniwan mo ang iyong mga kaibigan sa pool? Tell me."Tuluyan na itong napalapit sa akin. Bigla itong natigilan nang makita ang hawak-hawak kong picture frame.

"Nobody hurt me, Tito. I just missedthem so much." sagot ko dito habang nakatingin sa hawak-hawak kong frame.

Feeling ko, nakuha nito ang ibig kong sabihin dahil nakatingin pa rin ito sa hawak-hawak kong picture frame.

"Come here, hija." Kinabig ako nito at hinayaang umiyak ako sa kanyang dibdib. Maingat nitong kinuha ang picture frame at ibinalik sa dating kinalalagyan. "It's ok, hija."

He is very tender. He is just like my father. Malaya nito akong hinayaang umiyak sa kanyang dibdib habang hinahaplos ang aking buhok.

"Youmust beBryll's sister. Sa kanilang magkakaibigan ay sina Paris at Bryll lang ang may mga kapatid. It's ok, hija. You must have missed your brother this much."

"What's happening here?"Ang napakalambing na boses ni Tita Mariana ang humalo sa aking paghikbi.

"She missed her brother. Ang pagkakita niya siguro sa picture ni Paris at mga kaibigan nito ang nagtrigger sa kanyang nararamdaman."

"Oh. She is Bryll's sister right?"

Isang tango ang naging sagot ni Tito Jefferson. Lumapit naman si Tita Mariana at yumakap din sa akin. Napagitnaan tuloy nila ako ng kanilang yakap. I never felt this kind of comfort before except from my parents. Tuluyan ng nawala ang pangungulila ko sa aking kapatid.

"Tama na, hija. We understand your feelings, ganyan din si Chantal kapag namimiss nito ang kapatid." sabi sa akin ni Tita Mariana. Nakaupo na kami sa sofa. Tumigil na rin ako sa pag-iyak dahil sa mga soothing at comforting words na sinabi ng mag-asawa. Chantal must be very proud to have Tito Jefferson and Tita Mariana as her parents.

"Now, go back to your friends and do not miss the fun." dagdag ni Tito Jefferson.

"Evelyn." Ang humahangos na si Alejandro ay tuluyang nakalapit sa amin. "I thought you went home already. Nobody noticed that you're not around there but me."

Makahulugang nagtinginan sina Tito Jefferson at Tita Mariana.

"Tita? Tito?" nabiglang bulalas ni Alejandro. Hindi niya napansin ang presensiya ng mag-asawa. "Hindi ko po kayo napansin."

Ngumiti ang mag-asawa. "Kunin mo na ang iyong kasintahan at bumalik na kayo sa party ni Chantal."

"We're not lovers!" sabay naming bulalas ni Alejandro.

"Ok. As you say so." natatawang pahayag ni Tito Jefferson. "Bumalik na kayo doon at baka hanapin pa kayo."

"Maraming salamat po."wika ko bago kami tumalikod ni Alejandro. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang makahulugang pagngiti ng mga magulang ni Chantal bago kami nakalabas ng pintuan ni Alejandro.

"What happened there? Did you cry?" sunod-sunod na tanong ni Alejandro nang nakalabas na kami ng bahay.

"Nothing. Just my silly behavior." Ikinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari. Isang mapang-unawang yakap ang kanyang iginawad sa akin. Para akong nasa ulap sa sitwasyon namin ngayon. Biglang naglaho ang aking pangungulila sa aking kapatid.

"Precious. Andro." Bigla kaming kumalas sa pagkayakap ni Alejandro nang marinig ang boses ni Tristan sa aming likuran."Balik na tayo doon. Hinahanap na kayo ng iba."

Tumango lang si Alejandro at nilagpasan si Tristan.

"Don't worry, Precious. I won't tell any single word. Maka-Andreve yata to." Tristan informed me in an amused tone.

"Silly!"

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon