It's already late when John Alejandro came back home. Dali-dali siyang pumanhik sa kuwarto niya bago pa siya mapansin ng kakambal. Alam niya kasi na kung anu-ano na naman ang itatanong nito sa kanya. Hindi kasi sila madalas lumalabas na hindi magkasama.
Pumasok siya sa banyo at naligo. Saka siya nagpalit ng damit at umupo sa kama para magpatuyo ng buhok.
Nasa ganoon siyang posisyon nang makaramdam siya ng sakit ng tiyan. Napahiga siya sa kama at namilipit sa sakit.
Suddenly, his door flew open. "Kuya, nakauwi ka na pala.. Saan na..." Natigilan ang bagong pasok nang mapansin ang kanyang kalagayan. Sa halip na kaawaan siya ay nanermon pa. "Here we go again.."
Hindi niya na lang ito pinansin. Ilang sandali lang ay lumabas ang pangit at tinatawag ang mommy nila. Maya-maya lamang ay pumasok si Yzabel Veneracion na nag-aalala.
"John Alejandro," Yeah! Habit nito ang pagtawag sa buo nilang mga pangalan. "Sweetheart, what is it again this time?" sabi nito at lumapit kay Andro. Saka niya napansin sina Alex at Yana sa likod ng mommy nila.
"Tsk! Tsk! Tsk!" parinig sa kanya ni Alex. "Sabi ko kasi sa 'yo mommy, dapat sinamahan ko yan lumabas kanina. Yan tuloy.."
"Oh, Shut up!"
Tuluyan na siyang dinamayan ni ng butihin nilang ina. "Ano ba kasi nakain mo anak?"
"Malamang ay kumain na naman yan ng mga street foods sa kung saan-saan." Si Alex na ang sumagot. Ito na ang magaling. Nakalimutan yata nito na hindi niya ito binigyan ng authority'ng sagutin ang mga tanong para sa sa kanya. Kahit kailan talaga walang nagawa itonh tama para sa kay Alejandro.
"Tumahimik ka na diyan, Alexander." sabi dito ng mommy nila bago muling bumaling sa kay Andro. "Di ba sinabi na namin sa iyo ng Daddy mo na huwag na huwag kang kakain ng ganoon sa labas.. Alam mo namang napakamaselan ng tiyan mo sa mga ganyan."
"I'm really sorry mom. Naakit lang ako ng pagkain nang nadaanan ko ang mga iyon kanina."
"OK, don't do it again.. If you want to eat some. Hayaan mong sina Lupe ang magluluto para iyo. You tried it once here and you did not have that stomachache."
"Yes mom.."
Tumayo na ito. "Bababa na ako at magpapadala ako ng gamot.. I have to finish what I am doing before your Daddy comes home."
Tumalikod na ito. Sumunod naman si Alex at sabay ang mga itong lumabas ng silid. Naiwan sila doon ni Yana. Nakatitig lang ito sa kanya.
Well, Yana his my 9-year-old sister. Her complete name is Jan Alyana.
"What?" sungit niya sa kapatid nang napansing nakatitig pa rin ito sa kanya.
She just shook her head. Naipikit ni Alejandro na lang ang mga mata sa muling pag-atake ng sakit ng tiyan niya.
Mamaya'y naramdaman niya ang haplos sa mukha. Iminulat niya ang mga mata at nakita si Yana na nakatunghay sa kanya.. "Sabi ni mom mas lalala daw ang sakit ng iyong tiyan kung nagsusungit ka."
John Alejandro just smiled at her. "Come here." Lumapit ito sa kanya at nakihiga.
Then the door opened again and Alex entered carrying a tray with a Medicine tablet, a glass of water, and a glass of something green.
"What is that green one?"
Nagkibit-balikat lang ito at ibinaba ang tray sa kanyang bedside table. Pugkuway, binalatan nito ang gamot at saka kinuha ang baso ng tubig. Di ba ang sweet nito? "Here, drink this."
Tinanggap naman ni Alejandro ang pagmamagandang loob nito. Isinunod nitong iniabot sa kanya ang baso na may lamang berdeng likido. Sininghot niya muna ito pero wala namang kakaibang amoy.
" What is this?"
"Nanay Lupe's special formula." sagot ni Alexander natatawa. Unti-unting inilapit ni Alejandro ang baso sa kanyang bibig. Then walang sabi-sabi'y nilagok niya ang laman niyon.
Muntik niyang maibuga ang lahat. Buti at kaagad niyang inabot ang tubig at iyon ang isinunod niyang inumin. Tawang-tawa lang si Alex habang nakamasid sa kanyang kamiserablehan.
"What is this? It tastes like hell! I never knew a taste like that can exist in this world!"
"I don't know what is that, really but I saw Nanay Lupe put something in that. It looks like ampalaya leaves."
Humila ito ng upuan at ipinaharap sa kanyang kama saka sinimulang nakipagkuwentuhan sa sa kanila ni Yana. This is one of how they bond with each other as siblings..
Maya-maya na din ay pumasok ang mga magulang nila and joined them.
"Kumusta ang aking panganay?" nakangising bati ng Daddy nila na si Bryner Veneracion.
"Dad?" reklamo dito ni Andro.. Nagningning naman ang mga mata ni Alex.. Nakangiti ito habang ang mga mata ay sinasabing 'I told you so..' sa kanya..
"Alex, bakit mo kasi pinabayaan ang kuya mo?"
Tsk! Nagtalukbong na lang si Andro ng kumot at hinayaan ang magulong mga kapamilya.
"Ewan ko diyan sa anak nating 'yan.." Narinig niyang sabi ni Dad kay Mom.. "Pulido naman ang paggawa natin sa kanila.. Wala naman akong natandaan na ginawa kong mali nung gabing-.."
"Heh, tumigil ka diyan Bryner kung hindi ay baka wala kang katabi mamayang pagtulog mo.."
"Yana, ang mommy mo oh... Ayaw niyang gumawa kami ng kapatid niyo.."
Tuluyan nang napatawa sina Yana at Alex.. Nakitawa na rin ang mommy at daddy nila. Hindi rin niya mapigilan, he smiled behind the sheets..
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
أدب المراهقينGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...