Clue 31: Breaking free

850 63 0
                                    

**Andro POV**

"Oh, ginabi ka yata?"sabi sa akin ni Dad habang nakatingin sa akin mula sa sasakyan nito. Kababa ko lang ng sinakyan kong taxi. Dinatnan ako nito na papasok sa gate. "Pakibuksan nga ang gate."

Agad akong tumalima sa kanyang utos. Nang maipasok nito ang sasakyan nito ay isinara ko na rin ang gate at sumununod ako sa kanya.

"Kumusta ang lakad mo kuya gov?" tanong nito nang maabutan ko sa tabi ng pintuan. Nanlaki pa ang aking mga mata dahil sa itinawag nito sa akin.

"Kuya gov who?"

"Ikaw naman? Si Evelyn lang ba ang gusto mong tumawag sa iyo ng ganun?"

"Dad?! Paano niyo nalaman iyon?"

Nagkibit-balikat lang ito kasabay nang pagngiti. Hindi pa ako sinagot nang itulak nito ang pintuan.

"We're home." anunsiyo nito pagkapasok.

Nadatnan namin sina Mommy at Alex na nag-uusap. Halatang kauuwi lang din ng aking kapatid.

"Buti naman at magkasama kayong umuwi." sabi ni mommy sa amin ni Dad.

"Hindi kami magkasabay. Nadatnan ko iyan sa gate na lumalabas ng taxi." Napatingin ito kay Alex. "You're good in that haircut. Bagay sa iyo."

Napansin ko ang buhok ni Alex. Bagong gupit pala ito.

Lumapit si Dad kay Mom. As usual, naghalikan na naman sila. And as usual, umiwas na naman kami ng tingin ni Alex.

"Sige na boys, umakyat na kayo at magbihis. Ihahanda lang namin ang hapag-kainan."

*****

Nang kumain kami kinagabihan ay hindi ko napigilang magkamay. Napapangiti pa ako nang maalala ko ang moment namin ni Evelyn sa Mang Inasal kaninang tanghali.

Napatigil ako bigla sa pagsubo. Naramdaman ko kasi ang pagkatingin ng aking pamilya sa akin.

"Why? Masarap ang magkamay." wika ko at ipinagpatuloy ang pagsubo.

"Mom, si kuya oh?" sumbong ni Yana kay mommy. "Nagkakamay, di po ba pinagbabawalan niya ako dati?"

"Hayaan mo na siya Yana. Kung gusto mo magkamay ka rin."

"Talaga mommy."

"Oo anak."

Binitiwan na rin ni Yana ang kutsara't tinidor nito at nagkamay na rin.

"Ikaw Alex?"tanong ni Dad sa aking kapatid. "Hindi ka rin ba magkakamay?"

"Nah, I'm good."

*****

Pasukan na. Lumabas kami ni Alex ng bahay para sumakay papuntang school.Nanggilalas ito nang hilahin ko at pinasakay sa isang jeepney.

Tawang-tawa ako sa kanyang reaksyon. Hindi niya kasi inaasahan ang aking gagawin.

"Kailan ka pa natutong sumakay ng ganito?" nagdududa niyang tanong sa akin.

"Matagal na."

Napansin kong hindi siya komportable lalo pa at pinagtitinginan kami ng mga tao. Tumahimik na siya at hindi niya ako pinanpansin.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makababa kami sa tapat ng aming school. Naghiwalay na rin kaming magkapatid para pumunta sa kanya-kanyang classrooms.

**Evelyn POV**

Masaya ako ngayong araw. Hindi kasi ako inignora ni Alejandro gaya ng dati. Yun bang sabihan ka na he enjoys your company pero kapag nasa school na kayo ay bigla ka niyang iitsapuwera. Kaya ang say-saya ko dahil parang itinuloy pa namin ang aming pinagsamahan nitong sembreak. Tulad ngayon, katatapos lang ng klase namin at pinag-uusapan namin ang nalalapit na birthday ni Chantal. Kasama rin pala namin si Tristan.

"Oy Tristan, di ba close na kayo ni Chantal, siguraduhin mong aattend ka sa birthday party niya." wika ko kay Tristan. Palagi niya kasi akong tinatanggihan kapag inaaya ko siya. Eh, may nasagap naman akong tsismis na nag-de-date daw sila ng feeling masikretong si Chantal.

"Oo na. Alam mo namang, hindi kita matanggihan."

"Anong hindi matanggihan? Ilang beses mo kayang inayawan ang mga imbetasyon ko."

"Pagbigyan mo na 'yan 'tol. Para hindi kanya kulitin pa muli." singit ni Alejandro sa pag-uusap namin ni Tristan.

"Oo na." sa wakas ay sabi nito. "Alex is outside. Ikaw yata Precious ang hinihintay niya."

Napalingon ako sa may pintuan ng aming classroom. Nandoon nga si Alex.Napangiti ako at kumaway dito. Nagpaalam ako kina Alejandro at Tristan at saka lumabas.

"Hi. Ako ba ang hinihintay mo o si Alejandro?"

"Ikaw. Can we talk?"

"Sure. Kakausapin din sana kita eh."

We held each other's hand at tahimik lang kaming naglalakad. "Saan tayo mag-uusap?"

"Sa baseball diamond na lang. Konti lang ang tao dun." sagot ko. Palagi kasing doon ang pinupuntahan namin kung gusto naming magkasarinlan.

"Ok. Let's go."

Matagal na kaming nakaupo sa isang bleacher doon sa baseball diamond pero walang nagsasalita sa amin.

"So, what are we going to talk about?"

"Di ba sinabi mong may sasabihin ka. Can you say it first bago ko sasabihin ang akin?"

"Alex."sabi ko sa mahinang boses. Tumingin ako sa kanya at nag-inhale-exhale ng ilang beses. "Sana huwag kang masasaktan sa mga sasabihin ko."

"Promise." Saad niya at itinaas pa ang isang kamay.

"Alex, kasi....ano kasi..."

"What?"

"Kasi. Iniisip ko lang na hindi yata love ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Hindi mo ba napapansin na kapag magkasama tayo ay para lang tayong magbestfriend?I mean, affection lang yata ang feelings mayroon ako para sa yo. And I'm sorry. Ayoko kasing maging unfair sa iyo at sa sarili ko. I am ending our relationship Alex. Sorry. But please understand."

Mas lalo siyang natahimik sa aking pagtatapat. "Evelyn."

Isang ngiti ang unti-unting gumuhit sa kanyang mga labi. Kinakabahan na ako sa kanyang reaksiyon. "You made it easier to me Evelyn."

"What do you mean?"

"Ang sasabihin ko rin sana sa iyo ngayon ay ang pagtatapat ko rin sa totoo kong nararamdaman. And I'm sorry too."

Tuwang-tuwa ako sa aking narinig mula sa kanya. He really made it easier for me too. "Are you sure?"

"Yes. And I'm sorry again. I think I'm falling in love with somebody else."

"Oh Alex." Tuwang-tuwa ako sa narinig at niyakap siya ng buong higpit. "I'm happy for you."

"Thanks."

"Teka, mas maganda ba siya sa akin?"

"Evelyn naman?Siyempre mas maganda siya."

"Hmp! Sabi ko nga kasi.Nakakita ka lang ng mas maganda sa akin ipinagpalit mo na ako?"

"Siyempre, joke lang yun.Of course,you always know,that you will always be beautiful in my eyes."

"Sigurado ka?"

"Hmmm!"

"And of course,alam mo rin Alex na kahit mas maganda pa iyang mahal mo sa akin, hindi ako aangal basta hindi ka niya sasaktan."

"Yes,of course!"Niyakap niya ako ng boung higpit."I'm very happy to have met you in my life Evelyn Salvosa. So bestfriend na tayo ngayon?"

"Sounds good to me.Can I know that girl's name?"

"Sorry missy. Saka mo lang malalaman pag kami na."

Napatawa ako muli. "Alam mo,ang unfair mo.Pero pag nangangailangan ka ng tulong, you know the numbers to-call."

"Yeah. Thanks."

Tumayo na ako at hinila siya. "Tara, tayo na diyan. Marami ka pang araw na gugugulin sa pagsusuyo sa special someone mo na iyan. Umpisahan mo na ngayon."

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon