Clue 52: Throwback Stories

954 29 0
                                    


"Anong pag-uusapan natin?"Iyon agad ang pambungad ni Alejandro sa mga magulang nang makapasok siya sa library. His parents are as if waiting for him patiently. Naupo siya sa sofang kaharap ng mga ito.


Itinaas ng kanyang ama ang isang kamay nito at ipinakita sa kanya kung ano ang hawak-hawak nito. "Look at this."


"Paanong nasa iyo iyan Dad?" gulat niyang tanong. Kaya pala ilang araw na niyang hinahanap iyon ay ang ama pala niya ang kumuha.


Tumayo siya at kaagad na kinuha iyon. "Ilang araw kong hinahanap ito Dad. Paanong nasa iyo ito.Wait, have you checked its content?"


Ngumiti ang kanyang mga magulang. "Yes. And we reproduced copies of the video that was in there."


"You can't possibly do that mommy!"


"Yes we did, hijo. Graduation gift pala iyan sa iyo ni Evelyn noong high school kayo. Alam kong pinaghirapan niyang gawin ang video na yan."


"Graduation gift?"Mas lalo siyang nalito sa narinig. Saka niya naalala kung paano niya napulot ang flash drive na iyon.


Katatapos lang nilang mag-usap ni Yael. Tungkoliyon sa kanilang mga plano pagkatapos ng graduation nilang iyon ng high school.Nang pabalik na sila sa kanilang mga kasamahan ay napansin niya ang isang bagay sa damuhan.


"Ano yan?" tanong ni Yael na nakatingin rin sa kanyang tinitingnan.


Pinulot niya iyon at pinagmasdan. "A flash drive. Kanino kaya ito?"


Balewalang i-sh-in-oot niya iyon sa kanyang bulsa. At ipinagpatuloy nila ni Yael ang paglapit sa kanilang mga kaklase na excited ng magtapos sa araw na iyon.


Natapos ang kanilang graduation at nakalimutan niyang ibalik sa kung kanino ang flash drive na iyon. Inilagay niya lamang iyon sa kanyang lalagyan ng mga important things niya. Hindi siya nag-abalang buksan iyon.


Lumipas ang mga taon. Nakatapos na siya ng college nang muli niyang makita ang flash drive na iyon. Nagliligpit siya ng mga gamit dahil lilipat siya sa kanyang condo unit nang mapansin niya iyon. Itinapon niya iyon sa trash bin pero agad ding kinuha at sa pagkakataong iyon ay isinaksak niya sa kanyang laptop para tingnan ang laman.


Iisang video lang ang nandoon. Ayaw niya sanang buksan pero nacurious siya. Nagulat na lang siya nang bumangad sa kanya ang nakangiting mukha ni Evelyn. Little did he know na sila ni Evelyn ang nandoon. Compilation iyon ng mga pictures nila at mga maiikling video mula nang magkakilala sila hanggang sa araw bago sila magtapos ng high school.


He copied the video to his laptop and put the flash drive to his safe. Hindi niya hahayaang mawala iyon sa kanya.


"Hijo, are you still with us?"Bigla siyang natauhan nang marinig ang boses ng kanyang ina.

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon