Nag-iingay na sa loob ng jeep at naiinis si Evelyn. Pero itong katabi niya ay parang wala lang dito ang nangyayaring kaguluhan.
Halos maipit si Evelyn sa upuan ng driver kasi pilit na inilalapit ng mga babae ang katawan ng mga ito kay Alejandro.
"Kuya," mamaya'y sabi ng isa. "Tapos na ba exams nyo?"
"No. Why?" balik-tanong ni Andro.
"Para ako naman sagutin mo." kinikilig na sabi ng girl.
Ay, pickup line pala yun? Parang hindi naman nagets ni Alejandro base sa blangko nitong expression.
"Kuya, papicture naman tayo.." singit pa ng isa pa. "Malay mo, magkadevelop-an tayo."
Corny!
"Ay teka?" wika ng isa na mukhang bakla habang nakatingin kay Evelyn. "Is that your little sister?"
Ano? Ako little sister ni Alejandro?
"Oo nga. Ang cute naman ng LITTLE SISTER mo."
"Pero hindi naman kayo magkamukha."
"Ahmm." Alejandro cleared his throat. "I'm sorry but she's not my sister. Actually," Umakbay ito sa kanya dahilan upang biglang magtumbling ang puso at magrigodon ang mga nerves ni Evelyn. "Evelyn here, is my girl.
WHAT?! My face is burning. Oh no, my face is burning.
Natahimik ang boung paligid tanging ang ugong ng mga sasakyan lang ang naririnig. Pero siya, dinig na dinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso.
"Really kuya?" Nakabawing tanong ng isa. "Mahilig ka yata sa bata at maliit."
"Nope. Evelyn is not that young. Actually, we're on the same age." Alejandro said in defense. "At hindi ako mahilig sa maliit. Siya lang ang maliit na nagustuhan ko."
"Ganun ba?" singit nung kaharap nila. "Alam mo, mas bagay tayo."
Biglang naalibadbaran si Evelyn sa narinig. Seriously?
"Teng, pickup line ka ba?" Hindi niya maiwasang sabihin.
"Bahhhkkeet?"
"Ang korni mo kasi, nakakainis ka pa!"
Bago pa ito makapagreact ay biglang tumigil ang jeep.
Binigyan si Evelyn nung babae ng napakatalim na titig. At sa kanyang pagkabigla, bigla nitong inilapit ang mukha kay Alejandro at hinalikan ito sa pisngi!
OMG! AMBISYOSA! Uumbagan na sana niya ito pero nagmamadaling nakalabas ng jeep..l
Agad naman niyang hinila ang nahalikang mukha ni Alejandro at pinunasan gamit ang kamay niya.
"Baka may virus." palusot ni Evelyn nang tingnan siya nito na may pagtataka.
"Thanks." sabi niya at tipid na ngumiti.
Bakante na ang jeep at sila na lang dalawa ang natira. Pero hindi nagmove si Alejandro para lumuwang ang space.
Wala nang kumibo sa kanila hanggang sa marating ng jeep ang entrance ng Anchor City Malls.
"Dito na tayo." sabi ni Evelyn at bumaba na sila ng sasakyan.
"That was an awesome ride." tuwang-tuwang komento ni Alejandro bago sila pumasok ng mall.
Actually, hindi alam ni Evelyn kung ano ang gagawin nila doon.
Aburido siyang naglalakad sa hallway habang nakasunod sa kanya si Alejandro. Hindi niya kasi alam kung saan sila pupunta.
Bigla na lang itong tumabi sa kanya at kinuha ang isa niyang kamay. "Come. Let's go this way."
Inakay siya ni Alejandro ako sa store ng Jansport.
Kumuha ito ng dalawang beret cap. Pagkatapos bayaran ay isinout ang isa at ang isa ay ipinasout sa kanya.
Lumabas sila ng store saka at naglakad-lakad.
"What are we going to do now?"
Yan na ang pinakaiiwasan niyang tanong. Kailangang masulit nila ang pagkakataong iyon. It was the first time that Alejandro escaped classes.
"Hmm. Sine na lang tayo."
Walang tanung-tanong ay napapayag niya kaagad ang lalaki.
He held her hands and led her to the cinema. Si Evelyn na rin ang pumili ng papanoorin. Comedy ang pinili niya para marinig niya ang madaming tawa ni Alejandro.
Matagal na silang nakaupo sa loob ng sinehan. Lahat na lang ng tao ay tumatawa na maliban sa katabi ni Evelyn. Totoo namang nakakatawa yung palabas pero si Alejandro ay napakaseryoso pa rin. Kahit pa siguro magpakamatay yung mga komedyante sa sobrang pagpapatawa ay hindi pa rin ito matatawa.
She drew a frustrated sigh at itinoun na lang ang atensiyon sa palabas.
Mamaya lamang ay bigla niyang naramdaman ang pagsandal ni Alejandro sa balikat niya. He closed his eyes and after a minute, he fall asleep.
She does not know what to do. Ipinilig na rin niya ang ulo against his head and took a nap also.
Nagising na lang silang dalawa nang matapos na ang palabas.
Lumabas sila ng sinehan na nakaholding hands na naman.
"Aren't you hungry?" tanong ng lalaki sa kanya habang nakasakay sila ng escalator. "Mind if we grab a light meal?"
"Sige. Tara." Gutom na rin siya. Bigla niyang narealize na hindi pa sila kumakain ng lunch.
"What do you want to eat?"
"Ikaw ang bahala."
"Mcdo or Jollibee?"
"I prefer Mcdo at this moment."
Inakay siya ng lalaki sa McDo. Umorder sila ng burger and fries, coke floats at sundae.
Tahimik na naman sila habang kumakain. Nakatingin lang siya sa lalaki at iniisip kung gaano ito kaboring na tao.
Bigla itong nag-angat ng tingin. Agad naman niyang iniiwas ang pagtitig sa lalaki. Pasimple niyang kinagat ang burger.
Nang mapadako ang tingin niya kay Alejandro ay nahuli niyang nakatitig ito sa mukha niya.
Dahan-dahan itong kumuha ng tissue at unti-unting pinunasan ang gilid ng kanyang mga labi. Nakanganga lang siyang nakatingin dito.
"You're cute." Mayamaya ay sambit nito.
"I know kaya huwag kang masyadong kuripot sa papuri. Sabihin mo na kasing maganda ako."
Hindi niya inaasahan ang sumunod na reaksiyon ng lalaki. He smiled at her. Yes, he is really, actually, and believingly smiling at her.
Agad niya ikinulong sa mga palad ang mukha ni Alejandro. Walang dapat na iba pang makakatingin sa ngiti nito kundi siya lang.
Biglang nawala ang ngiti nito kaya agad niyang binawi ang mga kamay.
"What?" tanong nito na takang-taka sa nangyari.
Hindi niya alam ang isasagot kaya ngumiti na lang siya.
"Why are you smiling?"
"I don't know."
"Is there something wrong?"
"Nothing."
"Then why are you like that?"
"That's why I told you na hindi ko alam."
"You're weird."
"Yeah. I know."
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
