LAST CHAPTER NA ITO! Enjoy! And thanks much for reading! :-)
"Bakit hindi mo ako tinanong? Nakakita ka na lang ng picture namin ni Tristan ay naduwag ka na kaagad." puno ng sentimiyentong reklamo niya kay Alejandro. "Paano pala pag hindi dumating sina Yael at Erika. Di hanggang ngayon ay pinapahirapan pa natin ang mga sarili natin."
Si Alejandro ay tahimik pero napansin niya ang kasiyahan sa mukha nito. Lumiwanag iyon at natabunan ang usual poker faced nitong mukha.
"Huling tanong ko ito sa iyo, and I want an honest answer. Mahal mo ba pa ako?"
Tumayo si Alejandro at lumapit sa kanya saka ngumiti. "Hindi dapat ikaw ang ang nagtatanong niyan. Kababae mong tao."
Hallelujah! Napangiti niya si Alejandro. At nagsalita pa ito ng straight na tagalog words na walang halong English. The Password really to open his heart is love. At masaya si Evelyn na nagagawa na niya iyon sa binata.
"Yes or no lang naman ang sagot diyan." kulit niya rito. "Ano na. Mahal ba ako. Yes or yes?"
Napahalakhak si Alejandro. Nagagawa na niya talaga iyon sa lalaki. She is so proud of herself. Mabuhay siya!
"Puwede bang maybe?"
Hinampas niya ito ng malakas. "Ayaw mo pang buuoin. Alam ko namang mahal mo talaga ako."
"Alam mo naman pala, bakit tinatanong mo pa? Mahal kita Evelyn." anito at inilapit ang mukha sa mukha niya. Naipikit niya ang kanyang mga mata. This is it! Alejandro is going to kiss her. Hinintay niya na dumampi ang mga labi nito sa kanya pero hindi iyo nangyari. Nang mapadilat siya ay napansin niyang malayo na ang mukha sa kanya ni Alejandro. Nakakunot noo itong nakatingin sa kanya.
Napatayo siya at hinampas ito ng malakas. "Walang hiya ka!"
"Why?" naguguluhan nitong tanong habang umiiwas sa paghampas niya dito.
"Wala!" inis niyang sabi. Dumiretso siya sa may pintuan para lalabas. Hiyang-hiya na talaga siya sa kanyang sarili. Alejandro is too bad for her ego.
Akmang bubuksan niya ang pintuan pero nahawakan siya ni Alejandro sa kamay. Hinila siya nito at isinandal sa pader. Walang warning, walang pasabi, at walang babala, Alejandro kissed her lips. Tuluyan ng nagwala ang kanyang puso. Tumaas ang kanyang kamay sa leeg nito at masuyong tinugon ang halik ng binata. And now, she felt complete.
"Panagutan mo ako Alejandro." aniya sa binata nang pareho silang pinangapusan ng hininga.
Alejandro smiled. Yung smile na totoo. Yung smile na kayang itumba ang sangka-batallion ng kababaihan. "Of course I will. Panagutan mo rin ako. Matagal ka na yatang nagnanasa sa katawan ko."
"In your dreams!"
Nang bumaba ang mukha ni Alejandro ay hindi siya umangal. At muli niyang naranasan ang napakatamis na halik ng lalaking matagal na niyang minamahal.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Novela JuvenilGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
