Clue 46: Compromise

811 32 0
                                    


"I'm so sorry." paulit-ulit niyang paumanhin. "Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi, hindi mo ako pinapansin."


"I told you to shut up, didn't I?"


Ipingapatuloy pa rin nito ang paglalakad. Wala siyang nagawa kundi sumunod.


"Alam mong hindi ko kaya 'yan. Tell me, saan ba ang masakit sa iyo?" Dinamadama niya ang kamay at braso nito. Hinahanap niya kung saan ito nasugatan.


"Ang tainga ko. Masakit na ang tainga ko sa kakarinig sa mga salita mo."


Nasaktan siya sa sinabi nito. Yun pa man din ang pinakamahabang tagalog na nasabi nito. "You don't mean that."


"One more more word from you and I will drop you to the nearest cliff." matigas nitong sabi.


"Diyan ka na nga! Bahala ka sa buhay mo!" tumalikod siya at nag-iba ng landas. "Sana matuka ka ng ahas."


Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad. When she turned her back, napansin niyang nawala na si Alejandro.


"Ang lalaking iyon! At talagang gusto niya akong mapag-isa. Bahala talaga siya sa buhay niya!"


Nagpatuloy siya sa paglalakad sa sarili niyang landas. Kailangan niya ring makahanap ng makakain. Nagsimula na siyang magutom.


Matagal na siyang naglalakad pero wala siyang mahanap na pagkain. Nauuhaw na rin siya. Tuluyan na niyang nakalimutang may kasama siya sa isla.


Tuloy pa rin siya sa pagsuong sa kagubatan ng isla. Pakiramdam niya ay nasa gitna na siya. Wala pa siyang nakikitang punong nagbubunga. Pero napakaganda ng lugar. Iba't-iba ang mga halamang tumutubo. Pati ang mga puno ay iba't-iba. May mga nag-aawitan ding mga ibon.


Nang mapalayo siya lalo sa dalampasigan ay may nadatnan siyang tila batis sa gitna ng isla. Isang matagumpay na ngiti ang kanyang pinakawalan. Lumapit siya sa batis at muntik na siyang mapatalon sa sobrang katuwaan. Nakahanap na siya ng fresh water.


She knelt down and quench her thirst. Nakaramdam siya ng kaginhawaan.


Muli siyang tumayo at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang puno ng suha sa kabila ng batis. Hitik na hitik iyon sa bunga. Nagmamadali siyang tumawid sa batis at pinaghirapang akyatin ang puno.


Dahil sa gutom ay hindi alam ni Evelyn kung gaano karami na ang suha na nakain niya. Nakatulog na rin siya dahil sa busog at pagod. Mababa na ang araw ng magising siya.


Bigla siyang kinabahan. Ayaw niyang mag-isang magpalipas ng gabi. Kumuha siya ng mga bunga ng suha at pinilit niyang sundan ang daan pabalik sa dalampasigan.


Bigla niyang naalala si Alejandro. Kumusta na kaya ang lalaking iyon? Naisip niya na kahit gaano ito kasungit ay kaya niyang pagtiyagaan itong makasama sa gabi. Ayaw niyang mapag-isa.


Pagabi na nang marating niya ang dalampasigan. Hinanap niya si Alejandro pero hindi niya ito makita. Natatakot naman siyang sumigaw. Halos maglabasan na ang mga luha niya sa takot. Ayaw niya talagang magpalipas ng gabi na mag-isa sa islang iyon.


Then a beautiful sight caught her eyes. Mula sa dagat ay umahon si Alejandro. Tila isa itong Olympian god na bumaba sa lupa. Nagslow motion ang kanyang paligid. Tanging si Alejandro lang ang kanyang nakikita. Bumagsak ang hawak-hawak niyang mga suha na hindi niya namamalayan.


Her mouth turned agape when Alejandro fully came out of the water. Kapansin-pansin ang muscled sculpture nito. Ang mga abs nito ay tila katakam-takam tingnan. And he is wearing a very sexy small piece of clothing na kung tawagin ay boxer brief.


Unti-unti itong naglakad and Evelyn witnessed how the rays of the sun kissed Alejandro's skin. Kumikislap ang katawan nito dala ng mga droplets of water that are possisively clinging in his body.


Tumigil ito at muling namataan ni Evelyn ang napakasexyng pagsout nito ng damit na basta na lang nakakalat sa dalampasigan.


Nang makadamit na ito ay saka niya naalalang magsalita.


"John Alejandro!" tawag niya dito. Pinulot niya ang dala niyang mga suha at nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ng lalaki.


Nanlaki ang mga mata ng lalaki at tila nagulat nang makita siya.


"I'm very sorry sa mga nangyari kanina. Patawarin mo ako please. Just don't leave."


"Follow me." tipid nitong sagot.


Sinundan nga niya ito hanggang sa nakarating sila sa isang maliit na kubo na alam niyang ginawa nito. Yari iyon sa mga dahon ng puno mula sa paligid. Ang sahig niyon ay may ginawa ring higaan out of a thick pile of leaves.


Kinuha ng binata ang dala niyang suha at idinagdag iyon sa mga prutas na nasa isang tabi. Napangiti siya nang makitang may mga indian mangoes at bunga ng cacao doon.


"Saan mo nakuha ang mga iyan?" tanong niya dito.


"From the other side of the island. We're lucky because those are found in this island. Now, where did you get these?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga suha.


"Sa gitna ng gubat. Nakakatuwa nga iyon dahil napakaraming bunga. May nakita rin akong fresh water na safe na puwedeng inumin doon."


"I guess nobody has already reached this island. There is no trace of person in this place. Ang mga tumubong fruit trees ay marahil dala ng mga ibon, hangin, o ang karagatan. And don't worry about the water, I already found a spring nearby. There, we can quench our thirst until we will leave this place."


Ang susunod na mga oras ay sobrang napakaawkward for both of them. Hindi na muli sila nag-iimikan. Nang mapansin ni Alejandro ang paghikab niya ay saka lang ito nagsalita.


"You can sleep now. Magbabantay lang ako."


"Paano ka?"


"I will sleep if my body will tell me so. Now, take your rest. Good night."


John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon