Sometimes, vacation is really boring. Evelyn said through her mind. It was going on over her head for almost an hour now. Lalo na kapag hindi mo kasama ang mga taong gusto mong makasama... Hay! Atleast two weeks na lang at pasukan na ulit. I never imagined, nakaya ko palang malayo sa boyfriend ko ng halos dalawang buwan... 'Yun tuloy namissed ko na siya ng sobra...
She was not with his boyfriend since it was their vacation and that guy's family went on an out of town trip.
Saktong tumawag sa kanya ang kasintahan nang halos mawalan siya ng pag-asa. His guy asked her if they could go out tomorrow. Nakabalik na ito mula sa bakasyon. Napapakanta tuloy siya sa sobrang kasiyahan.
"I'm on the top of the world...Looking down on creations...And the only explanation...."
"Hoy! Ang ingay mo!" Napatigil si Evelyn sa pagkanta nang marinig ang tinig ng walang-hiya niyang kapatid. Kahit kailan talaga istorbo ito, oo.
"Bakit ba? Sa masaya ako eh." Inirapan niya ito nang mapansin niyang palapit ito sa kinaroroonan niya. Nakaporma ito.May lakad yata.
Nagkibit-balikat lang ang kumag..."At ano ngayon kung masaya ka? Nakakasira lang sa pandinig. May pasayaw-sayaw ka pang nalalaman diyan."
"Kuya nama eh." protesta niya dito.
"Anyway, I will be going out. Bahala ka na dito."
Tumango lang si Evelyn. Tuluyan na ring tumalikod ang kuya niya.
*****
Tutal lumabas na din ang kuya ni Evelyn, naghanda na rin siya at lumabas. Pumunta siya sa mall at nagtingin-tingin ng kung anu-ano. Halos isang oras na rin siya sa kalalakad.
She roamed the city na siya lang mag-isa hanggang sa mapadpad siya sa isang park. Excitement runs through her veins when she saw street food vendors na nakahilera ang mga paninda sa hindi kalayuan. Patakbo siyang sumugod.
Boung puso niyang inabot ang dalawang sticks ng kikiam na natira habang nakapikit ang mga mata. Nabigla na lang siya at napadilat. Bukod kasi sa kikiam ay kamay ng tao ang nakapa niya!
Nag-angat siya ng tingin at napansin ang dalawang napakagandang pares ng mata na nakatunghay sa kanya. Saglit lang siyang natulala.
"Get your hands off me." biglang sabi sa kanya ng mga mata. Teka, nagsasalita na pala ang mata ngayon. She shook her head and looked at a face which is very familiar to her. Ngingiti sana siya pero napansin niyang sobrang seryoso ang mukhang iyon.
"Nauna akez ditey.. Kaya bitiwan mo yan at ikaw ang lumayas.." sabi niya sabay agaw sa hawak ng lalaki na sticks ng kikiam..
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni kuya. "What?! I'm the one who got here first.." sabay agaw sa mga kikiam na hawak-hawak ni Evelyn.
No way! Hindi ako papatalo sa walang-hiyang Ingleserong ito. Muli niyang naagaw sa lalaki ang kikiam.
Doon na sila napansin ng tindero.. "Eh maam, sir, 'yan na lang kasi yung natira sa akin. Puwede niyo namang paghatian 'yan.. Tutal dalawa 'yan."
"No. It will not be enough for me."
"Hindi. Kulang pa sa akin 'to."
Sabay pa nilang bigkas.. Nagkamot ng ulo ang tindero saka tumingin sa mga kasamahan nito. " Meron ho silang kikiam." anito saka ininguso ang katabi nitong nagtitinda.
Tumango lang ang lalaki at lumipat.
Yes! sabi ni Evelyn sa kanyang isip. Bibigay lang din naman, kailangan pa akong ingles-inglesen. Hmp!
Nang maluto ang kikiam ay nakangiting inabot ng magtitinda iyon kay Evelyn. "Ineng, alam mo bagay kayo nung lalaki kanina.."
"Huh? Sino?" kunyari ay inosente siya.
"Yung kaagawan mo kanina ng kikiam.."
"Hay naku kuya! Hindi kami bagay.. At isa pa, may boyfriend na ako.. Mas guwapo pa sa isang iyon.."
Tumawa na lang si manong tindero saka tinuro ang lalakeng papaalis na kumakain ng kikiam. Tinapos na lang din ni Evelyn na kainin ang binili at saka umalis sa lugar na iyon bago pa siya makagasto ng todo.
****
Pagabi na nang maisipan ni Evelyn na pumunta muna sa National Bookstore para bilhin ang bagong release na book ng Mortal Instrument. Pagpasok niya sa establisiyemento ay dumiretso siya sa fiction area.
Hinanap niya ang librong kailangan niya at napansin niyang iisang kopya na lang ang natira. Tumingkayad pa siya para abutin iyon pero may biglang dumating at inabot din ang libro. Magkasabay nilang hinugot iyon sa shelf.
"Ako ang nauna kaya akin 'to." sabi ni Evelyn sabay hila mula sa pagkakahawak ng bagong dating.
"No." Tuluyan na siyang napatingin sa kaagawan niya ng libro nang marinig niya ang boses nito. Natigilan din ito pagkakita sa kanya.
"You!"
"Ikaw!" Magkasabay pa nilang sambit dahil sa gulat.
Ilang sandali lang din ay muli itong nagsalita. "Give me that book.. You may be the one who came here first but I was the one who touched that book first." He grabbed the book from Evelyn suddenly.
"No way! Ano 'to? Chess? Touch move, ganun?" Biglang hinawakan ni Evelyn ang lalaki na ikinagilalas nito. "That means, you're already mine because I touched you? Come on.. Ako naman talaga ang nauna diyan.."
Hinablot niya muli ang libro mula sa kalaban. Wala pang limang segundo ay naagaw na naman nito. Aagawin niya sana muli nang bigla nitong itinaas iyon. At dahil pandak si Evelyn, tumalon-talon siya pero 'di niya maabot. This guy is so tall.
Bigla siyang kumapit sa balikat ng lalaki at sinikap abutin ang libro. Napatingin tuloy sa kanila ang iba pang mga bumibili. Ang iba ay tumatawa at ang iba ay nakangiti lang.
Nang hindi niya maagaw ang nobela ay sakto namang dumating ang isang sales lady. Nakangiti ito habang pinagmamasdan si Evelyn at ang lalaking kaagawan nito. "We are very sorry maam, sir.. Marami pa pong kopya ang bookstore na ganyan.. Nakaligtaan ko lang na ilagay sa mga shelves.."
Tahimik lang na i-si-nurrender kay Evelyn nung lalaki ang libro. Nakangisi niyang inabot 'yon. "See. Nagparaya ka din naman. Ba-vush."
Tumalikod na siya, nagbayad sa cashier at lumabas ng bookstore para mag-abang ng taxi at nang makauwi na rin.
Matiyaga siyang naghintay ng masasakyan. Nang pumarada ang isang taxi sa harapan niya ay bigla siyang napatanga nang lumapit doon ang lalaki kanina at agad na pumusok sa passenger side ng taxi.
"Ba-vush" nito na ginaya pa ang ginawa niya kanina.
Hmmp! Bahala siya sa buhay niya.. Magji-jeep na nga lang ako.. Mas matipid pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/19449529-288-k229615.jpg)
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...